Agosto 29, 2011

Anarkismo: Hangarin at Tunguhin ng Idolohiya

ni Joshua Salcedo (is in Political Asylum in the Philippines)


Anarkismo: Ano ang Nasa Malaking Titik A?

“...ang buhay na ito’y walang silbi kung walang basbas nang dakilang idolohiya. ito ay mistulang batong ipinukol sa karamihan na masasayang kung hindi makakasama sa pagpapabagsak...” -Joshua Salcedo

Marahil ay nasa walo o ika-siyam na taong gulang pa lamang ako noong marinig ko ang malaking titik A na nasa salitang iyon. Hindi ko alam kung anong kalagayang umiiral sa ganung panahon kung kaya’t minarapat ko na tanungin ang aking mga magulang hinggil sa kung ano ang kagustuhan nang mga Anarkista. Sabi nila: Ang mga Anarkista’y mga taong gustong wakasan ang mapang-aping kalagayan, sirain ang ganitong kaayusan at humulma nang panibago mula rito.

Malawak ang mga tinuran nila mula sa salitang iyon subalit ang tumimo sa akin ay ang pagwawasto nang mapang-aping kalagayan na iyon. Natanim sa isip ko na may magandang hangarin pala ang mga Anarkista, hindi lamang sa layon na gibain ang anumang uri ng mapang-aping kalagayan bagkus para sa kanila ang lahat nang kaayusan na ipinapataw sa mamamayan ay hindi makatarungan at hindi akma sa pangangailangan. Ang ibinigay nila sa akin na paka-hulugan ay masasabing hindi eksakto ngunit hindi rin naman bago sa pandinig. Subalit may kawastuhan sa pananaw na kailangang baguhin ang lipunan mula sa batayang antas nito. Ang pagpapalit na magaganap na ito ay hindi masosolusyunan sa paisa-isang repormang gagawin subalit sa malawak na pagbabago na manggagaling sa ibaba-pataas.

Pinalad ako sapagka’t, isipin na lang natin ang mga nakukuhang sagot nang iba hinggil sa tanong na ito.

Noong 1910, sinulat nang isang Amerikanong aktibista sa ngalan ni Emma Goldman na; “pinaninindigan nang Anarkismo ang paglaya mula sa impluwensiya ng relihiyon sa isip nang tao; ang paglaya nang ating mga sarili sa pangingibabaw sa kaisipang mahalaga ang pag-aaring materyal; kalayaan sa kontrol at imposisyon nang gobyerno; ang pagtindig na kailangan ang malayang organisasyon ng mga indibidwal.” (salin mula sa Anarchism: What it Really Stands For)

Makaraan ang ilang dekada mula nang maisulat niya ang pamosong lathalain na iyon, marami pa ang dapat na matanggal na “maling” kuro-kuro hinggil sa mga paninindigan nang Anarkismo, na hinulma mula sa mga “maling” pananaw at paninirang-puri. Magulo, mapighati, mapangwasak, maiingay at mapanghikayat nang alitan. Ang mga Ito ang karaniwang naikakabit sa mga Anarkista at sa Anarkismo. Marami ang nag-iisip na ganito ang mga pangunahing katangian ng mga Anarkista, mga makasalanan at wala sa “tamang” kaisipan.

Ngunit may ikagugulat kayo rito, nasabi rin ni E. Goldman sa sanaysay na iyon na; “sa mahigpit na pagkapit nito sa tradisyong, ang mga Makaluma (Old) ay hindi nagdadalawang isip na gamitin ang anumang uri nang paraang mahalay at mabagsik sa pagdating ng Pagbabago (New)…” Sa katunayan, bilang pinaka-rebolusyonaryo at matibay na nanalig sa pagbabago, kailangang paghandaan, salubungin, at mailagay ang Anarkismo at mga Anarkista sa kamandag ng kamangmangan at kabalintunaan na inihahain nang daigdig na nilalayon nitong baguhin.


Ito ang dahilan kung bakit ang karamihan na naniniwala sa prinsipyong ito ay umiilag mula sa pagkakakahon na iyon. Karamihan sa mga mapagpalayang nilalang (activist) ay nginangalanan (at pinangangalanan) ang kanilang mga sarili bilang “mapagpalayang sosyalista” (libertarian socialist), “ayaw nang kapangyarihan” (anti-authoritarian), “mga nagsasarili” (autonomous) at o wala na lang mismo dahil nga sa bangungot na bumabalot sa kahulugan at sa prosesong dinadaanan nito. Ngunit may mga ilan na dinadala, ipinagmamalaki at walang kapagurang pinaninindigan nito ang layon.


Kusang-loob na Pagkilos (Direct-Action) – Batayang Saligan at Prinsipyo

Ano ba talaga ang kagustuhan nang mga Anarkista? Ang sagot ay simple. Ninanais nila ang isang kaayusang panlipunan (social order) na walang dominasyon at pamunuan. Lipunang hindi sasaklawan at may pagkakapantay nang gampanin. Nais nila ang daigdig na walang hangganan at lipunang hindi nagtatalaga nang uri o katayuan, walang namamanginoon at naghaharian. Lipunang nagbabahaginan nang kapangyarihan, kasapian at kalipunang nagtatalaga nang sarili nilang mga landasin. Kami ay naniniwala sa malayang kaisipan, pandaigdigang pagkakaisa, boluntaryong samahan, at pagdadamayan. Sisikapin namin na lansagin ang pangangailangan nang kapitalismo at pamahalaan, na hahalinhinan ng maliliit na halimbawa na kaayusan. Sisikapin ang paglaban sa pamumuno nang kalalakihan, ang kaisipan na dapat may mataas, ang sapilitang pagtatalaga sa bawat kasarian, at iba pang porma nang pag-papaimbabaw at pagtatangi. At ito ay, marahil, kung kaya’t karamihan sa mga nasa larangan nang pagtuturo, nang pamamahayag, nang kaparian, nang pangangalakal, nang kapulisan ay nagsusumikap na itago ang ganitong klaseng mga pagpapahalaga sa pangkalahatang publiko.

Isa sa mga katangi-tangi sa mga Anarkista ay ang kagustuhan nila na sila ang maging halimbawa mismo nang pagbabagong gusto nilang ipalaganap. Ang metodo na ito, ay minsan tinatawag na “matalinhagang politika”( prefigurative politics), na makikita sa organisasyong walang pamunuan, paghulma nang desisyong mula sa pagkakaisahan ng lahat na may pag-galang sa pagkakaiba-iba nang opinyon at pagbibigay diin sa prosesong pinagdaanan. Ito rin ang nag-uudyok sa kanila na hubaran ang mga naka-programang nais sa kanila at igpawan ang pag-uugali na hahantungan ay ang pag-papaimbabaw sa isang kasarian, isang lahi, takot sa isang kasarian (homophobia), kultura nang pag-aaksaya, at laging pagtalima. Bilang mga Anarkista ibinubulgar namin ang aming mga sarili bilang kami at mabuhay na ayon sa aming kagustuhan na hindi lamang iyon ang tanging layon ngunit magiging gabay sa pang-araw-araw na larangan ng buhay.

Ito na marahil ang batayang kurso sa pagiging Anarkista – ang kusang-loob na pagkilos (direct action). Ipinaiintindi nila na ang kusang loob na pagkilos ay saligan sa pagpapanibagong minimithi na nasa ating kamay sa pamamagitan nang direktang partisipasyon sa mga problemang kinakaharap sa halip na pangangailangan ng panlabas na tulong (na kinakatawan ng mga pamahalan) sa pagwaswasto nang mga mali. Ito ang tinatawag na “nakapangyayari” (do it yourself) na metodong nakabatay sa lakas-sambayanan at o bayanihan (people power) na sasalamin sa hindi na pangangailangan nang mga pampulitikang institusyon.


Karaniwang kinakikitaan ang metodong ito na humahadlang at o mapangwasak na paraan. Kung, halimbawa, ayaw nang mga Anarkista ang pagkalbo nang mga kakahuyan, kung gayon ang kusang loob na paraan ay sa halip na pagmamakaawa sa mga korporasyong nasa larangan ng pagtotroso at paggamit nang paraang umaayon sa batas, sila mismo ang hahadlang sa pamamagitan nang direktang pakikisangkot upang hindi maputol ang mga kakahuyan, mga pagsasabotaheng tulad nang, pagtatali nang mga sarili sa puno, paghiga sa mga sasakyang hahakot at o tutulong pumutol sa mga puno at paghahalo nang kung anong likido na hindi magpapaandar nang mga sasakyan magbibigay daan sa pagka-kalbo ng mga kagubatan – lahat nang paraang makakapigil o pansamantalang makapagpapahinto sa mga gayong halimbawa na proyekto.

Subalit, marapat ding tanawin na ang taktikang ito ay mapagpasyang pamamaraan. Ang mga Anarkistang nagmumungkahi na magkaroon ng panlipunang ugnayang hindi nangangailangan ng kaayusang may pag-aantas, isang ekonomiyang nakabatay sa pagpapahalaga sa kalikasan, ang pagmumuni na ito ay matagal na nilang napagtanto. Sa paghuhulma ng mga alternatibong sentro nang kapangyarihan, sangkot ang mga Anarkista sa paglikha nang mga proyekto, sa pamamagitan nang mga lupon at kaibigan na may hangaring baguhin ang mga mapang-aping kalagayan at lumang kaayusan. Sa gabay na “may bagong daigdig mula rito” (another world is possible) susubukan nating hubugin ang mga kaisipan sa paghahanda pagpunta roon.


Ang Muling Pagsilang Nang Kinaligtaang Kilusan

Ang mga prinsipyong gumagabay sa Anarkismo ay sing-tanda ng mga kinakalaban nitong mapang-aping kalagayan; ang usapin na ang tao ay mabubuhay nang walang pag-aantas o kalagayan na naiipon lamang ang yaman sa iilan na siyang ipinaglaban noong “rebolusyon ng mga alipin” (slave rebellion) kasabay nang mga tinaguriang heretiko sa bawat panahon – at mga sinaunang tao bago si Kristo. Ang kasalukuyang Anarkismo, sa mga bago nitong pamamaraan, na nag-ugat sa mga manggagawa noong ika-labinsiyam na dantaon (19th century), sa pagbubulgar nang kontinente sa Europa at iba pang bahagi nang daigdig, ay pormasyong sinasandigan nang nakararami. Ang kauna-unahang manunulat na nagbansag sa sariling siya ay Anarkista, mula sa bansang Pranses (France) sa larangan nang panlipunang-teorya, sa ngalan ni Pierre-Joseph Proudhon, na nagsabi rin na “ang pag-aari na iyan ay nakuha mo lamang” (property is theft!). Ang Anarkismo ay malayang nakapangyayaring kilusan na nabuo sa pagtatapos nang ika-labinwalong dantaon (1872). Sa pag-iiba nang layunin nang Kauna-unahang Pandaigdigang Kilusan (First International) sa pagitan nila Karl Marx at sa mga tagasunod ni Proudhon kasama ang Rusong (Russian) si Mikhail Bakunin. Hindi tulad nang mga Marxista na inaakalang ang pagbabago ay magmumula sa paglikha nang mga batas at o pag-paimbulog sa sistema nang halalan na unti-unting kukubkob sa sentralisadong pamahalaan, ang mga Anarkista’y nananawagan sa pagwawakas nito kasabay sa kailangang paglaho (withering away) nang Kapangyarihan (state) at Pamumunuhan (capitalism). Kahit na may mga magsasakang naglulunsad nang himagsikan laban sa mga nagmamay-ari nang lupang sakahan at sa mga trabahador na nanghihikayat nang malawakang tigil pag-gawa, aakayin sila nang mga Anarkista sa rebolusyonaryong tunguhin sa anu mang uri nang pamamaraan.


Ang Anarkismo’y nasa “ginintuang panahon” (Golden Age) nitong mga huling dekada nang ika-dalampung siglo (20th Century). Kinakikitaan ito sa mga ibinungang pag-aalsa ng kilusang magsasaka at manggagawa sa bawat bansa sa Europa at Amerika at sa mga kalapit nating bansa sa Asya partikular sa hilaga nito na Ukraina (Ukraine) noong digmaang-sibil sa Rusya taong 1919-1921, na sinundan noong digmaang-sibil sa Catalonia taong 1936-39. Subalit ang ganansiyang ito ay nagapi sa pamamagitan nang pagsupil nang kilusang Anarkista sa kalakhan nang Europa na idinulot nang pagyabong ng mga Bolshevik at Pambansang Sosyalismo diktadurya (National Socialism o Nazi Party), at pananakot-taktika nang pamahalaang Amerika sa ngalan ng “ takot sa mga pulahan” (Red Scare) ay epektibong nalipol at nabura ang kilusang Anarkismo sa malawak na hanay nang kilusang mapagpalaya.


Kapanahunan nang Pagsusulong

Ngayon, ang kilusang Anarkista ay nasa pagpapa-igting nang pandaigdigang implementasyon nang kanyang prinsipyo at teorya. Kaakibat sa malawakang pag-aalsa at pagtulong sa mga proyekto – mula sa pagtutol sa pagmimina, sa mga plantang nukleyar, sa pakikiisa sa isyu sa Gitnang Silangan (Middle East), sa pampamayanang-sakahan (communal farming), sa isyu nang pandaigdigang pagbabagong-klima (climate change), at sa mithiin nang kilusang paggawa (labor movement). Pangunahin sa mga kapakanan nang mga Anarkista ang, paghihimok, paglahok sa mga kampanya at o programa/proyekto na may pangkalahatang panawagan – sa mga nananaliksik, nagsisiyasat at nagbabantay sa mga pandaigdigang korporasyon at institusyon, lokal na pangkabuhayang inisyatiba, lupon nang kalusugang pang-kababaihan, sa mga kapisanan at pampublikong likhang-sining. Dumarami ang mga Anarkistang pampublikasyon, aklatang-bayan (book fair), at websites taun-taon, maging sa impluwensiyang sa kalagayang heyograpikal (geographical), kultural (cultural), at katandaan o edad (age).


Malikhain at mapaglaro ang Anarkismo. Inspirasyon sa buong kasaysayan nito ang kilusang taliba (avant-garde) sa sining mula sa pinanggalingang impluwensiya ng mga Surrealista at Situationist, na kinalaunan, sa iba’t-ibang kultura sa daigdig at sangay pang-kultural (subculture) nito. Ang Anarkismo ngayon ay kakikitaan ng kasiglahan at masayahing paraan kaysa marahil sa alinmang pampulitikang kilusan sa kasaysayan. Ang mga ito ay madalas na maglulunsad nang teatrong pang-kalye, pagtatanghal nang mga likhang-sining, at masalimuot na kalokohan (elaborate hoaxes); sila ay magpapakita nang kakaibang pananamit sa mga demonstrasyon at protesta; bibigyang pansin nila ang kagandahan ng hardin-pampamayanan (community garden) at mabungang ekolohiya.


At oo, sa kabila ng lahat ng mga pagtatampok na ito, mas nailalahad sa publiko ang harapang pakikipagtunggali nang Anarkismo sa pagpapakita nang; pagbasag sa mga salaming-bintana ng mga bangko at iba pang sangay korporasyon nito, paghadlang sa mga pandaigdigang pampulitika at ekonomiyang pag-uusap, sa ibang bansa, ang paglaban sa mga mapanupil na kapulisan at iba pang porma nito sa lansangan. Kung ang taktikang ito ay magpasa-hanggang ngayo’y kinakikitaan na epektibo o nagiging simbolo na lamang ng di-pagsang-ayon ito ay laman nang mga pagtatalo o usapan. Para sa akin naniniwala ako na, ang paminsan-minsang pagpapakita nang organisadong galit sa mga tukoy na target ay pag-aambag sa lakas at sigla sa malawak na mga pamamaraan ng pagbabaka (struggle). Laman din nang mga pagtatalo kung ang pamamaraang ito ay nagbibigay ganansiya o nagpapababa sa reputasyon ng Anarkismo. Mahalagang bigyang pansin na maraming nagrereklamo sa harapang pakikipagtunggalian (confrontational tactic) na ito sa kani-kanilang mga bansa subalit abut-abot ang suporta kung magaganap ito sa mga karatig-bansa (neighboring countries) tulad ng sa London, Spain, Ehipto (Egypt), Tunisia, Libya, Chile, Argentina, Tiananmen Square sa China at Rusya. Sila ba ay nagtatago lamang sa mukha nang mga hindi mararahas at lantarang pakikipagtunggali sa mapang-aping kalagayan? O nagkakasya na lamang sa paminsan-minsang paghalal sa mga kapitalista-pulitiko na lalagda sa lehitimo nilang pamamahala at sa diktaduryang tatamasahin? Ang mga Anarkista’y hindi ganito.


Kinakaharap natin ang kakapusan sa enerhiya, pagbabagong klima, pandaigdigang-problemang pinansyal. Ang mga pagpapahalaga ng Anarkismo, sa kasalukuyang porma ng samahan at paraan ng pakikipagtunggali nito sa mga nasabing kalagayan ay mahalaga. Makikita sa dalawamput-isang siglo (21st Century) ang krisis ng mga pandaigdigang kaayusan (world order) sa tungkuling nakaatang sa kanila – subalit walang garantiya na ang mabubuong kaayusan mula sa pagguho nang mga ito ay mas makatao at mas makatarungan. Ang hamon sa mga Anarkista at mga tulad nitong mag-isip sa ngayon ay pagpapalaganap nang kanilang kasanayan at kaisipan na makakatulong sa pagguho nang mga mapang-aping kalagayan.


“It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.” - Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda


Mga Mungkahing Babasahin at Gagawin:

Lokal at Pandaigdigang Pahayagan sa Kasalukuyan

Pagbisita sa mga Ibat-ibang Websites

Pakikipag-usap sa mga karaniwang tao sa mga Lugar sa Pilipinas

Benedict Anderson: Under Three Flags: Anarchism and the Anti-Colonial Imagination

Andre Breton: The First Surrealist Manifesto

Emma Goldman: Anarchism and Other Essays

Colin Ward: Anarchy in Action

Gustav Landauer: Revolution and Other Writings

Daniel Guerin: No Gods, No Masters: An Anthology of Anarchism

Peter Marshall: Demanding the Impossible: A History of Anarchism

John Zerzan: Running on Emptiness: The Pathology of Civilization

Slavoj Sisek: Living in the End of Times

Guy Debord: Society of Spectacles

Magluto, Maglaba, Mamasyal at Magtanim

The Others


“Hindi kami kabit noh, we’re the other woman”, iyan ang sagot sa akin ng aking friend ng magkakwentuhan kami isang araw habang umiiyak.
Ito yung araw na nagkita kita kami ng mga old friends ko. Parang reunion na din. Nakakaloka kasi lahat sila may common denominator. Ang pagiging…Other woman.
“hmm..ah ok, so whats the difference?” tanong ko naman.

“Kasi yung mistress eh masyadong negative ang dating, sila ung mga babaeng ayaw ng long term commitment, it’s either gusto lang nila maging Masaya, sexually attached yes, and of course, financially attached noh, eh yung other woman, involved sexually and emotionally, as in there is love. Di ba nga yung ibang mga other woman is not looking for financial support basta makasama lang nila yung lalaki, iba yung feeling na nakakasama mo”, dugtong pa niya.

Ok fine. Parang lahat sila may kanya-kanyang story bakit nagging other woman. Bakit nga ba?

Other Woman #1 – Ito ung friend ko na as in head over heels inlove sa kanyang married lover. Bakit siya nagging other woman? Well sabi nya, friends sila at first hangang sa na develop. Hindi talaga nila akalain na magiging mag lover sila. She’s been the other woman for almost 4 years na (wow matagal na din pala). Tinanong ko siya kung hangang kelan, ang sagot nya hangang sa Masaya silang dalawa, pero wala siyang balak na papiliin ang lalaki dahil ito ay may anak, hindi lang isa kundi 3. Sa una pa lang ay hindi na nag sinungaling sa kanya ang lalaki na may asawa na ito kaya wala siyang sinisisi. Ang dahilan nya din ay basta Masaya siya..silang dalawa. TInanong ko pa siya paano kung mahuli sila? Ang sagot nya ay hindi, dahil isa siyang perfect other woman! (taray!..so abangan ko na lang ang kabanata nya)

Other Woman #2 – Ito ang friend ko na other woman na gusto kong iuntog ang ulo sa pader. Dahil nagpadala sa bola ng lalaki. Alam din niyang may asawa ang lalaki sa simula pa lang, pero dahil sa mga katagang ito, eh nahuli siya sa bitag – “Mas naiintindihan mo ako kesa sa aking asawa, pinikot lang nya ako”, at ito ang matindi na sinabi sa kanya – “hindi ko siya mahal”. (argh!) Men are born liars! (hehe, hindi naman ako bitter diba?) Sinabi din sa kanya na iiwan ang asawa para magkasama na sila, pero just last week, nabalitaan nyang nanganak ang asawa. At ito ang first baby. (ahh ok..diba?) Sobrang mahal na nya ang lalaki, at they’ve been in the relationship for 3 years na din. Ngayon ay naguguluhan siya kung anong gagawin since nangako ang siraulong lalaki sa kanya. Malabo na iwan ng lalaki ang kanyang asawa sa sitwasyon pero ang aking friendship ay talagang nahihirapan at para bang katapusan na ng mundo para sa kanya (isa pa ngang beer ditto!) Ang lalaki kung mahal talaga siya nito ay matagal nang iniwan ang asawa. Pero heto at nagka anak pa. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan ko dahil siya ay nagmahal lamang, pero ang sabi nga nila ang pagiging kabit or other woman ay hindi habang buhay, Cheer up gurl! Try mo ulit maki pag meet sa iba..sa ibang lalaking may asawa naman…(hehe joke!)

Other Woman #3 – Siya naman yung friend ko na isa ring tanga. Umibig din sa married guy. Well, sabi ng guy eh hiwalay na sila, as in hiwalay lang ng bahay dahil wala lang annulment. Siguro kasalanan ko, kasi she met the guy thru me..(eh haler, hindi ko din alam na hindi pa pala annulled yung guy sa first marriage). Alam din niyang 3 ang anak nitong guy. Pero kakaiba, kasi nang na meet nya yung guy eh hindi stable ang guy financially. Dahil napa ibig na siya eh sabi nga nya, she’s helping the guy financially! (oh diba kakaibang other woman itong friend ko, very generous), at ask ko naman, in return naman, what ang nakukuha nya? Sabi pa nya eh – good sex! (sobrang kaloka nitong friend ko talaga). Pero she’s happy. 6 years na ang relationship nila at nagging loyal naman sa kanya ang guy (ahh..ok, im not going to contest on the one..hehe), at sa 6 years na relationship eh very charitable ang lola ko extension na din sa mga anak. Hindi ko din siya masisis dahil inlove din. Pero after ng six years eh nagkaron na ng work ang guy (sa wakas!) at sobrang masaya siya dahil first time nyang ma treat ng fish ball! (ang saya saya nga). Masaya na sana dahil hindi naman nagsasama ang guy at asawa nya pero nabalitaan na lang nya na lumipat ang asawang babae sa bahay ng guy! At ang dahilan ng guy eh dahil walang mag aalaga ng mga bata since siya ay may work na. Wala naman magawa ang friend ko dahil andun na ang babae..basta ang importante daw eh ang love with each other at..good sex!

Other Woman #4 – Whew! (dami kong friends talaga!) eto yung friend ko na tapos na ang relationship na sya married guy recently, pero ang matindi eh, until now love pa nya at gusto na din magpakamatay. Nahuli kasi sila ng asawa. Nakikipag balikan ang lalaki sa kanya pero natatakot siya. Bakti kamo? Dahil war freak ang asawa! As in dumalaw sa office nila at mukhang hindi daw papatalo buti na lang at nakapagtago siya. Sabi nga nya, kung patalinuhan ang labanan eh lalaban siya pero kung physical eh baka sa ospital kami ngaying nag kwe-kwentuhan. (kaya din siguro ang lalaki eh naghahanap ng iba) Hindi kasi siya perfect other woman! Sa sobrang love ang lalaki kahit lingo eh tinetext ang lalaki, eh un ang number one rule na don’t text the guy on Sundays! At eto ang matindi, ka officemate lang nya yung guy! Gusto ko din untog ang ulo dahil inamin nya na pa minsan minsan eh nagkikita pa din sila ng guy (oh diba walang ka dala dala). Hindi nya ang alam ang solusyon dahil ayaw nya ng karma, sabi ko mag resign na siya sa work at gagawin naman daw nya, (ok good luck dahil on that time na mag kakasama kami eh text mate sila ng guy).

Other Woman #5 – oh well, hindi ko alam kung dapat nga bang tawaging other woman itong friend kong ito. Dahil siya ay may other man! (huh? Kaloka diba) Actually, they are both others (gulo). Kasi ang lalaki ay may asawa din (kabit-kabit?). Hindi ko din siya masisisi. Kilala ko ang asawa nya, super busy to the max sa work at lagging wala sa bahay, lagging out of town. Ang married guy na lover nya eh officemate din nya, at may kinakasama na gurl for 7 years na. Sa sobrang matinding atensiyon na naibibigay sa kanya ng lalaki eh ayun, na inlove siya na hindi nya naramdaman sa asawa nya. Buti na lang at walang silang anak pero ang problema eh ang lalaki ang may anak. Hindi naman nya kayang hiwalayan ang asawa nya dahil natatakot siya. Sa family nya..at sa sasabihin ng ibang tao. Suwerte siya dahil ang lalaki ay mahal talaga siya dahil hiniwalayan ang asawa. Ngayon, hindi nya alam ang gagawin, sabi ko na lang, i- pra-pray over ko siya (amen!)
After nilang magkwento, ako ang tinanong nila, what if I am in their shoes? Sabi ko, I guess I have been there (naks,hehe), Hindi talagang nagging mistress, pero ang partner ko ang may other woman. Masakit pala pag inamin sayo na may third party or may others, pero ang mas masakit ang magiging decision natin. So, tinanong nila ako kung ano daw ang ginawa ko nang malaman kong may other woman ang partner ko. Sabi ko na lang, kaya nga ako nagging single mom diba? I made my choice.

Well, lahat sila ay may kanya-kanyang kwento, lahat sila ay iisa sa paningin natin, sa paningin ng mga tao. Lahat sila ay isang kerida, kabit, mistress or other woman. Lahat sila ay gusto din maging number one or only one, gustong mag kapamilya at gusting ilantad ang relasyon. Kahit saan man natin tingnan, sa society natin eh ang mistress or other woman eh not morally accepted. Pero lahat sila ay tao din. Bakit ba marami ang galit kapag nalaman ng mga tao na ikaw ay isang kabit, mistress, or other woman? Para bang may sakit ka na nakakapandiri. Hind man ako nagging other woman or mistress pero I always believe na there’s always two sides of a coin. Pero lagi pa din sumasagi sa isip ko na bakit kelangan pahirapan o saktan ang feelings ng isang tao kung wala ka naman planong mag stay habang buhay sa buhay nya?

Sabi nga ni Ruth Purple, ‘Mistresses, yes we don't like the idea of them but they are also people whose only fault is being in love with the right person in the wrong time.”


(tales of klitorika)


Abril 2, 2011



Nakedness reveals itself. Nudity is placed on display. The nude is condemned to never being naked. Nudity is a form of dress.

Nobyembre 14, 2010

ORDER ONLINE

Sa mga naghahanap ng kopya ng Memoirs of Klitorika at Tales of Klitorika, maari po kayong umorder ng kopya sa
PSICOM


MARAMING SALAMAT PO!



Agosto 9, 2010

Rupturing the consumer myth through sexual liberation.

The revolutionary breeze that ushered in the 60s carried with it a desire for sexual liberation and emancipation from the bourgeois, patriarchal norm. By calling into question the fundamental unit of society, the nuclear family, rebellious youth hoped to shake the foundations of staid consumerism.

The Sexual Freedom League, a student group at the University of California – Berkeley, organized nude parties and orgies. The Weather Underground tried to “smash monogamy” with bisexuality and rotating sexual partners. And in 1971 Andreas Baader, founder of the Red Army Faction, captured the sentiment of his generation, exclaiming: “The anti-imperialist struggle and sexual emancipation go hand-in-hand, fucking and shooting are the same thing!”

Now, four decades later, we can discern the faint stirrings of a return to the project of sexual liberation. This time, however, it is not under the flag of “free love” but of “polyamory” that the struggle will be waged.

Experiments in free love were not always a success and in retrospect some former participants now admit there was another form of coercion at work. Free love ceased being free and revolutionary the moment it became obligatory. In his 1971 dystopian sci-fi novel, The World Inside, Robert Silverberg conveys this point brilliantly.

Writing in the midst of the sexual revolution, Silverberg imagines a world where an exponentially growing human population lives in mile high sky scrapers. With limited space, their society adopts sexual norms that avoid tension: promiscuity is encouraged, and it is considered anti-social to turn down a sexual advance. Every night, men sleep with their neighbors wives and wives freely switch partners as well. The result is a world of greater apparent freedom – drugs are also legal – sustained by a severe form of social control: those who resist the free love culture disappear.

Sexual liberation as imagined in the 60s was heavily biased towards a vision where sexual energy was freely flowing, all partners essentially equal, and sex something that ought to be shared without restriction. Against this borderless, formless vision of sex another perspective is gaining traction: the “polyamorous” position that maintains it is the tight bounding of a group, whether it be three or four or more, that is revolutionary.

Polyamory is an outgrowth of the free love movement but instead of looking to the orgy as the model for rebellion it is the notion of a tribe that excites their imagination. There are many visions of polyamory, but the one that many find intriguing is a world where partners are not exchangeable, relationships are stable and promiscuity is often frowned on. Whether polyamory means two women and a man, two men and a woman or two couples who share the same bed, the nuclear, patriarchal family is no where to be found.

Can capitalism exist without its foundation of heterosexual monogamy? Is polyamory inherently revolutionary?

Hunyo 6, 2010

Mayo 3, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold Part 4 (Romansahan sa Concrete Jungle)

Sumakay kami ng jeepney papuntang Aurora Blvd. Pagdating sa may kanto ng EDSA maraming mga tao ang nagtitipon, hindi ko mawari kung ano ang gagawin o ginagawa nila. Nagpasya akong tanungin si Reynaldo na puntahan muna pansumandali ang kumpulan.

“Ano ba ang bibilhin natin Rey, wala naman akong nakikitang convenience store ditto, ang alam ko ay nasa kabilang kanto ang 24 hours na tindahan?”

Napansin kong nagladlad ng mga banner at nagsuot ng mga itim na saplot sa mukha ang mga mahigit sa limampung katao na naguumpukan na iyon. Maghahati na ang sabado sa lingo subalit di alintana ng mga taong iyon ang dilim at takot na ibinubunga ng gabing iyon.

Kakatapos lamang ng naudlot na pagsasama-sama ng ibat-ibang political na pormasyon sa Makati. Mainit ang sitwasyon, ngunit minabuti ng mga taong iyon na lumabas.

“Tol, saan kayo pupunta, anong ibig sabihin ng NO GOVERNMENT CAN EVER GIVE US FREEDOM!? pangungutya kong tanong sa isang hindi ko halos makita ang mata dahil sa takip niyang maskara o kung anu man ang tawag nila doon pantakip sa kanilang mukha.



Sinasabayan lang ako ni Reynaldo sa bawat tunguhin nang aking paa, hindi ko alam kung saan papunta ang romansahang ito sa gitna ng EDSA, gusto kong dalhin sa sulok si Reynaldo at tanungin kung ano na ba ang mga nangyayari. Ang huling sulyap ko sa kasaysayan ng bansa an gang romansahang nangyari sa kahabaan ng Ayala Avenue, tila mga hamog ang usok ng tear gas na umaalingasaw mula sa pagpapaulan ng mga ahente ng kapitalismo upang magupo ang nag-iinit na mga kamalayan ng ibat-ibang pormasyong political noong Pebrero.

Hindi ko alam kung nabuburyong na sa akin ang halimaw na kasama ko pero hindi ko masabi sa kanya na gusto kong sumama sa kung anuman ang gagawin ng mahigit sa limampung katao na iyon na nagsisimula nang magmartsa papuntang area nang ng Kampo Crame.

“Tingnan mo nga naman ang mga gunggong na ito, Reynaldo, hindi man lamang ako sinagot hindi ba nila ako kilala? kunot noo kong tanong sa kanya habang sinusundan namin ang martsa.

May ilan sa kanila ang may mga sukbit na bag sa kanilang likuran, may iba naman na na-kagas mask, ang iba lumalapita sa pader na tila mga hunyong nagdarasal sa wailing wall ng Jerusalem.

Kalkulado ang mga kilos, may mga nauuna sa martsa habang binabantayan ang biglang pagharurot ng mga sasaksayan sapagkat hari na ang mga SUV at AUV sa daan sa ganoon oras nang gabi.

Umaalingawngaw ang hindi ko maulinigang mga sigaw subalit habang papalapit kami sa gate ng Crame bumuka ang aking bibig.

“Aparato ng Estado, Wasakin Durugin, Gawing Pagkain!”
“Aparato ng Estado, Wasakin Durugin Gawing Pagkain!”

Humarurot mula sa likuran ang isang patrol car na may nakasulat na MP sa bandang kaliwang bahagi ng kamay at nagmamatyag sa mga susunod na mangyayari.

Abril 23, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold Part 3 (Hawak Kamay [paumanhin kay Yeng Constantino]

Naka-full ang aircon sa unit nila Rey subalit tagaktak pa din ang aming mga pawis. Naghalo-halo na ang amoy ng aming mga pabango sa hangin at usok ng sigarilyo. Niyaya ko si Rey Lumabas para bumili ng maiinom.

“Tara, Rey bili tayo ng alak.” yaya ko.

Nauna akong lumabas sa pinto tiningnan kung kasya pa ang perang dala para madagdagan ang tama ng kung anuman ang nararamdaman ko ngayon. Lumabas mula sa pinto si Rey.

“Mag-mix nalang daw tayo ng alak, bili lang tayo ng pineapple juice at pale pilsen.” wika
ni Rey habang sinasara ang pinto ng unit.

Inakbayan ako ni Rey. Alam niyang sumabog na ang ininom ko kaninang tabletas.

“May malapit ba na convenience store dito? Hindi ko kasi masyado naigala yung mata ko kanina sa lugar bago pumasok” tanong ko kay Rey.

“Meron naman, ano ka ba!” iritang sagot ni Rey

“Ano bibilhin natin?” kulit ko kay Rey habang pasakay sa elevator.

“Tang Pineapple, isang bote ng Ginebra San Miguel Gin, kalahating dosenang San
Miguel Pale Pilsen at asukal naubos kanina nahalo sa adobo e.” detalyadong sagot ni
Rey.

Paglabas sa elevator inilipat ni Rey ang kanyang kamay at idinikit sa aking palad. Nagpaubaya naman ako. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa lobby palabas ng kalsada.
“Bakit mo hinawakan ang kamay ko, pinagtitinginan tayo ng mga security guard?” nagtatakang tanong ko kay Rey.

“Huwag mo silang intindihin, ang gusto kong malaman ay kung ano ang pakiramdam ng ka-holding hands ay isang lalaki din?” seryosong sagot niya habang naglalakad kami at naghahanap ng tindahan.

Inakbayan niya ako muli. May kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Pinasukan na ako ng malisya.

“Rey, tanggalin mo yung kamay mo baka may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin nila. Atsaka hindi ako sanay” iritang wika ko kay Rey.

Nilibot ko ang aking mata. Halos madilim na ang kalsadang tinatahak namin. Wala na ring bukas na mga sari-sari store. May mangilan-ngilan kaming nakakasalubong na naglalakad. Hindi maalis ang tingin sa aming dalawa hanggang magkasalubong. Maputi si Rey, mataas lang siya ng ilang pulgada sa akin, may katipunuan ang kanyang katawan, hindi mo maipagkakamali na isang bakala kung ihahambing kay Matt Ranillo III.

“Tara sakay nalang tayo papuntang Aurora Blvd.”. matipid niyang sagot.

Abril 18, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold (Bangengean Saliw ng Electro-House Music part 2)

Hindi mapigil ang tawa ni Alan

“Bakla dumudugo yung ilong ko!” pambasag ni Rey.

“Tapusin na nga muna natin yung pagkain at baka mabulunan kayo dyan…ay teka…
sanay na naman pala kayong mabulunan.” tawanan ang lahat maliban sa akin na medyo
naiirita.

Simula noong maging “student leader” kasi ako noong college hindi pa rin ako maka-get-over sa aking cause na magkaroon ng socio-political at economic justice sa bansa. Halos lahat naman kami sa hapag-kainan na iyon ay dumaan sa ganoong antas. Mukhang iba nga lang sa ngayon. Naaasiwa kasi ako sa kanilang mga kababawan, ang pagiging burgis na aking pinagmulan ay pilit kong unti-unting tinatanggal sa aking sistema subalit hindi natatanggal ng anumang sabong panlaba ang mantsa ng kasaysayan.

“Ang sarap mo talagang magluto, Rey” sang-ayon ang lahat sa sinabi ni Alan.

“Gutom ka lang.” sabi ko kay Alan sabay lunok mula sa huling subo sa platong puno
kanina nang putaheng iniluto ni Rey.

Halos matatapos na ang lahat ng mag-volunteer si Harold na siya na ang maghuhugas nang pinggan. Parusa niya daw iyon sa sarili dahil sa late siya sa usapan na alas syete y medya.

Umupo ako sa sofa at binusisi ang librong nakuha ko sa kuwarto kanina. May ipinasak naman na CD si Alan sa may audio component na nagparindi sa tenga ni Jupiter kung kaya pina-akyat na lamang ito ni Rey.

Lumapit si Alan kay Rey may isinubo at nag-usap ang dalawa. Hindi ko sila maulinigan sa lakas ng volume ng Electro-House Music ni Paul Van Dyke (PVD). Sinubukan kong sumabat sa usapan.

“Neng, mayroon kang No Ordinary Morning ng Chicane, yung tamang…ambient-chill
sounds lang sana muna tayo habang nagtutunaw ng pagkain?”

Hindi sinagot ni Alan ang aking katanungan sa halip ay lumapit lang siya sa akin at may biglang isinubo sa aking bibig.

“Ano ‘to?” pagaatubili ko.

“Lunukin mo lang yan, trust me”, wika niya.

Nang biglang tumugtog ang Time of Our Lives ni PVD, nakita ko na lamang si Alan at Rey na malikot na umiindak, nagtatalunan na animoy mga tilamsik ng patak nang ulan sa dinidiligan nitong sementadong daan. Mula sa kusina, sumali sa grupo si Harold, hithit -buga sa kanyang sigarilyo habang umiindak.

Pinagmamasdan ko lamang sila mula sa sofang kinauupuan. Pilit na iniintindi ang panimulang mga pahina ng aklat na History of Sexuality ni Michele Foucult. Babasa nang mga kaunting linya, ibabaling ang mata sa gitnang bahagi ng sala kung saan ay nag- mistulang maliit na bahagi ng disco bar.

Hindi ako mapalagay, may tila kung anong humihila sa akin upang sumali na rin sa mga nag-iindakan, inilapag ko muna ang libro. Nakita ko na lamang ang aking sarili na pinagpapawisan habang sinasabayan ang malilikot na indak ni Harold, Alan at Rey.

"...denial is inevitable in every human responses"
-The Artchitect, The Matrix

Abril 15, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold

“to deny our own impulses is to deny the very thing that makes us human”
-Cypher, The Matrix Reloaded


Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa kama. Katatapos lamang ng hapunan na inihanda ni Reynaldo, kaunting hasheesh session at indakan saliw ng musikang makapagpapaindayog ng iyong katawan at gigising sa mga natutulog mong laman.

Sabado ng gabi noon and I am little bit of tipsy na, bago ako pumunta sa sa isang kalye sa Cubao. Sumaglit muna ako sa isang bar sa Tomas Morato, uminom ng tatlong bote ng serbesang…bang…hulaz na ang lolo mo.

Pumara ako ng jeepney.

“Manong dadaan kayo ng New York?” natatawa kong tanong kay manong drayber.

“Oo, sige pasok lang… araw-araw ginagamit yan!” sagot ng drayber.

Tingnan mo nga naman ang panahon ngayon kung ultra-conservative at first wave feminist ka eh mao-offend ka sa nasambit ni manong. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon pero inisip ko na lamang na baka pampawala lang niya iyon ng pagod sa ganoong klase ng trabaho. Subconsciously ayon kay papa Sigmund Freud, mga frustrations natin ang pinanggagalingan ng mga biro.

“Siguro, gusto ni manong ng masikip?” wika ko sa sarili.

Lampas kuwarenta na siguro ang edad ni manong, halata pa ito sa hindi pagputi ng kanyang buhok unless nagtitina ang mokong.

“Manong bayad po, pakibaba na lamang po… sa New York lang” natatawa kong sabi sa manong drayber.”

Baba ng jeep.

Tawid sa kabilang kalsada.

Nagtanong kay manong guard kung saan ang unit ni Reynaldo Matabungkay.

Nag-iwan ng ID. Pasok sa lobby. Doorbell sa pinto ng unit. Hoala! Pasok sa banga.

“Asan sila, Rey?”…patutsada ko.

“Yung lima hindi makakapunta.” malungkot na sagot ni Rey.

“Napaka-spontaneous mo naman kasi, anung nilaklak mo at one day notice nagyaya ka
dito sa inyo?” pangungulit ko sa kanya.

“Huwag ka na lang magtanong, enjoy the moment nalang, umakyat ka sa taas at pakibaba yung aso, hindi ako makapagconcentrate sa pagluluto kung puro tanong ka dyan.” wika ni Rey

Pag-akyat ko sa taas may dalawang kwarto, hinawakan ko ang doorknob ng unang pinto nakalock, kinatok ang pangalawang pinto at may biglang tumahol. Bukas ang pinto kung kaya pumasok nalang ako.

Biglang may sumunggab sa akin at pinagdidilaan ako sisigaw na sana ako ng rape ng magkaroon ako ng ulirat na si Jupiter pala iyon, ang asong Labrador ni Reynaldo. Maputi, malaman, at malaki ang katawan ni Jupiter. Habang nakikipagbuno ako kay Jupiter, napansin ko ang mga libro sa aparador History of Sexuality ni Michele Foucult ito kaagad ang kinuha ko dahil sa makulay nitong pabalat.

Bumaba kami ni Jupiter. Binigyan siya ng dogfood ni Reynaldo at tahimik na kumain ang sa sulok.

“Nakakalungkot naman. Bakit daw hindi sila makakapunta” tanong ko ulit kay Rey.

Minsan lang mangyari ang mga ganitong eksena sa buhay naming magkakaibigan. Wala nga lang si Javier, Randolph, Juanito, Alvin at Norman. Busy sa kani-kanilang lakaran.

Si Javier na schoolmate ko noong college ay busy sa kanyang muay thai at anu-anu pang physical activities. Si Randolph naman ay may speaking engagement tungkol sa kasaysayan ng komiks sa Filipinas sa Ateneo de Manila kasama siya kasi sa panel of discussant. Si Juanito naman ay kaeskwela ko din at ka-banda dati sa ethno-punk-earth music na tugtugan at may gig a Libis noong gabi na iyon. Si Norman, may shoot at dakilang PA (putang-ama este Personal Assistant ng isang kilalang artista sa isang kilalang network. Nagbabakasyon naman daw ngayon sa Ibiza, Spain si Alvin, kasama ang kanyang partner na pensionado ng gobyerno ng Espanya.

“Si Alan at Harold lang ang pupunta!” sagot ni Rey.

“Sigurado ka bang pupunta sila? Baka masayang ang Chicken Pork Adobo, Chopsuey, Fettucini at dalawang bote ng Merlot mo? Si Harold pa e pathological liar yun!” buwelta ko.

Tumunog ang doorbell.

“Baklaaaaaaaaaaang Reeeeeeey! What’s the menu!” iskandalong wika ng halimaw na nasa labas.

Si Alan… naka-E- na naman. Kagagaling lang sa West Burgundy, Makati Ave. with fashionate este passionate friends, siya ang source namin ng Pink Films, Art Films at iba pang out of this world films. Siya din ang vocal sa queer theory kasama si Harold noong mga nasa college pa kami at nakikipagdebate sa Luneta.

“Nasaan si Mama Amor ko Jeremy?” interrogate ni Alan.

“Neng, mahirap kasi nasa security firm di ba. Hindi ako nakasama sa team nila Amor e, front line sila back-up lang kami sa panibagong project na binigay kaya PO (pull-out) muna kami andun sila nakatengga (stake-out) sa vicinity ng subject” walang pag-aatubili kong sagot dahil baka magtampo siya.

Isa sa mga impluwensiya ni Amor si Alan kaya ganun siya mag-isip, napaka-Liberal, kulang na lang eh, sumapi sa Liberal Party ang lola mo, pero di niya Beth Tamayo ang maging partidista.

“Baka sa susunod ako na i-pasurveillance ninyo ha?” biro ni Alan.

“Baliw!” sagot ko.

“Kain na tayo, I’m starving!” pangungulit ni Alan.

“Teka, bakla antayin natin si Harold.” sabat ni Rey.

Biglang bumukas ang pinto.

“Raid ito!” panggugulat ni Harold.

“Mga bakla kayo, wag ninyo iiwan bukas ang pinto. Security conscious dapat kayo, uso
pa naman ang mga chinuchigi na Vaklush ngayon” dagdag pa niya.

“Hindi naman ako bakla eh.” depensa ko.
“Opinion noted?!” sabay tingin kay Alan ni Harold.

“Noted!” sagot ni Alan.

“Patay, nag-joint force na ang dalawa.” wika ko sa sarili.

“Tara, lafang na!” putol ni Rey.

Forte talaga ni Rey ang magluto. Kaya siguro hindi siya ipinagpapalit ng partner niya na architect sa isang kilalang construction firm sa Makati dahil “there’s something to hold on”. Ang alam ko kasi napaka-fluid ng homosexual relationships, napaka repressive ng monogamous set-up. May ilan taon na din kaming nasa experimental stage na open-relationship ni Amor but I maybe a hypocrite not to disclose na may mga bitterness aspect pa rin kapag nalalaman namin na may “the other” ang isa.

Sinubukan kong basagin ang katahimikan.

“Magtayo kaya tayo ng negosyo!” wika ko habang ang bawat isa ay tahimik na ninanamnam ang pagkaing niluto pa ng mga anghel para sa kanilang panginoon.

“Catering!” nagkatinginan si Rey Harold at Alan, nagsama sa isang frequency.

“Mabusisi, neng…” pag-aatubili ni Harold.

“At least tayo ang mangangasiwa ng negosyo.” sagot ko.

“Mutuality ang basehan, sampal sa kapitalismo, hindi ba kayo nagsasawa sa pagiging waged slave!” dagdag ko.

“Anong pinagkaiba mo bakla sa mga micro-entrepreneurs at mga small and medium enterprises, doon naman nagsimula sila Henry Sy at Lucio Tan ah?” buwelta ni Harold.

“Anu ba kumain lang nga muna kayo, sabi ko sa iyo Jeremy kanina diba, enjoy the moment lang, wala na munang debate, tigil muna natin ang intellectualization at theoritization” wika ni Rey sabay salin ng wine sa baso ng lahat.

“Hindi naman theoritization ang sinasabi ko eh, practicalization na!” habol ko.

“Kahit na anong theoritization at practicalization ninyo…hindi pa rin magkakaroon nang rebolusyon” pangungutya ni Alan.

“Paano naman napunta sa rebolusyon, bakla!” sabay inom ko ng wine.

“You are leading to it, so I bombed the bridge!” sabay bigay ni Alan sa akin ng wing part ng chicken adobo.

“Nagkakasundo naman siguro tayo we deserve more than in this life di ba or at
least…?” sabay kagat ko sa chicken wing.
“Natatandaan niyo ba yung movie na The Matrix doon sa first installment ha… may
eksena doon na pumunta si Neo kay Oracle tapos may nakitang Young Monk si Neo na
nagbebend ng spoon kinuha ni Neo yung spoon at sabi noong Young Monk…“do not
try and bend the spoon—that’s impossible.”… hawak ni Alan ang isang kutsara… “instead, only try to realize the truth.” “what truth?” tanong ni Neo “there is no
spoon.” Ohh… di ba… tumbling… echozera yung monghe.patutsada ni Alan

Natahimik ang lahat maliban kay Alan.


“You do not truly know someone until you fight them.”
-Seraph, from the film The Matrix Reloaded



(akda ni Joshua salcedo)

Abril 1, 2010

Nine Signs He's Cheating

Here are some red flags that may signal that your significant other is cheating:

Less Sex

Unless he's Superman, he can only have so much sex. So, if he's getting it from another source, you might notice. Whether it's another woman or a porn addiction — even if he's not cheating — a decrease in sex signals serious issues in the relationship.

Jumpy Cell Phone Habits

In a perfect world, we'd be open about sharing our correspondence with our significant others. Most of the time, we trust that we don't have to worry about who is texting or calling them. But, if you notice that he is getting protective and/or nervous when he gets calls or texts, it may be cause for alarm.

Gushing or Talking About Someone Suddenly

You know that exhilarating feeling you get when you meet someone new and exciting? You want to tell the world about him. One of my exes began talking about a guy a lot near the end of our relationship — he just always seemed to be at her social gatherings that I didn't happen to attend. Sure enough, after she dumped me, she began dating him.

Disconnect

Even though relationships ebb and flow naturally, if you're sensing that he's drawing away from you, then there may be someone else. Emotional disconnect should be investigated regardless of whether it's caused by cheating. There's a problem if he's not laughing or seeming as passionate as usual. It's hard to spread love/passion between two people, so the person who used to have it will feel it slipping away if it's being given to someone else.

He's Pulling Houdinis

HoudiniIf he's disappearing, traveling, or unavailable to the point where you are starting to wonder, then he could be cheating. Also, these times tend to take on a pattern because it's tough to synch up schedules, especially in secret.

Friends Acting Strange

His friends will certainly remain loyal to him in most cases. They will not let you know what's going on, but they will definitely be racked with guilt, and their behavior may change slightly when they are around you while protecting his secret.

Caught in Other Lies About Other Things

If you catch him in a lie, your trust will naturally be damaged. Don't hold a grudge — forgiveness is a good thing. You can forgive, but don't forget. If he consistently breaches your trust, it's establishing a pattern of behavior that leads to cheating. Do yourself a favor: If he keeps lying, whether these lies are big or small, get out while you can and don't let him talk his way back in.

Been There, Done That

I always say: "Once a cheater, always a cheater." If he's done it before, he's definitely capable of doing it again. It has nothing to do with you, which is why you can't say that he cheated on his previous lover because she didn't keep him happy. Cheating is a self-serving act in which the cheater doesn't take his significant other into consideration. If someone is upfront with you that he's made mistakes in the past, maybe give them a chance — but make it a long probationary period before you let your guard down.

Your Gut Tells You So

Don't ignore your sixth sense. People are gifted at sensing when something doesn't feel right. Whether there are red flags in your relationship that are clueing you in or not, if something feels off, don't ignore this feeling. Usually that feeling is right, and something intangible may have led to you figuring it all out.

Enero 2, 2010

Nobyembre 11, 2009

The L World



“Bakla dare! Gusto kong karirin mo si Brigs type mo siya diba? Tingnan ko kung hangang saan ang kaya ng powers mo!”

Isang hamon galing sa kaibigan at kasamahan sa trabaho. Tama naman talaga siya type ko nga the moment na makita ko ang lesbian “butch type” na nakasama ko sa isang project.

Syet! Feeling ko ito ang pinakamalaking hamon sa pagkababae ko at sa sexuall life ko. Ang akitin at matikman ang lesbian na itoh! Well, kung naging lalaki siya tipong siya ang habulin ng mga chicks as in mga girls na nagagandahan din syempre. Although lesbian siya ganun pa rin naman ang eksena niya sa buhay. As in maraming magagandang babae ang nahuhulog sa kanya… parang ako lang diba? Isang babaeng maganda na nagkakagusto rin sa kanya (wag na umangal).

Feeling ko naman hindi ako tagilid pagdating sa ganitong bagay, pero super nakakaloka at ang hirap palang mang-akit ng isang tibo lalo na at katulad ng isang to na kung naging isang straight na babae sana eh di hamak na mas maganda, maputi at makinis pa kumpara sa akin. As in tipong hahamakin niya ako kung sakaling gawin ko nga ang maitim na balak na ito.

Teka, paano nga ba akitin ang isang lesbian? Ang hirap diba lalo na’t feeling ko tunay na babae ako. Hindi naman sila katulad ng mga lalaki na once dakmain mo ang hinaharap nila eh hindi na magpapaligoy pa ang mga ito. At siguradong sa kama kaagad ang punta niyo. Ang mga lalaki kasi sabi nga nila, kung palay na ang lumalapit sa manok aba’y bakit mo pa tatangihan diba?

Eh pagdating sa lesbian total lost ako! At hindi ko alam kung ano naman ang e-estimulate ko sa parte ng mga katawan nila na meron din naman ako. Do I have to finger fuck them? Lalamasin ko din ba ang boobs nila? At kakainin ko din ba ang ano….ang ano nila???hayssss….

So para matigil ang nakakawindang na mga katanungan ko sa buhay at ang curiousity ko naglakas loob akong tanungin na din sila. Actually, tatlong lesbian na “butch” ang kasama ko ng mga oras na iyun bukod kay Brigs na laging tahimik sa kanilang tatlo. So, habang nasa loob ng sasakyan at bumibiyahe papuntang Bulacan naglakas loob na akong bitawan ang dialogue na ito…

“How to seduce a lesbian? Paano ba malalamang may gusto rin kayo sa isang babae?” Medyo natahimik pa ang tatlo (feeling ko dinadigest nila ang tanong ko at iniisip kung sasagutin ba nila o hahayaan nilang maging misteryo nalang para sa akin ang bagay na iyun.)

Maya-maya sumagot ang isa, “It is a process. At mahaba at medyo kumplikadong proseso.” Ang mga lesbian daw kasi madaling humanga sa isang babae pero hindi basta-basta nagkakagusto o kaagad na na-iinlove.

Sa kanila daw kasi nandun pa rin ang malaking takot na mareject, fear of rejection, yun ang kanilang dahilan kung bakit hindi kaagad sila bumibigay o pumapasok sa pakikipag relasyon.

Una kailangan daw muna na madevelop ang closeness between a lesbian and a girl. However, kapag naramdaman naman daw ng lesbian na may gusto sila sa babae ginagawa daw talaga nila ang lahat ng effort at ibinibigay ng todo ang lahat ng kanilang makakaya para mahulog ang loob sa kanila ng girl.

At kapag daw feel nilang the girl is falling for them na dun na pumapasok ang susunod na stage ang “SEX”.

“So, eh pano naman kayo makipag sex?” Hindi naman ako masyadong atat sa pagtatanong diba?

“Oh well… when it comes to sex… syempre nagsisimula yun sa isang simpleng kiss na mauuwi sa isang French kiss na mauuwi sa alam mo na” Sagot nila.

At ginagawa daw nila lahat, as in everything to please the girl lalo na dun sa mga babaeng nagkaroon na ng sexual relationship with a guy. And it turns out girls enjoy more with them daw than with a guy.

“Oh? Ganun? How did you know naman diba? “ Medyo sarcastic ang tanong ko.

“Wanna try?!” Nanghahamon na tanong ng isa.

“Hmmmm… next question muna tayo, eh how do you enjoy the sex naman sa part nyo, nagpapa-finger fuck din ba kayo? O nagpapahalik sa nipples o nagpapalamas ng boobs which is isa din sa mga bagay na nagbibigay enjoyment sa anatomy ng babae pagdating sa sex?”

Nagulat ako sa saba-sabay na sagot ng tatlo na “Yuck!!!!!” sabay tawanan ng malakas.

Huh, teka naloka naman ako diba. Eh napaka inosente ng tanong ko malay ko ba.

“Eh paano naman kayo mag-eenjoy sa sex kung walang ganun? No clitorical stimulation o kahit halik man lang sa nipple?” Whew!

Ang weird diba? Kung sila lahat ginagawa lahat para masiyaha ang partner nila at hindi din naman nirerereciprocate ng sex partner nila yun ginagawa nila pano naman nila ma rereach ang big O as in Orgasm diba?

Ang sagot ng tatlo masaya na daw silang nakikitang nag eenjoy ang mga girls na partner nila. Actually para sa kanila yung kiskisan ng katawan at ang maramdaman nilang yakap at hinahalikan at pinapaligaya ang partner nila ay isang malaking satisfaction na daw sa kanila and yes they thought theyre having an orgasm. (well, malay ko diba?)

Pero sabi naman nila may mga kakilala silang Lesban na gusto ring pinapaligaya ng partner nila, yun tipong give and take. Pero madalas daw talaga sa mga “butch” type ayos na sa kanila yung makitang masaya at satisfied yung babaeng mahal nila pagdating sa sex.

With that answer narealise kong hindi ako pwede sa butch type lesbian kung sakali. Afraid ako baka mapa yuck! Siya ng maraming beses habang nagsesex kami coz I would do everything to reciprocate her effort at paliligayahin ko rin sya sa abot ng aking powers!

Siguro kung darating sa point na pasukin ko ang ganitong mundo, malamang femme to femme ang drama ko. I want a woman… yung mas feminine pa sa akin as in girl na girl, mas maganda at makinis kesa sa akin. At promise gagawin ko ang lahat para ma enjoy at lubusan naming maexplore ang aming sexuality.

Handa na ba ako? I guess I’m ready at siya nalang ang hinihintay ko. At si Brigs? Well I realize hindi pala ang katulad niya ang gusto ko, kaya hindi ko magagawa ang dare na ito.

***

Oktubre 30, 2009