ni Joshua Salcedo (is in Political Asylum in the Philippines)
Anarkismo: Ano ang Nasa Malaking Titik A?
“...ang buhay na ito’y walang silbi kung walang basbas nang dakilang idolohiya. ito ay mistulang batong ipinukol sa karamihan na masasayang kung hindi makakasama sa pagpapabagsak...” -Joshua Salcedo
Marahil ay nasa walo o ika-siyam na taong gulang pa lamang ako noong marinig ko ang malaking titik A na nasa salitang iyon. Hindi ko alam kung anong kalagayang umiiral sa ganung panahon kung kaya’t minarapat ko na tanungin ang aking mga magulang hinggil sa kung ano ang kagustuhan nang mga Anarkista. Sabi nila: Ang mga Anarkista’y mga taong gustong wakasan ang mapang-aping kalagayan, sirain ang ganitong kaayusan at humulma nang panibago mula rito.
Malawak ang mga tinuran nila mula sa salitang iyon subalit ang tumimo sa akin ay ang pagwawasto nang mapang-aping kalagayan na iyon. Natanim sa isip ko na may magandang hangarin pala ang mga Anarkista, hindi lamang sa layon na gibain ang anumang uri ng mapang-aping kalagayan bagkus para sa kanila ang lahat nang kaayusan na ipinapataw sa mamamayan ay hindi makatarungan at hindi akma sa pangangailangan. Ang ibinigay nila sa akin na paka-hulugan ay masasabing hindi eksakto ngunit hindi rin naman bago sa pandinig. Subalit may kawastuhan sa pananaw na kailangang baguhin ang lipunan mula sa batayang antas nito. Ang pagpapalit na magaganap na ito ay hindi masosolusyunan sa paisa-isang repormang gagawin subalit sa malawak na pagbabago na manggagaling sa ibaba-pataas.
Pinalad ako sapagka’t, isipin na lang natin ang mga nakukuhang sagot nang iba hinggil sa tanong na ito.
Noong 1910, sinulat nang isang Amerikanong aktibista sa ngalan ni Emma Goldman na; “pinaninindigan nang Anarkismo ang paglaya mula sa impluwensiya ng relihiyon sa isip nang tao; ang paglaya nang ating mga sarili sa pangingibabaw sa kaisipang mahalaga ang pag-aaring materyal; kalayaan sa kontrol at imposisyon nang gobyerno; ang pagtindig na kailangan ang malayang organisasyon ng mga indibidwal.” (salin mula sa Anarchism: What it Really Stands For)
Makaraan ang ilang dekada mula nang maisulat niya ang pamosong lathalain na iyon, marami pa ang dapat na matanggal na “maling” kuro-kuro hinggil sa mga paninindigan nang Anarkismo, na hinulma mula sa mga “maling” pananaw at paninirang-puri. Magulo, mapighati, mapangwasak, maiingay at mapanghikayat nang alitan. Ang mga Ito ang karaniwang naikakabit sa mga Anarkista at sa Anarkismo. Marami ang nag-iisip na ganito ang mga pangunahing katangian ng mga Anarkista, mga makasalanan at wala sa “tamang” kaisipan.
Ngunit may ikagugulat kayo rito, nasabi rin ni E. Goldman sa sanaysay na iyon na; “sa mahigpit na pagkapit nito sa tradisyong, ang mga Makaluma (Old) ay hindi nagdadalawang isip na gamitin ang anumang uri nang paraang mahalay at mabagsik sa pagdating ng Pagbabago (New)…” Sa katunayan, bilang pinaka-rebolusyonaryo at matibay na nanalig sa pagbabago, kailangang paghandaan, salubungin, at mailagay ang Anarkismo at mga Anarkista sa kamandag ng kamangmangan at kabalintunaan na inihahain nang daigdig na nilalayon nitong baguhin.
Ito ang dahilan kung bakit ang karamihan na naniniwala sa prinsipyong ito ay umiilag mula sa pagkakakahon na iyon. Karamihan sa mga mapagpalayang nilalang (activist) ay nginangalanan (at pinangangalanan) ang kanilang mga sarili bilang “mapagpalayang sosyalista” (libertarian socialist), “ayaw nang kapangyarihan” (anti-authoritarian), “mga nagsasarili” (autonomous) at o wala na lang mismo dahil nga sa bangungot na bumabalot sa kahulugan at sa prosesong dinadaanan nito. Ngunit may mga ilan na dinadala, ipinagmamalaki at walang kapagurang pinaninindigan nito ang layon.
Kusang-loob na Pagkilos (Direct-Action) – Batayang Saligan at Prinsipyo
Ano ba talaga ang kagustuhan nang mga Anarkista? Ang sagot ay simple. Ninanais nila ang isang kaayusang panlipunan (social order) na walang dominasyon at pamunuan. Lipunang hindi sasaklawan at may pagkakapantay nang gampanin. Nais nila ang daigdig na walang hangganan at lipunang hindi nagtatalaga nang uri o katayuan, walang namamanginoon at naghaharian. Lipunang nagbabahaginan nang kapangyarihan, kasapian at kalipunang nagtatalaga nang sarili nilang mga landasin. Kami ay naniniwala sa malayang kaisipan, pandaigdigang pagkakaisa, boluntaryong samahan, at pagdadamayan. Sisikapin namin na lansagin ang pangangailangan nang kapitalismo at pamahalaan, na hahalinhinan ng maliliit na halimbawa na kaayusan. Sisikapin ang paglaban sa pamumuno nang kalalakihan, ang kaisipan na dapat may mataas, ang sapilitang pagtatalaga sa bawat kasarian, at iba pang porma nang pag-papaimbabaw at pagtatangi. At ito ay, marahil, kung kaya’t karamihan sa mga nasa larangan nang pagtuturo, nang pamamahayag, nang kaparian, nang pangangalakal, nang kapulisan ay nagsusumikap na itago ang ganitong klaseng mga pagpapahalaga sa pangkalahatang publiko.
Isa sa mga katangi-tangi sa mga Anarkista ay ang kagustuhan nila na sila ang maging halimbawa mismo nang pagbabagong gusto nilang ipalaganap. Ang metodo na ito, ay minsan tinatawag na “matalinhagang politika”( prefigurative politics), na makikita sa organisasyong walang pamunuan, paghulma nang desisyong mula sa pagkakaisahan ng lahat na may pag-galang sa pagkakaiba-iba nang opinyon at pagbibigay diin sa prosesong pinagdaanan. Ito rin ang nag-uudyok sa kanila na hubaran ang mga naka-programang nais sa kanila at igpawan ang pag-uugali na hahantungan ay ang pag-papaimbabaw sa isang kasarian, isang lahi, takot sa isang kasarian (homophobia), kultura nang pag-aaksaya, at laging pagtalima. Bilang mga Anarkista ibinubulgar namin ang aming mga sarili bilang kami at mabuhay na ayon sa aming kagustuhan na hindi lamang iyon ang tanging layon ngunit magiging gabay sa pang-araw-araw na larangan ng buhay.
Ito na marahil ang batayang kurso sa pagiging Anarkista – ang kusang-loob na pagkilos (direct action). Ipinaiintindi nila na ang kusang loob na pagkilos ay saligan sa pagpapanibagong minimithi na nasa ating kamay sa pamamagitan nang direktang partisipasyon sa mga problemang kinakaharap sa halip na pangangailangan ng panlabas na tulong (na kinakatawan ng mga pamahalan) sa pagwaswasto nang mga mali. Ito ang tinatawag na “nakapangyayari” (do it yourself) na metodong nakabatay sa lakas-sambayanan at o bayanihan (people power) na sasalamin sa hindi na pangangailangan nang mga pampulitikang institusyon.
Karaniwang kinakikitaan ang metodong ito na humahadlang at o mapangwasak na paraan. Kung, halimbawa, ayaw nang mga Anarkista ang pagkalbo nang mga kakahuyan, kung gayon ang kusang loob na paraan ay sa halip na pagmamakaawa sa mga korporasyong nasa larangan ng pagtotroso at paggamit nang paraang umaayon sa batas, sila mismo ang hahadlang sa pamamagitan nang direktang pakikisangkot upang hindi maputol ang mga kakahuyan, mga pagsasabotaheng tulad nang, pagtatali nang mga sarili sa puno, paghiga sa mga sasakyang hahakot at o tutulong pumutol sa mga puno at paghahalo nang kung anong likido na hindi magpapaandar nang mga sasakyan magbibigay daan sa pagka-kalbo ng mga kagubatan – lahat nang paraang makakapigil o pansamantalang makapagpapahinto sa mga gayong halimbawa na proyekto.
Subalit, marapat ding tanawin na ang taktikang ito ay mapagpasyang pamamaraan. Ang mga Anarkistang nagmumungkahi na magkaroon ng panlipunang ugnayang hindi nangangailangan ng kaayusang may pag-aantas, isang ekonomiyang nakabatay sa pagpapahalaga sa kalikasan, ang pagmumuni na ito ay matagal na nilang napagtanto. Sa paghuhulma ng mga alternatibong sentro nang kapangyarihan, sangkot ang mga Anarkista sa paglikha nang mga proyekto, sa pamamagitan nang mga lupon at kaibigan na may hangaring baguhin ang mga mapang-aping kalagayan at lumang kaayusan. Sa gabay na “may bagong daigdig mula rito” (another world is possible) susubukan nating hubugin ang mga kaisipan sa paghahanda pagpunta roon.
Ang Muling Pagsilang Nang Kinaligtaang Kilusan
Ang mga prinsipyong gumagabay sa Anarkismo ay sing-tanda ng mga kinakalaban nitong mapang-aping kalagayan; ang usapin na ang tao ay mabubuhay nang walang pag-aantas o kalagayan na naiipon lamang ang yaman sa iilan na siyang ipinaglaban noong “rebolusyon ng mga alipin” (slave rebellion) kasabay nang mga tinaguriang heretiko sa bawat panahon – at mga sinaunang tao bago si Kristo. Ang kasalukuyang Anarkismo, sa mga bago nitong pamamaraan, na nag-ugat sa mga manggagawa noong ika-labinsiyam na dantaon (19th century), sa pagbubulgar nang kontinente sa Europa at iba pang bahagi nang daigdig, ay pormasyong sinasandigan nang nakararami. Ang kauna-unahang manunulat na nagbansag sa sariling siya ay Anarkista, mula sa bansang Pranses (France) sa larangan nang panlipunang-teorya, sa ngalan ni Pierre-Joseph Proudhon, na nagsabi rin na “ang pag-aari na iyan ay nakuha mo lamang” (property is theft!). Ang Anarkismo ay malayang nakapangyayaring kilusan na nabuo sa pagtatapos nang ika-labinwalong dantaon (1872). Sa pag-iiba nang layunin nang Kauna-unahang Pandaigdigang Kilusan (First International) sa pagitan nila Karl Marx at sa mga tagasunod ni Proudhon kasama ang Rusong (Russian) si Mikhail Bakunin. Hindi tulad nang mga Marxista na inaakalang ang pagbabago ay magmumula sa paglikha nang mga batas at o pag-paimbulog sa sistema nang halalan na unti-unting kukubkob sa sentralisadong pamahalaan, ang mga Anarkista’y nananawagan sa pagwawakas nito kasabay sa kailangang paglaho (withering away) nang Kapangyarihan (state) at Pamumunuhan (capitalism). Kahit na may mga magsasakang naglulunsad nang himagsikan laban sa mga nagmamay-ari nang lupang sakahan at sa mga trabahador na nanghihikayat nang malawakang tigil pag-gawa, aakayin sila nang mga Anarkista sa rebolusyonaryong tunguhin sa anu mang uri nang pamamaraan.
Ang Anarkismo’y nasa “ginintuang panahon” (Golden Age) nitong mga huling dekada nang ika-dalampung siglo (20th Century). Kinakikitaan ito sa mga ibinungang pag-aalsa ng kilusang magsasaka at manggagawa sa bawat bansa sa Europa at Amerika at sa mga kalapit nating bansa sa Asya partikular sa hilaga nito na Ukraina (Ukraine) noong digmaang-sibil sa Rusya taong 1919-1921, na sinundan noong digmaang-sibil sa Catalonia taong 1936-39. Subalit ang ganansiyang ito ay nagapi sa pamamagitan nang pagsupil nang kilusang Anarkista sa kalakhan nang Europa na idinulot nang pagyabong ng mga Bolshevik at Pambansang Sosyalismo diktadurya (National Socialism o Nazi Party), at pananakot-taktika nang pamahalaang Amerika sa ngalan ng “ takot sa mga pulahan” (Red Scare) ay epektibong nalipol at nabura ang kilusang Anarkismo sa malawak na hanay nang kilusang mapagpalaya.
Kapanahunan nang Pagsusulong
Ngayon, ang kilusang Anarkista ay nasa pagpapa-igting nang pandaigdigang implementasyon nang kanyang prinsipyo at teorya. Kaakibat sa malawakang pag-aalsa at pagtulong sa mga proyekto – mula sa pagtutol sa pagmimina, sa mga plantang nukleyar, sa pakikiisa sa isyu sa Gitnang Silangan (Middle East), sa pampamayanang-sakahan (communal farming), sa isyu nang pandaigdigang pagbabagong-klima (climate change), at sa mithiin nang kilusang paggawa (labor movement). Pangunahin sa mga kapakanan nang mga Anarkista ang, paghihimok, paglahok sa mga kampanya at o programa/proyekto na may pangkalahatang panawagan – sa mga nananaliksik, nagsisiyasat at nagbabantay sa mga pandaigdigang korporasyon at institusyon, lokal na pangkabuhayang inisyatiba, lupon nang kalusugang pang-kababaihan, sa mga kapisanan at pampublikong likhang-sining. Dumarami ang mga Anarkistang pampublikasyon, aklatang-bayan (book fair), at websites taun-taon, maging sa impluwensiyang sa kalagayang heyograpikal (geographical), kultural (cultural), at katandaan o edad (age).
Malikhain at mapaglaro ang Anarkismo. Inspirasyon sa buong kasaysayan nito ang kilusang taliba (avant-garde) sa sining mula sa pinanggalingang impluwensiya ng mga Surrealista at Situationist, na kinalaunan, sa iba’t-ibang kultura sa daigdig at sangay pang-kultural (subculture) nito. Ang Anarkismo ngayon ay kakikitaan ng kasiglahan at masayahing paraan kaysa marahil sa alinmang pampulitikang kilusan sa kasaysayan. Ang mga ito ay madalas na maglulunsad nang teatrong pang-kalye, pagtatanghal nang mga likhang-sining, at masalimuot na kalokohan (elaborate hoaxes); sila ay magpapakita nang kakaibang pananamit sa mga demonstrasyon at protesta; bibigyang pansin nila ang kagandahan ng hardin-pampamayanan (community garden) at mabungang ekolohiya.
At oo, sa kabila ng lahat ng mga pagtatampok na ito, mas nailalahad sa publiko ang harapang pakikipagtunggali nang Anarkismo sa pagpapakita nang; pagbasag sa mga salaming-bintana ng mga bangko at iba pang sangay korporasyon nito, paghadlang sa mga pandaigdigang pampulitika at ekonomiyang pag-uusap, sa ibang bansa, ang paglaban sa mga mapanupil na kapulisan at iba pang porma nito sa lansangan. Kung ang taktikang ito ay magpasa-hanggang ngayo’y kinakikitaan na epektibo o nagiging simbolo na lamang ng di-pagsang-ayon ito ay laman nang mga pagtatalo o usapan. Para sa akin naniniwala ako na, ang paminsan-minsang pagpapakita nang organisadong galit sa mga tukoy na target ay pag-aambag sa lakas at sigla sa malawak na mga pamamaraan ng pagbabaka (struggle). Laman din nang mga pagtatalo kung ang pamamaraang ito ay nagbibigay ganansiya o nagpapababa sa reputasyon ng Anarkismo. Mahalagang bigyang pansin na maraming nagrereklamo sa harapang pakikipagtunggalian (confrontational tactic) na ito sa kani-kanilang mga bansa subalit abut-abot ang suporta kung magaganap ito sa mga karatig-bansa (neighboring countries) tulad ng sa London, Spain, Ehipto (Egypt), Tunisia, Libya, Chile, Argentina, Tiananmen Square sa China at Rusya. Sila ba ay nagtatago lamang sa mukha nang mga hindi mararahas at lantarang pakikipagtunggali sa mapang-aping kalagayan? O nagkakasya na lamang sa paminsan-minsang paghalal sa mga kapitalista-pulitiko na lalagda sa lehitimo nilang pamamahala at sa diktaduryang tatamasahin? Ang mga Anarkista’y hindi ganito.
Kinakaharap natin ang kakapusan sa enerhiya, pagbabagong klima, pandaigdigang-problemang pinansyal. Ang mga pagpapahalaga ng Anarkismo, sa kasalukuyang porma ng samahan at paraan ng pakikipagtunggali nito sa mga nasabing kalagayan ay mahalaga. Makikita sa dalawamput-isang siglo (21st Century) ang krisis ng mga pandaigdigang kaayusan (world order) sa tungkuling nakaatang sa kanila – subalit walang garantiya na ang mabubuong kaayusan mula sa pagguho nang mga ito ay mas makatao at mas makatarungan. Ang hamon sa mga Anarkista at mga tulad nitong mag-isip sa ngayon ay pagpapalaganap nang kanilang kasanayan at kaisipan na makakatulong sa pagguho nang mga mapang-aping kalagayan.
“It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.” - Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Mga Mungkahing Babasahin at Gagawin:
Lokal at Pandaigdigang Pahayagan sa Kasalukuyan
Pagbisita sa mga Ibat-ibang Websites
Pakikipag-usap sa mga karaniwang tao sa mga Lugar sa Pilipinas
Benedict Anderson: Under Three Flags: Anarchism and the Anti-Colonial Imagination
Andre Breton: The First Surrealist Manifesto
Emma Goldman: Anarchism and Other Essays
Colin Ward: Anarchy in Action
Gustav Landauer: Revolution and Other Writings
Daniel Guerin: No Gods, No Masters: An Anthology of Anarchism
Peter Marshall: Demanding the Impossible: A History of Anarchism
John Zerzan: Running on Emptiness: The Pathology of Civilization
Slavoj Sisek: Living in the End of Times
Guy Debord: Society of Spectacles
Magluto, Maglaba, Mamasyal at Magtanim
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento