Mayo 3, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold Part 4 (Romansahan sa Concrete Jungle)

Sumakay kami ng jeepney papuntang Aurora Blvd. Pagdating sa may kanto ng EDSA maraming mga tao ang nagtitipon, hindi ko mawari kung ano ang gagawin o ginagawa nila. Nagpasya akong tanungin si Reynaldo na puntahan muna pansumandali ang kumpulan.

“Ano ba ang bibilhin natin Rey, wala naman akong nakikitang convenience store ditto, ang alam ko ay nasa kabilang kanto ang 24 hours na tindahan?”

Napansin kong nagladlad ng mga banner at nagsuot ng mga itim na saplot sa mukha ang mga mahigit sa limampung katao na naguumpukan na iyon. Maghahati na ang sabado sa lingo subalit di alintana ng mga taong iyon ang dilim at takot na ibinubunga ng gabing iyon.

Kakatapos lamang ng naudlot na pagsasama-sama ng ibat-ibang political na pormasyon sa Makati. Mainit ang sitwasyon, ngunit minabuti ng mga taong iyon na lumabas.

“Tol, saan kayo pupunta, anong ibig sabihin ng NO GOVERNMENT CAN EVER GIVE US FREEDOM!? pangungutya kong tanong sa isang hindi ko halos makita ang mata dahil sa takip niyang maskara o kung anu man ang tawag nila doon pantakip sa kanilang mukha.



Sinasabayan lang ako ni Reynaldo sa bawat tunguhin nang aking paa, hindi ko alam kung saan papunta ang romansahang ito sa gitna ng EDSA, gusto kong dalhin sa sulok si Reynaldo at tanungin kung ano na ba ang mga nangyayari. Ang huling sulyap ko sa kasaysayan ng bansa an gang romansahang nangyari sa kahabaan ng Ayala Avenue, tila mga hamog ang usok ng tear gas na umaalingasaw mula sa pagpapaulan ng mga ahente ng kapitalismo upang magupo ang nag-iinit na mga kamalayan ng ibat-ibang pormasyong political noong Pebrero.

Hindi ko alam kung nabuburyong na sa akin ang halimaw na kasama ko pero hindi ko masabi sa kanya na gusto kong sumama sa kung anuman ang gagawin ng mahigit sa limampung katao na iyon na nagsisimula nang magmartsa papuntang area nang ng Kampo Crame.

“Tingnan mo nga naman ang mga gunggong na ito, Reynaldo, hindi man lamang ako sinagot hindi ba nila ako kilala? kunot noo kong tanong sa kanya habang sinusundan namin ang martsa.

May ilan sa kanila ang may mga sukbit na bag sa kanilang likuran, may iba naman na na-kagas mask, ang iba lumalapita sa pader na tila mga hunyong nagdarasal sa wailing wall ng Jerusalem.

Kalkulado ang mga kilos, may mga nauuna sa martsa habang binabantayan ang biglang pagharurot ng mga sasaksayan sapagkat hari na ang mga SUV at AUV sa daan sa ganoon oras nang gabi.

Umaalingawngaw ang hindi ko maulinigang mga sigaw subalit habang papalapit kami sa gate ng Crame bumuka ang aking bibig.

“Aparato ng Estado, Wasakin Durugin, Gawing Pagkain!”
“Aparato ng Estado, Wasakin Durugin Gawing Pagkain!”

Humarurot mula sa likuran ang isang patrol car na may nakasulat na MP sa bandang kaliwang bahagi ng kamay at nagmamatyag sa mga susunod na mangyayari.

Walang komento: