Abril 23, 2010

Paghiga sa Kama Kasama si Reynaldo, Alan at Harold Part 3 (Hawak Kamay [paumanhin kay Yeng Constantino]

Naka-full ang aircon sa unit nila Rey subalit tagaktak pa din ang aming mga pawis. Naghalo-halo na ang amoy ng aming mga pabango sa hangin at usok ng sigarilyo. Niyaya ko si Rey Lumabas para bumili ng maiinom.

“Tara, Rey bili tayo ng alak.” yaya ko.

Nauna akong lumabas sa pinto tiningnan kung kasya pa ang perang dala para madagdagan ang tama ng kung anuman ang nararamdaman ko ngayon. Lumabas mula sa pinto si Rey.

“Mag-mix nalang daw tayo ng alak, bili lang tayo ng pineapple juice at pale pilsen.” wika
ni Rey habang sinasara ang pinto ng unit.

Inakbayan ako ni Rey. Alam niyang sumabog na ang ininom ko kaninang tabletas.

“May malapit ba na convenience store dito? Hindi ko kasi masyado naigala yung mata ko kanina sa lugar bago pumasok” tanong ko kay Rey.

“Meron naman, ano ka ba!” iritang sagot ni Rey

“Ano bibilhin natin?” kulit ko kay Rey habang pasakay sa elevator.

“Tang Pineapple, isang bote ng Ginebra San Miguel Gin, kalahating dosenang San
Miguel Pale Pilsen at asukal naubos kanina nahalo sa adobo e.” detalyadong sagot ni
Rey.

Paglabas sa elevator inilipat ni Rey ang kanyang kamay at idinikit sa aking palad. Nagpaubaya naman ako. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa lobby palabas ng kalsada.
“Bakit mo hinawakan ang kamay ko, pinagtitinginan tayo ng mga security guard?” nagtatakang tanong ko kay Rey.

“Huwag mo silang intindihin, ang gusto kong malaman ay kung ano ang pakiramdam ng ka-holding hands ay isang lalaki din?” seryosong sagot niya habang naglalakad kami at naghahanap ng tindahan.

Inakbayan niya ako muli. May kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Pinasukan na ako ng malisya.

“Rey, tanggalin mo yung kamay mo baka may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin nila. Atsaka hindi ako sanay” iritang wika ko kay Rey.

Nilibot ko ang aking mata. Halos madilim na ang kalsadang tinatahak namin. Wala na ring bukas na mga sari-sari store. May mangilan-ngilan kaming nakakasalubong na naglalakad. Hindi maalis ang tingin sa aming dalawa hanggang magkasalubong. Maputi si Rey, mataas lang siya ng ilang pulgada sa akin, may katipunuan ang kanyang katawan, hindi mo maipagkakamali na isang bakala kung ihahambing kay Matt Ranillo III.

“Tara sakay nalang tayo papuntang Aurora Blvd.”. matipid niyang sagot.

Walang komento: