Hindi mapigil ang tawa ni Alan
“Bakla dumudugo yung ilong ko!” pambasag ni Rey.
“Tapusin na nga muna natin yung pagkain at baka mabulunan kayo dyan…ay teka…
sanay na naman pala kayong mabulunan.” tawanan ang lahat maliban sa akin na medyo
naiirita.
Simula noong maging “student leader” kasi ako noong college hindi pa rin ako maka-get-over sa aking cause na magkaroon ng socio-political at economic justice sa bansa. Halos lahat naman kami sa hapag-kainan na iyon ay dumaan sa ganoong antas. Mukhang iba nga lang sa ngayon. Naaasiwa kasi ako sa kanilang mga kababawan, ang pagiging burgis na aking pinagmulan ay pilit kong unti-unting tinatanggal sa aking sistema subalit hindi natatanggal ng anumang sabong panlaba ang mantsa ng kasaysayan.
“Ang sarap mo talagang magluto, Rey” sang-ayon ang lahat sa sinabi ni Alan.
“Gutom ka lang.” sabi ko kay Alan sabay lunok mula sa huling subo sa platong puno
kanina nang putaheng iniluto ni Rey.
Halos matatapos na ang lahat ng mag-volunteer si Harold na siya na ang maghuhugas nang pinggan. Parusa niya daw iyon sa sarili dahil sa late siya sa usapan na alas syete y medya.
Umupo ako sa sofa at binusisi ang librong nakuha ko sa kuwarto kanina. May ipinasak naman na CD si Alan sa may audio component na nagparindi sa tenga ni Jupiter kung kaya pina-akyat na lamang ito ni Rey.
Lumapit si Alan kay Rey may isinubo at nag-usap ang dalawa. Hindi ko sila maulinigan sa lakas ng volume ng Electro-House Music ni Paul Van Dyke (PVD). Sinubukan kong sumabat sa usapan.
“Neng, mayroon kang No Ordinary Morning ng Chicane, yung tamang…ambient-chill
sounds lang sana muna tayo habang nagtutunaw ng pagkain?”
Hindi sinagot ni Alan ang aking katanungan sa halip ay lumapit lang siya sa akin at may biglang isinubo sa aking bibig.
“Ano ‘to?” pagaatubili ko.
“Lunukin mo lang yan, trust me”, wika niya.
Nang biglang tumugtog ang Time of Our Lives ni PVD, nakita ko na lamang si Alan at Rey na malikot na umiindak, nagtatalunan na animoy mga tilamsik ng patak nang ulan sa dinidiligan nitong sementadong daan. Mula sa kusina, sumali sa grupo si Harold, hithit -buga sa kanyang sigarilyo habang umiindak.
Pinagmamasdan ko lamang sila mula sa sofang kinauupuan. Pilit na iniintindi ang panimulang mga pahina ng aklat na History of Sexuality ni Michele Foucult. Babasa nang mga kaunting linya, ibabaling ang mata sa gitnang bahagi ng sala kung saan ay nag- mistulang maliit na bahagi ng disco bar.
Hindi ako mapalagay, may tila kung anong humihila sa akin upang sumali na rin sa mga nag-iindakan, inilapag ko muna ang libro. Nakita ko na lamang ang aking sarili na pinagpapawisan habang sinasabayan ang malilikot na indak ni Harold, Alan at Rey.
"...denial is inevitable in every human responses"
-The Artchitect, The Matrix
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento