Enero 6, 2014

Hello 2014!

Matapos ang mahabang pananahimik at pamamahinga ng Blog na ito, ngayon susubukan ko namang buhayin itong muli. Nahiya na kasi ako sa mga taong naliligaw dito, wala silang makita kundi ang post kong isang taon na ata simula ng ma-ipost ko dito. Anyways, sa loob ng mahabang panahong pananahimik...bukod sa pag popost at pag update ko sa Facebook account ako. Masasabi kong mnarami as in major major ang mga naging pagbabago sa buhay ko. Mula sa career (meron ba?) at lalong lalo na sa pag-ibig na masalimuot pero masaya as in masaya. At bilang panimula...ito muna ng mga larawan kong nag gagandahan wahahahaha...Katatapos lang ng 34th birthday ko kahapon at isa lang ang masasabi wala namang nagbago bukod sa lalo akong gumanda wahahahah (blog ko ito walang aangal) So this is it muna...Happy New Year sa lahat!!!!

Enero 28, 2012

INTERVIEW


Nagwalk out nanaman ako sa trabaho ko for more than seven years! Actually pangalawang walk out as in AWOL ko na ito. Hindi ko alam kasi bakit may mga taong pasaway magpatakbo ng kumpanya hindi naman sila ang may-ari.

Mabuti pa ang mga totoong Boss as in may-ari ng kumpanya na namumuhunan likas na mababait at mas nakakaintindi sa mga empleyado nila. Samantalang ang mga taong binabayaran din lang para mag-manage at humawak ng tao mga astang Diyos.

Hayss… anyways so BUM ako ngayon jobless at syempre ano pa bang dapat gawin? Magpadala nang magpadala ng resume mag-email na sa mga taong kakilala at maghagilap ng trabaho,

Naku! Ako pa naman ang taong mahirap makahanap ng trabaho, kakaiba kasi ang field ko at kakaiba din ang talent. Hindi sya yung normal na trabahong nagbibilang lang ng oras at nakaupo maghapon sa opisina. Hindi din ito ang tipo ng trabahong may nakasalampak na mic at headset sa ulo na sasagot ng mga tawag sa telepono gamit ang hiniram na accent sa ibang lupalop ng daigdig.

Sa totoo lang, ang dapat na maging trabaho ko… yung tipo ng trabahong hindi na kailangan pumasok ng opisina. (meron ba nun? Meron! Yun nga ang trabaho ko!) Yung trabahong ang importante ay may accomplished ka sa araw na iyun at natapos ang dapat gawin sa tamang oras na ibinigay sayo.

So naghanap ako ng naghanap ng ganung tipo ng trabaho at suwerte may nakita akong hiring! Nag-send ng resume ang lola mo at nag-antay kasabay ang pagdarasal kay “Inang Kalikasan” na sana ay matanggap o matawagan man lang para sa interview.



Naghintay ang lola niyo nang may palagian ang bukas nang e-mail sa pag-asang may mga nag-reply sa mga submissions ko.

Yahooo! Nakatanggap ako ng sms o txt at email galing sa isang kumpanya na pinagpasahan ko at ay inaanyayahan para sa isang job interview! Bukas na agad? As in tomorrow? So ang lola nyo gusto nang magpanic dahil sa hindi ko alam kung ano ang isusuot ko? Wala akong business attire na karaniwang sinusuot sa mga ganung klaseng imbitasyon. Naghanap naman ako nang casual attire or anything na pwedeng isuot para sa aking job interview! Mag-rugged na lang kaya ako, t-shirt at maong pants… ay leche… punta na lang ako doon nang nakahubad!

Mabuti nalang at to the rescue ang pinsan ko at pinahiram ako ng damit na pwede kong maisuot kinabukasan. Kulay pula as in red na blouse na makikita ang suot mong bra at masikip na skirt na kulay itim at isang sapatos na mapapamura ka habang naglalakad dahil sa taas ng heels. Wish ko lang wag akong matapilok o madapa.

Kinabukasan habang nagmumurang naglalakad sa kahabaan ng Ayala Avenue, Makati (kasi nga yung sapatos ang taas!) nagdarasal naman at the same time sa lahat ng puwersa ni “Inang Kalikasan” kasama ang karanasan at tapang ng loob na maipasa ko ang interview na ito dahil unang-una kailangan ko ng trabaho at pangalawa kailangan ko nga ng trabaho!

Nakarating naman ako ng matiwasay sa tapat ng building kung saan ang opisina na magiging bago kong trabaho. Akyat sa 10th floor at ayun sakop nila ang buong floor ng gusali na iyon.

Maya-maya lang nasa tapat na ako ng babaeng may nakasukbit na headset sa ulo at maya-maya ang pindot sa teleponong nasa harap niya sa tuwing magri-ring ito. Napansin ko rin na walang ibang applicante na naghihintay sa pagkakataon na iyon so naisip ko baka naman iba-ibang time ang schedule namin.

“Miss, pasok ka na sa room, sa dulo, andun kasi ang mag-iinterview sa iyo”

Go… naman agad ako na kinakabahan pa at super trying hard na maglakad with confident, mabuti na lang at nasanay ako sa mga pilapil nang mga bukirin sa aming probinsiya ala Venus Raj.

Kumatok naman ako sa pintong nakasara. Narinig ang “come in” na sabi ng lalaking nasa loob nito.

“Ang gwapo naman ng future boss ko!” yan ang bulong ko sa sarili pagkapasok na pagkapasok ko ng kuwarto sabay ng marahang pagsara ng pinto. Moreno, mukhang late thirties o early forties…maganda ang katawan, tipong Daddy…isang mabait na Daddy pero mukhang habulin at nagpapahabol sa chicks!

“Good Aftermoon Sir…”

“Sit down…”

Umupo naman ako sa upuan na nasa tabi ng table niya, behave na nagmamaganda at nag antay ng mga sasabihin at itatanong niya.

Binasa niya ang resume ko…hmmmm naloka sya kasi kakaiba ang mga work experience ko (basta confidential na yun). Tinanong nya din ako tungkol sa background ko na may kinalaman sa business ng company dahil yun nga ang ina-applayan ko at mukhang satisfied naman si “Boss to be”.

Humaba ang usapan at tanungan, sumasagot naman ako ng buong paggalang habang pinagpapantasyahan ko na ang kaharap ko ng hindi ko alam (promise) basta bigla nalang pumasok sa isip ko … pano kaya makipag sex si sir? Ang bango niya ha… ang mga kamay … ang linis-linis naman niyang tingnan para sa isang lalaki.

Hmmmp… kaya lang may wedding ring, naisip ko so what? Eh… kung titikman mo lang naman hindi mo naman aagawin sa asawa.

At yun, tinanong nya ako sa book ko… isinama ko pa kasi sa resume… hahaha, as if naman diba? Ano daw ang mga tipo nang isinusulat ko?! What, sasabihin ko bang isinusulat ko sa libro ang tungkol sa mga sex adventures ko? Idadagdag ko ba na gusto ko din siyang isama? (nyahahaha… why not?)

At syempre sinabi ko na parang slight autobiography ang tipo ng book na medyo sexy (hindi mahalay) at sinabi ko na rin ang website ng blog ko, hehehehe! (bahala siya kung anong iisipin nya).

Nagulat naman ako kasi very interested sya at talagang binuksan pa ang website ng blog ko! OMG! Nakakahiya….dyahe… nag browse pa ng ilang pages… at napapangiti…pilyong ngiti. Ginagawa nya yun sa harapan ko?! Biglang namula ang mga pisngi nang lola niyo!

Hays… sa wakas natapos din ang interview at salamat walang masamang nangyari, tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng opisina nya mag-aalas singko na pala, uwian na! Tatawagan nalang daw ako ng HR nila kung tanggap ako sa trabaho.

So, saan ang way mo pauwi? Nagulat ako sa tanong ni “Boss to be” sa akin.

“Hmmm…Las Pinas po sir” malumanay na sagot ko.

“Sumabay ka na sa akin… Paranaque ang way ko from there dun ka na sumakay papunta sa inyo para mas madali ka.” patay malisyang suggestion niya sa akin.

“Naku…maisasakatuparan ko pala ang pantasya kong maisama si sir sa Book 3.” nakangiti kong bulong sa sarili.

“Hindi po ba nakakahiya sa inyo?” pakunwaring tanong ko sa kanya.

“Ok lang, mas maganda nga yun may kausap ako pauwi hindi mababagot sa daan at trapik” sagot naman niya.

“Ok po… antayin ko nalang kayo sa labas?”

Lumabas ako ng kuwarto…dapat poise pa din deadma ang sakit na paa dahil sa taas ng heels. Nag-antay ako sa kanya malapit sa elevator, nahiya kasi akong tumambay dun sa tapat ng babaeng may headset at pindot ng pindot sa telepono.

Maya-maya lang lumabas na si Boss… hmmm…crush ko talaga siya promise! Nakangiti siyang lumapit sa akin at sabay kaming sumakay ng elevator, napansin ko wala pang empleyadong lumalabas, siguro ang iba nag overtime pa sa facebook o baka may mga ka-chat pa.

Diretso kami sa basement ng building kung saan dun naka-park ang sasakyan nya. Wait ineng, teka muna, mag isip-isip ka nga… tama ba itong gagawin mo? Basta ka nalang sumasama kung kani-kanino eh hindi mo nga kilala ang taong yan. (nagsalita na ang aking konsensya!)

Eh ano naman, makikisabay lang naman ako pauwi… at isa pa malaki na ako…este matanda na ako alam ko na ginagawa ko. At kung tungkol naman sa security, mabilis akong tumakbo, at alert ang utak ko pagdating sa mga ganung sitwasyon mag-iisip palang ng masama ang tao laban sa akin mararamdaman ko na yan at uunahan ko na sila. (sagot naman ng demonyo sa utak ko)

Syempre…nanalo si Evil versus Good… kung sa una palang masama na iniisip ko mahirap ng baguhin yun. Sinubukan ko kung hanggang saan makakarating ang pantasya ko.

Nasa harap na kami ng sasakyan niyang nakapark sa isang sulok ng basement, binuksan nya ang pinto at halos sabay kaming naupo, siya sa drivers seat ako naman sa sa passengers katabi niya sa unahan.

Pagkasara ng pinto, mabilis niyang tinanggal ang mga butones ng suot na long sleeve shirt saka hinubad ito sa loob. May pag-kabalahura din ang loko… sa bagay, balahura din naman ako.

Naisip ko… ano ba naman yan dito mismo?!

Mali pala ako…ang dumi talaga ng utak niyo este ko… may undershirt naman siyang puti. Mainit daw at ayaw niyang nagugusot ang damit niya kaya niya ito inilagay sa hanger sa bandang likuran nang sasakyan.

Malay ko bang hindi kasing dumi ng isip ko ang utak nya? Wahahaha!

Lumabas kami ng building at sinugod ang namumuong trapik sa kahabaan ng Edsa, sa loob ng sasakyan hindi ako mapakali. Nahihiya ako, kinakabahan, may gustong gawin ngunit hindi ko naman magawa, may gustong sabihin na hindi ko naman masabi.

Ang katabi ko naman kahit busy sa pagmamaneho at maya-maya ang pagko-comment sa naririnig na news sa radio, alam kong may iba ding iniisip. Maya’t maya ang sulyap niya… gusto ko na tuloy mag-evaporate.

Hindi siya nakapagpigil at biglang nagtanong…

“Uuwi ka na ba diretso o may pupuntahan ka pa?”

Tama bang tanungin ako ng ganyan?! Ano naman kaya ang gusto niyang marinig? Sabihin ko kaya sa kanyang daan muna tayo sa pinakamalapit na hotel at kanina pa kita pinagpapantasyahan? (kaloka namang lalaki ito!)

“Hindi naman ako nagmamadaling umuwi.” sagot ko sabay blushed (shit! hirap maging babae talaga ano ba yan!)

Ano ba naman klaseng lalaki ito? Hirap basahin ng utak… ano ba talaga? Kapag nag-offer ka ba ng ride sa isang babaeng ngayon mo lang na meet at mas malala magiging empleyado mo pa (that is kung matatanggap ako) ano ba talaga ang gusto ng lalaki? Nagiging nice lang ba sila sa atin? Gusto niya lang ba talagang malibang habang nagmamaneho pauwi? Or bored talaga siya sa buhay?

O gusto niya ba akong maka-sex sa sasakyan niya? Gusto niya ba akong dalhin sa biglang liko? O baka naman gusto niya ng BJ habang nagmamaneho? Ano ba talaga kuya?!

“coffee muna tayo, o baka nagugutom ka may madadaanan tayong restaurant dyan?”

What?! Ok lang itong kasama ko? Sobrang bait naman, ganun ba ako kaganda at may mga ganung effort pa?

“Po? Hindi po ba nakakahiya, masyado na pong abala sa inyo yun…” Sagot ko habang iniisip kong ano kaya ang susunod na iaalok nito sa akin.

Hayss, so dumaan kami sa isang coffee shop. Order ang lola niyo nang “black shaken iced tea” at isang “apple fritter” (kapal ng mukha ko noh?). Habang siya naman ay enjoy sa “espresso con panna” (lakas magpa nerbyos naka dalawa siya nito bale 150mg of caffeine).

Habang nagpapainit siya (kape) at ako naman nagpapalamig (ice tea) napadako ulit ang usapan namin sa mga isinusulat ko. Interview nanaman, this time masyado nang personal (kakaloka!).

Hindi ko alam kung natutuwa lang siya sa akin, to the point na baka gusto niya lang nang autograph o baka naman gusto niya talagang maisama sa libro? Hmmm… mas gusto ko yung huli… maisama ko siya sa libro at promise siya ang una kung ikukuwento.

Balik ulit kami sa privacy ng sasakyan niya, mas lalong lumala tuloy ang trapik at bumuhos pa ang ulan. Tahimik kaming pareho sa loob ng sasakyan, parehong nakikiramdam.

Lumapit ang hintuturo niya sa labi ko, sabay abot nang tissue.

“May remnants nang “apple fritter” ang labi mo”

Out of nowhere, bigla kong naitanong “Gusto mo bang maisama sa libro? “Joke!” sabay tawa pero pilit. Hindi siya tumawa at seryoso ulit na nagtanong.

“Is it okay?”

Hindi ako sumagot… naramdaman ko nalang ang pisil niya sa kamay ko at gumanti din ako ng marahan.

After three days, nakatanggap ako ng tawag mula sa admin ng kumpanya, tanggap na daw ako. Sinagot ko silang may nahanap na akong ibang trabaho at hindi ko na matatanggap ang alok nila (taray ko diba?). Alam ko namang qualified ako sa trabahong iyun, kaya lang naisip ko magiging complicated.

Kaya next time, interview nalang talaga wala nang dialogue na “gusto mo bang maisama sa libro ko?”

Enero 23, 2012

BREAK TIME



I need a break! Kailangan ko namang magrelax nakakapagod din pala yung halos isang buong linggo kang papasok sa opisina araw-araw, hindi ako sanay. Tapos na kasi ang project namin sa Bacolod kaya back to the City Jungle na ulit kami.

Kailangan magreport sa opisina araw-araw alas otso at lalabas ng alas singko sa ayaw at sa gusto namin. Pero dahil matigas ang ulo ko, at alam naman ng employer ko na ako ang pinakapasaway na empleyado, pumapasok ako madalas ng halos lunch break na at uuwi ng alas singko katulad ng iba, pero syempre salary deduction ang lola nyo at halos walang matira sa sahod dahil sa dami ng kaltas.

Pero deadma, hinihintay ko lang na paalisin ulit kami at itapon sa kung saang lupalop ng Pilipinas para makapaghasik ng lagim, este makapagtrabaho ng mga projects sa field. Since, wala pang assignment tiis-tiis muna ako at pinipilit ang sarili na pumasok sa opisina tuwing umaga, at mag facebook naman maghapon para maconsume lang ang walong oras sa isang araw sa opisina

TGIF! Byernes ngayon dapat may mangyari man lang na maganda sa araw na ito, para naman matuwa ako sa sarili ko. Nakakatamad namang umuwi diretso sa bahay anong gagawin ko dun magfafacebook ulit? Nakakasawa din ang maghapong nakatanga sa harap ng facebook page mo o sa home page at magcomment ng magcomment sa status ng mga taong bored din na kagaya mo.

Para lang kayong mga tangang naglolokohan, nagpapasiklaban at nagpapagandahan ng mga profile pics. Parang ako rin lang adik na nga sa facebook maya-maya ang palit ng profile pic, at maya maya din ang silip sa page parang security guard na nakamonitor sa isang CCTV camera. Tinitingnan kung may bagong status, makiki like sa status at post ng mga taong hindi mo naman kilala ng personal o kaya hindi mo naman ka-close.

Pero kapag nakasalubong mo naman ang mga taong iyun sa daan o kaya sa isang gathering nagkita kayo magdedeadmahan naman kayo. Pero pagdating sa facebook feeling close kayo at halos monitor nyo ang updates at status ng isat-isa. Nakakaloka!

Hindi nga ako dumiretso sa bahay at pumunta sa isang kaibigan na nakatira sa Alabang. Niyaya ko siyang gumimik kami at dahil kasalukuyang buntis tumangi ang bakla sa invitation ko.

Fine, so anong gagawin ko? Uuwi nalang? Hmmmm daan kaya ako sa isang kilalang Bar na tinutugtugan ng kaibigan kong may banda dyan sa Las Pinas? Mga isa o dalawang bote ng San Mig Light pwede na siguro yun, tapos uwi na ako? Hmmm depende baka malibang ako kaya ok lang ang hangang limang bote, alam ko namang hindi ako maiilang tumamabay mag-isa dun kasi nga may kaibigan naman akong tutugtug ngayon dun.

So sakay ang lola nyo ng jeep papunta sa Bar na iyun, tamang tama alas nuebe na at magsisimula na ang liveband. Pagdating ko dun, hinanap ko agad ang kaibigan ko na kahit medyo busy sa pakikipaghuntahan kung kani-kanino eh sinigurado naman na hindi ako maiilang sa lugar. Pinapwesto nya ako sa may Bar at kinausap ang waiter na asikasuhin ako.

Order ng San Miglight, maya-maya lang nasa tabi ko na ang kaibigan ko…kumustahan. Kinumusta nya lovelife ko at syempre kinumusta ko din ang sa kanya, alam ko namang babaero siya dahil sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya kahit hindi naman siya kagwapuhan. Ganun siguro kapag vocalist ka ng isang alternative na banda, kahit na tipong showband madami pa ring babae ang magkakagusto sayo.

Well, magaling naman kasi talaga siya…kaya nga nagkagusto din ako sa kanya minsan…that was a long time ago. Pero kahit na matagal na iyun, close pa rin naman kami sa isat-isa sinasabi nya sa akin ang mga personal na problema nya sa lovelife, sa mga anak niyang puro panganay at ako din naman ganun din kilala niya kasi kaming dalawa ng partner ko.

“Ikaw ha…inapi mo naman ako masyado dun sa libro mo” Nagbibiro niyang sabi sa akin.

“What!? hahahaa hindi naman masyado, at isa pa totoo naman yun kaya huwag ka na umangal” Natatawa kong sagot sa kanya, naisulat ko kasi siya sa book 1 at book 2 ko at ito nasa book 3 nanaman siya wahahahaha.

“Hmmm bata pa kasi ako nun, kaya ganun…” Nagpapaliwanag pang sagot niya.

“Ows? Talaga lang ha…bakit magaling ka na ba ngayon?” Mataray kong tanong sa kanya.

“Bakit hindi natin subukan?” Naghahamon ang bata.

“Ano ka? ayoko noh! Bahala ka” Nang-aasar na sagot ko sa kanya sabay inom ulit ng pangatlong bote ko ng San Mig Light.

At nagpa-alam na ulit ang loko, sila na daw kasi ang tutugtog. Naiwan naman akong pinag-iisipan ang sinabi niya sa akin.

Hmmm…ayoko namang makipag sex dahil gusto niya lang patunayan na magaling na siya ngayon kesa dati. Ano ako taga bigay ng marka pagdating sa performance sa sex ng isang tao? At isa pa malay ko ba sa International Standard ng Tamang Pakikipagtalik…meron ba nun?

Alam ko lang,hindi ako masyado nag-enjoy noon hindi ko alam kong bakit… pero may magbabago ba kung sakali? Kung meron ano naman yun? At paano ko masasabing mas mag-eenjoy ako ngayon eh ito at medyo tipsy na ako sa kakainom.

Nanood ako at talagang nalibang, at natuwa sa performance ng banda nila…ang galing promise, at as usual ang laki nanaman ng tips na nakuha nila sa mga customer. Hmmmm…pogi talaga siya pag nasa stage at nakakaloka ang mga babaeng customer tama bang makipag halikan sa kanya, at ito pa ang isang ito at ito pa eeewwww… ang cheap!

At natapos ang unang performance nila, maya-maya lang nakikipaghuntahan nanaman siya sa mga customer. Umiinom kapag inaalok ng beer at uupo saglit sa kung saan-saang table. Nang matapos sa kakaikot at pakikigsosyalan bumalik ulit sa upuan sa tabi ko.

“Meron kaming one and a half hour na break bago yung next performance namin…” bulong niya sa akin pagka-upo niya.

“Hhhmmm eh ano naman?” Sagot ko.

Teka, ano ba? Type ko pa rin naman siya eh promise…at isa pa ginagawa naman namin dati yun ano bang pagkakaiba kung gawin ulit namin ngayon? Hindi naman kami nag-break o nag-away dati actually kung gaano kami ka-close noon parang ganun pa rin naman ngayon, wala naman nagbago…meron pala dumami ang mga panganay niya, dati din namang may mga girlfriends siya so anong bago?

Hmmm wala…at isa pa bored ako…sige na nga para maiba naman ang gabing ito sa lahat ng mga gabing dumaan.

“Tara…pero uwi na ako diretso ha ayoko na bumalik dito” Sagot ko sa kanya sabay tayo.

Binayaran niya muna ang mga nainom ko, at nag-paalam sa mga kasamahan niya sa banda na aalis muna siya at babalik bago mag-start ang next performance nila. Sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa lugar ni aling Victoria na malapit dun sa lugar.

Pagdating sa hotel, parang nagflashback ang nakaraan ako kasama siya sa isang pribadong silid. Napaka natural ng mga kilos namin hindi kami nailang sa isat-isa para bang madalas na naming gawin ang bagay na iyun. Feeling ko parang kahapon lang kami huling nagkita o parang kahapon lang kami huling nagsex.

Ganun pala kapag ginagawa mo ulit ang isang bagay sa isang taong nakasama mo dati pa. Alam nyo pa rin kung saan ang kiliti ng bawat isa, kung anong posisyon ang gusto ng bawat isa, kung ano ang ayaw at kung ano ang gusto ng kasama mo pagdating sa bagay na iyun nandun pa rin ang familiar na pakiramdam.

Napansin kong he was trying to please me, mas nag exert sya ng effort sa mga bagay-bagay, nagfocus siya ng mas matagal sa mga bahaging mas nakikiliti o mas nag-eenjoy ako. Hinayaan ko siya, in the first place he needs to redeem his male ego … take your time we have at least one hour.

“Ok level up ka na!” nagbibiro kong sabi sa kanya nang matapos kami.

“Yabang mo ha! Tara na nagttxt na mga kasama mo” Sagot niya.

Nagshower kami at sumakay ulit ng taxi pabalik dun sa Bar, bago bumaba nanghinge pa ng kiss sa cheek ang loko.

“Ayoko nga, ako kaya i-kiss mo” sagot ko
Humalik naman sa cheek sabay sabing “ Ingat ka neh ha, next time ulit”
Diretso na pauwi sa bahay ang taxi na binayaran niya din. Ok tamang break itong ginawa ko…hmmm mas nakakarelax.

Enero 9, 2012

I kissed a girl and I like it…


I kissed a girl and I like It, the taste of her cherry chapstick
I kiss a girl just to try it, I hope my boyfriend don’t mind it
It felt so wrong, it felt so right
Don’t mean I’m in love tonight
I kissed a girl and I like it… I like it…

I know the feeling promise… alam ko ang pakiramdam at gusto kong ulit-ulitin sa kokote ko ang kanta hangang sa matabunan at malampasan nito ang LSS ng lahat ng mga LSS sa utak ko.

Bacolod, sa hindi malamang dahilan napadapad ako sa lugar na ito at namalagi sa loob ng halos mahigit isang taon. Actually nandito ako para sa isang trabaho, natural ano pa nga bang dahilan para mamalagi sa loob ng mahigit isang taon sa lugar katulad ng Bacolod o isla ng Negros? Bukod sa wala akong kamag anak o kaibigan dito wala rin naman ibang bagay na magtutulak sa akin na tumira ng ganun katagal sa isang lugar kung hindi dahil sa trabaho.

Dahil sa kadalasan puro lalaki nanaman ang nakasama ko, syempre wala akong choice kundi sumama sa kanila sa mga gimik at lakad nila tuwing weekend. Ok na yun kesa naman trabaho, kain at tulog nalang ang gawin ko sa buhay ko sa loob ng mahigit isang taon. Mahirap naman ata yun, baka bago matapos ang project namin dito eh hindi ko na kilala ang sarili ko malamang sa sobrang taba?

As usual araw ng sabado, naku po! katatapos lamang nilang matangap ang allowance nila para sa susunod na linggo. Dahil ang mga kasama ko eh galit ata sa pera o nagkakaroon ata ng allergy kapag may nakikitang pera sa mga bulsa nila, nagyaya agad ang mga lokong dumayo sa paborito nilang lugar sa Bacolod. Para kaagad na maidespatsa nila ang mga salapi nila sa lalong madaling panahon bago pa sila tubuan ng kung anong kati at bukol sa katawan dahil sa allergy.

Goldenfield, ang tawag sa isang lugar dito sa Bacolod City kung saan nakasentro ang lahat halos ng mga uri ng gimikan. Pero kadalasan puro beerhouse at ktv bar ang makikita sa lugar na ito, may mga mangilan-ngilang disco house at restaurant pero mas kilala ang lugar na ito na bilang palengke ng mga ibat-ibang uri ng pagbebenta ng aliw.

Dahil nag-iisang babae sa grupo ng mga kalalakihan walang choice ang lola mo kundi ang sumama sa kanila sa lugar na mas trip nilang puntahan. Saan pa kundi sa lugar na may makulay na ilaw na patay sindi malapit o malayo man ang pasko, parang araw-araw pasko at puno ng selebrasyon ang lugar na ito.

Habang naka-upo sa front seat ng van na dala ng grupo namin umikot muna kami ng ilang beses sa lugar para maghanap ng magandang bar hmmm… actually beerhouse na mapapasukan. Habang umiikot panay naman ang lapit ng mga bugaw sa sasakyan
namin sabay alok ng mga panindang balot ng kapirasong tela at may makulay na kolorete sa mukha na naka-upo sa o nakatayo sa tabi ng kalsada.

“Pre magkano ba?” Tanong ng kasama kong nagmamaneho ng sasakyan sa lalaking mukhang durugista na lumapit sa amin.

“800 lang sir magaganda at bata pa ang mga yan” sabay nguso sa limang babaeng nakatayo sa gilid. Isa-isa namang lumapit at lumitaw sa liwanag ang mga dyosa ng kadiliman este ng gabi.

“Ang mahal naman ng mga yan ito ngang nakatabi ko 300 lang eh” Sagot ng kasama ko sabay turo sa akin.

Aba, ang walanghiya at ginawa pa akong prosti?! Pero sige na nga kahit na nakapantalon at blouse naman akong mukhang kagalang-galang hindi naman maitatago sa mukha kong cheap nga ako. (nyahaha) Fine 300?!

Naisip ko kung isa nga akong pokpok at kumikita ng tatlong daang piso o higit pa sa bawat lalaking magiging customer ko… hmm teka kailangan ng matinding mathematics dito at kaalaman sa negosyo. Tatlong daan piso o mahigit bawat customer, sabihin natin tatlong customer bawat gabi? (kapag matumal). Dapat alas nuwebe palang nakaligo na ako nun at kasalukuyan nang ibinibilad ang sariwa at kaakit-akit kong katawan sa mga parokyano.

Tama ba ang oras na alas nuwebe? O dapat alas otso kaya? Sabihin na natin ang bawat customer ay nagtatrabaho at umaalis sa mga opisina nila ng alas singko hangang alas sais ng gabi. Isang oras sa trapik, isang oras para sa ilang bote ng beer pampalakas ng loob at pang alis ng kaba at pampalabo ng mata … para kunwari maganda ang babaeng mababayaran nila ng mura para sa panandaliang ligaya.

Kung alas nuwebe ay may customer na, magbibigay ako ng dalawang oras para sa unang parokyano, kasama na dyan ang muling pag-ligo? (teka naliligo ba ulit sila o punas-punas nalang?) So dapat alas onse nasa labas na ulit ako at muling inilalako ang medyo sariwa at kaakit-akit pa rin namang katawan sa susunod na parokyano.

Pagdating ng alas dose may customer na ulit ako! Dalawang oras ulit para sa kung anu-anong ritwal bago magkabayaran. Pagdating ng alas dos o mahigit nasa labas na ulit ako…medyo haggard pero inilalako pa rin ang malapit ng mabilasang ganda pero kaakit-akit pa rin sa paningin ng mga lasing nang susunod na parokyano.

Pagkatapos ng pangatlong customer ng bandang alas kuwatro ng madaling araw, kumita na ako ng; sabihin natin sinigil ko ng limang daan ang unang parokyano, kasi syempre mabango at kumikinang pa ang ganda ko nun. At four hundred pesos naman para sa pangalawa at three hundred pesos naman para sa pangatlo.




Kung susumahin kumita ako ng isang libo at dalawang daan para sa gabing yun. Dahil syempre magtataxi ako pauwi, aalukin ko nalang si manong driver ng kung anong kaya kung ibigay sa kanya kapalit ng paghatid nya sa akin sa tinutuluyan ko bago tuluyang mapanis ang paninda ko.

Hmmm…pwede…pwede…Pero bago pa ako magpalit ng career ituloy na muna natin ang kuwento.

Hindi pa nababahiran ng alak ang mga lalamunan ng mga kasama ko, kaya pangit pa sa mga paningin nila ang mga babaeng inalok ng bugaw na mukhang durugista sa kanila. Nagpasya kaming pumasok sa isang beerhouse na may katabing anim pang ibang beerhouse. Hindi ko alam kung bakit yun ang naisipan nilang pasukin.

Pare pareho namang may nakaupo sa harapan o sa tabi ng mga pintuan ng bawat beerhouse ang mga babaeng pambato nila sa giyera. Karamihan sa mga babaeng ito ay nakasuot ng mga damit na halos wala namang natatakpan kundi ang mga bahagi na kunwari ay tinatakpan o pilit na tinatakpan.

Kumakaway ang mga babae sa mga kasamahan kong anim na lalaki, isa isa silang naglapitan kanya kanyang diskarte ng pambobola, may isang halos ipakita na ang nipple sa kaka-adjust ng suot niyang bra para lalong lumuwa ang kanina pa atang nagmumurang suso na gustong lumabas (galit ata sa bra).

Isa-isang nagpasukan sa entrance ang mga kasama kong lalaki kasunod ang mga babaeng tuwang-tuwa sa hindi malamang dahilan. Hinarang naman ako ng mamang may malaking katawan at matitigas na masel na nakatayo sa tabi ng pinto. Napatigil ako…hindi ko alam kung bawal akong pumasok o napagkakamalan niya akong mag-aaply pero mukhang hindi naman papasa sa beerhouse nila kaya niya ako hinarang.

“Miss may entrance fee ka…” mahinahon namang sabi ng mamang may malaking katawan at matitigas na masel.

“What???!! Ako pa ang magbabayad? Eh anong meron sila na wala ako? Eh nakita ko na rin ang mga yan?!” Sagot ko na ang tinutukoy ay ang mga babaeng galit sa tela.

Tiningnan ko ulit ang mga babae para malaman ang sagot sa tanong ko… ahhh Oo nga pala meron nga sila na wala ako… malalaki ang mga boobs nilang kaaway lagi ang bra!

“Magkano kuya?” Tanong ko sa mamang may malaking katawan at matitigas na masel.

“Fifty pesos” Gusto kong masamid sa pagkakabigkas ni kuya ng “Fifty Pesos” parang may kasamang kaliwang kilay na tumaas at pilantik ng daliri ang pagkakabigkas ni kuyang may malaking katawan at matigas na masel sa salitang “Fifty Pesos”.

Nagbayad ako ng “Fifty Pesos” tumaas talaga ang kaliwang kilay ko! At pumasok sa panibagong mundo.

Feeling ko ako si Alice in Wonderland … maingay sa loob ng beerhouse may sampung lamesang may nakaupong mangilan-ngilang kalalakihan na may mga katabing babaeng puno ng kolorete sa mukha, halatang galit sa tela at ipinagmamalaki ang mga boobs nilang may malaking galit sa bra.

May isang stage sa gitna na may dingding na salamin, may isang posteng makintab na bakal sa gitna. Maingay ang loob ng beerhouse at patay sindi ang ilaw na may ibat-ibang kulay pakiramdam ko nasa loob ako ng Christmas Tree, o isa akong palamuti na nakasabit sa Christmas Tree.

Lumapit ako sa mga kasama ko, may katabi na silang tatlong babaeng galit din sa tela, mukhang bata pa ang mga babaeng katabi nila at in-fairness magaganda. Hindi pa ako lasing kaya alam kong magaganda talaga sila as in maganda ng hindi hamak sa akin (hu,hu,hu mukhang hindi ata talaga ako papasa sa ganitong uri ng trabaho…malamang wala akong magiging customer)

Umupo ako sa isang bakanteng upuan ang tatlong babae naman ay pinapagitnaan ng anim na mga lalaking katropa ko. Tiningnan ko ang buong paligid, nahalata kong ako lang ang babaeng customer sa loob para bang sinasabing I don’t belong here, mali ata ang lugar na napasukan ko kaya pala siningil ako ng entrance ni kuyang may malaking katawan at matigas na masel. Hindi kasi ito ang lugar para sa mga babaeng katulad ko na gustong gumimik.

Hmmpp bahala na, first time tingnan ko kung anong makukuha ko sa lugar na ito (huwag naman po sana sakit, o bukol kung sakaling may mag amok na lasing).

Lumapit ang waiter sa table namin kanya kanyang order ang mga kasama ko pati na rin ang mga babae sa ladies drink nila. My god ha! Ang mahal ng ladies drink 200 ata bawat isa samantalang ang beer na iniinom namin singkwenta pesos lang!

Gusto kong tanungin bakit ang mahal ng mga beer na binibigay nila sa mga babae at bakit hindi yung pangkaraniwang beer nalang. Pero, since busy ang mga kasama ko sa mga katabi nila wala akong choice kundi magmasid at alamin sa sarili ko kung bakit ang mahal ng mga tinatawag nilang ladies drink. Napansin ko ring ang bilis magsi-inom ng mga ladies drink nila ng mga babaeng ito, halos nakakatatlong lagok palang ako ng san mig light na iniinom ko sila naman pangalawang bote ng ng alak nila.

Hays, anong meron sa akin bakit kapag kasama ko itong mga katropa ko feeling nila lalaki din ako at wala silang pakialam na nasa harapan nila ako; habang kinakalikot at nilalapirot nila ang mga bahagi ng katawan ng mga babaeng kasama namin sa table na kunwari eh tinatakpan ng mga kapirasong tela?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, nababastusan ba ako sa mga ginagawa nila sa harapan ko? Na-kaka-offend ba? Apektado ba ako? Hmmmm hindi naman…sabi nga nandito sila “to have a good time”. Mag-enjoy, at since ito ang konsepto ng enjoyment para sa kanila wala akong magagawa audience lang naman din ako sa buhay nila.

Kanya kanya ng trip! tuwang tuwa ang mga kasama ko sa laruan nila parang sinusulit ang bawat oras na inilalagi ng mga babae sa table namin… pumapatak ang metro tumataas ang bill habang maya-maya din ang order ng mga babae ng mga ladies drink nila…

Nagpapakalasing sila, parang nilulunod ang mga sarili sa espiritu ng alak…unti-unting pinapatay ang kanilang mga kamalayan, ang kaunting hiya, habang paulit-ulit na kinakausap ang bawat parokyano sa sarili nila:

“na sige mag-enjoy ka gawin mo ang gusto mong gawin, hawakan mo ang gusto mong hawakan, hindi mo naman madadala sa inyo yan…bukas isang ala-ala nalang ang mga yan sa kokote mo pero sigurado ako babalik at babalik ka…hanap-hanapin mo ang mga yan…”

Nakikita ko silang pilit na ngumingiti pero kaagad na nawawala ang ngiti kapag napapadako ang tingin nila sa akin na nakatingin din. Hindi ako nanghuhusga gusto ko lang magmasid…gusto kong basahin kung ano ang iniisip nila habang pilit ko namang inuubos ang mapait at malamig na beer.

Bakit ako nandito? Ito rin ba ang konsepto ko ng “having a good time?”

Ayoko ng magconcentrate sa mga nakikita kong ginagawa ng mga kasama ko at ng mga ka-table nila. Sinubukan ko namang ituon ang pansin sa babaeng nakasuot ng dalawang kapiraso ng tela na nagsasayaw sa entabladong napapaligiran ng salamin pati pala ang kisame salamin din ngayon ko lang napansin.

Maharot ang bawat galaw ng babae, hindi ko na maalala kung sa saliw ng kung anong tugtog siya sumasayaw. Ang naaalala ko nalang ay ang malandi niyang paggalaw habang umiikot, lumiliyad at ipinagmamayabang ang dibdib niyang gusto na ring kumawala sa suot niyang kakapirangot na brang kulay pula.

Maya-maya lang ay lumapit sya sa makintab na posteng nasa gitna, sinayawan nya ito na parang lalaking nakatayo sa harapan niya. Umikot-ikot sya dito, inilalapit at inilalayo ang sarili habang hinuhubad ang bra at muling humarap sa mga nakatungangang customer na halatang nag-aabang sa mga ganitong eksena.

Kasunod nito ay ang pagbaba niya sa suot niyang panty habang gumigiling pa rin, napansin kong halos lahat ng mga kasama ko ay nakatingin na sa entablado.

Gumigiling, umiindayog pa rin ang babae habang tinitingnan ang repleksyon ng mala dyosang katawan nya sa salamin. Maganda sya, maganda ang hubog ng makinis niyang katawan at mukhang bata pa, sa palagay ko nga ay dise-otso lang ang babae sa harapan. Napansin kong proud din ang babae sa katawan niya… proud sya sa sarili niya. Sabi nga diba if you have it plunged it! At ganun nga ang ginagawa ng lola mo, ipinagmamalaki ang dapat na ipagmalaki.

May naramdaman akong kakaiba sa sarili ko, bukod sa insecurity (nyahahhahaha) ang ganda niya kasi at ang seksi. Sa totoo lang humahanga talaga ako sa mga babaeng magaganda, makinis at may magandang kutis. Syempre iba talaga yung may kaiga-igayang nakikita ang mga mata, hindi ako yung babaeng may galit sa mga babaeng magaganda lalo na kapag may magagandang ugali.

Hmmmm…now I am having a good time! Tinawag ko ang waiter na naka-assign sa table namin, pagkalapit ng waiter may ibinulong ako dito at kaagad naman siyang tumango. Napansin nya rin atang ang lakas naming umorder ng gabing iyon at kami ang tipo ng customer na magbabayad na hindi na makikipag basagan ng ulo o makikipagtalo pa sa manager pagdating ng singilan.

Sa wakas natapos din ang nakakapasong sayaw ng babae! Nilagok ko ang natitirang beer sa bote ko at um-order ng isa pa. Napansin kong busy na ulit ang mga kasama ko sa mga katabi nila, ang mga babae naman ay ganun din busy sa paglaklak ng mga ladies drink nila na para bang nagpapaligsahan o natatakot na maubusan.

Maya-maya pa ay tinapik ako ni manong waiter, nakatayo sa tabi ko na pala ang babaeng kanina lang ay parang dyosang nang-aakit ng bawat adan sa entablado.

“Hi!” bati ko sa kanya sabay tayo para bigyan ng espasyo sa upuan ang babae.

“Ako nga pala si Yumi” nakangiting sabi ng babae habang umuupo sa tabi ko. Napansin kong nakasuot siya ng kulay white na tube style blouse at pekpek short na maong.

Napatingin naman sa akin ng sabay ang mga lalaking kasama mo hindi ko alam kung nagtataka o nagugulat ang expression ng mga mukha. Gumanti lang din ako ng tingin na may malaking ”WHAT?” sa kanila. Ngumiti lang at back to normal na ulit ang mga kasama kong busy na ulit sa kakakalikot at kakalapirot ng mga kanina pa nila kinakalikot at nilalapirot.

What nga ba? Ano naman ang gagawin ko dito sa babaeng katabi ko ngayon? Lalapirutin at kakalikutin ko din ba ito katulad ng mga ginagawa ng mga kasama ko sa mga katabi nilang babae?

O magkukuwentuhan kami na parang magkabarkada lang na nasa gimikan? Ano naman ang pag-uusapan namin? Ipakuwento ko kaya sa kanya ang drama ng buhay niya kung paano siya napadpad sa ganitong trabaho? Hmp, ang korni naman kapag ganun! I want to have a good time… at dapat eh simulan ko na ngayon.

Awkward moment, sige na nga umorder ka na muna ng kahit na ilang ladies drink na kaya mong ubusin habang pipilitin ko na munang lunurin ang sarili ko sa alak. Ayoko namang malasing, at promise hindi ako lasing sa tatlong bote ng San Mig Light na nainom ko so far.


Hays ang ka-table ko nakikipaghuntahan sa kasamahan niyang babae na nasa tabi rin nya, sayang naman ang ladies drink nito. Dalawan daan bawat isa nun ha! Napansin nya atang tahimik ako maya-maya na bored ata ang mga kasama ko at gusto rin ng bagong excitement at ako ang napag-tripan.

“Oh, wag mong sabihing dedeadmahin mo lang yang katabi mo buong magdamag?! Kung kausap lang ang gusto mo sana kami na kinausap mo at hindi ka na nagtable sayang bayad dyan, patabihin mo nalang sa akin” Eksena to the max na sabi ng isang ka-officemate ko.

Badtrip tong mga kasama ko at ako naman ang napansin, actually hindi ko nga alam kung anong gagawin ko dito sa katabi ko. Ayoko namang ipasa sa kanila at mukhang babalahurahin lang nila yung babae kawawa naman, at isa pa ako magbabayad ng drinks nito.

Eeewww…hindi naman ako tibo kasi noh! Babae ako! At dalawa na ang anak ko! At I’m sure as in sigurado akong Titi ang gusto ko at hindi pekpek!

Pero katulad nga kanina, minsan humahanga talaga ako sa magagandang babae katulad nitong babaeng katabi ko. Cute sya promise, maganda ang mukha niya at sige na nga crush ko sya? O type ko sya? Type… anong ibig sabihin ko ng type? Hays ano ito middle age crisis? O simpleng paghanga lang dala ng espiritu ng alak, tukso ng lugar at mga eksena sa paligid ko?

“Can I kiss you?” Biglang sabi ko sa katabi kong biglang napangiti at sabay na inilapit ang pisngi sa akin.

“Hindi, gusto ko sa lips…”

Ayun! Narealise ko nalang na kahalikan ko na nga ang si Yumi! Ang lambot ng labi nya, mabango…hmmm lasang cherry…hindi ko alam kung ilang minuto na naglapat yung mga labi namin. Nakapikit ako at feeling ko ganun din sya, hindi ko alam kung paano ipaliwanag yung kakaibang pakiramdam na naramdaman ko habang ginagawa naming yun. Iba ang feeling…mas masarap palang halikan ang mga babae…

Feeling ko nag enjoy din sya sa kiss namin, matagal…promise at napansin ko nalang na naghihiyawan ang mga kasama namin sa table yung iba kinuhanan pa kami ng picture!

At pagkatapos? Gusto ko pa promise! Pareho kaming nakangiti pagkatapos ng eksenang iyun. Pero syempre hindi naman ako nagging parang lalaki na kung anu-ano ang ginawa sa katabi. The night goes on… hangang sa magsasara na ang bar at napilitan kaming umuwi matapos magbayad ng mahigit fourteen thousand pesos para sa gabing iyun!

When I checked on myself hindi naman nagbago ang tingin ko sa sarili ko, babae pa rin ako at matigas at galit na titi pa rin ang gusto ko.

At ang LSS ko? As in Last Song Syndrome

I kissed a girl and I like It, the taste of her cherry chapstick
I kiss a girl just to try it, I hope my boyfriend don’t mind it
It felt so wrong, it felt so right
Don’t mean I’m in love tonight
I kissed a girl and I like it… I like it…

Enero 8, 2012

THE BOY NEXT DOOR


Naks naman akala nyo isang pamagat ng napagandang pag-ibig o relasyon sa isang tipong boy next door guy? Nagkakamali kayo! Isang malaking pagkakamali, dahil actually yan ang pangalan ng isang gay bar na napasukan ko for the first time sa history ng buhay kong masalimuot.

Sa totoo lang matagal ko na talagang gustong makapasok man lang sa ganitong uri ng lugar. Feeling ko… siguro ang saya-saya sa loob! At malamang super gwapo ang mga kalalakihan na nagtatrabaho o nagsasayaw dito. Yung mga tipong boy next door nga! Gwapo, malinis, mabango at masarap… tingnan at sana matikman?

Oh! bakla para maiba naman punta tayo sa gay bar next weekend txt ko sa isang closet queen na poging ka-officemate. Sawa na rin kasi ako sa kakapunta sa Disco House/ Bar na madalas naming puntahan tuwing araw ng Sabado kasama ang iba pa niyang mga kaibigan na nag-gagwapuhan, naglalakihan ang mga masel na may makalaglag panty na sex appeal, pero sangkatutak naman ang fonda sa mukha.

Go gurl! May alam ako dito sa Bacolod (nasa Bacolod pa rin ako sabi ko nga diba one year mahigit ako dito) punta tayo sa Boy Next Door bagong bukas na gay bar, txt back naman ng bakla.

Dumating nga ang araw ng Sabado! Excited na ang lola nyo, hmmm hindi ko alam kung anong isusuot. Mag evening gown ba ang drama ko? Casual wear o swim suit? Nauwi ako sa isang pantalon na maong at isang as usual t-shirt na itim at sandals. Konting pulbos, liptick at suklay ng buhok (hindi pa ako nagkakasakit ng bad hair day symptoms ng mga panahong ito kaya keri ko pa ang paglulugay ng buhok)

Maya-maya may kumatok sa room ko…ang poging closet queen kong ka-officemate na stock holder ata ng Johnson and Johnson sa kapal ng powder sa mukha.

Bakla ka! Halloween party ba ang pupuntahan natin? Tinatakot mo ba ako? Bawasan mo nga yang fonda mo! Nakataas ang kilay na sita ko sa poging closet queen bago lumabas ng kuwarto.

Arte! Inggit ka lang kasi mas maganda ako sayo! Sagot ng bakla habang nagpupunas ng mukha gamit ang panyo nyang ginawang pambalot ng pulbos. Ang bakla nagbaon pa ng pulbos sa panyo para bang kulang pa ang nasa mukha nya.

Game na kami! gamit ang sasakyang naka-issue sa kanya, sugod kami sa The Boy Next Door Bar. Kasama ang kasalukuyang boylet ng ka-officemate ko at ako naman kasama ang partner ko.

Nagpark kami sa malapit sa Bar, napansin namin na masyado ata kaming maaga. Naghahakot palang kasi ng ice ang mga crew nila, ang iba naman naglalagay ng beer sa isang ice box na malapit sa pintuan. At ang crowd? I mean customer? Hmmm wala pa hahahahha.

Bakla 9 o’clock palang, ang aga kasi natin masyado kang excited kasi eh! Ikot-ikot muna tayo, isang henyong suggestion ng boylet ng ka-officemate ko na stockholder din ng Johnson and Johnson.

So umikot-ikot nga kami at hinintay na mag alas dyes, pag dating ng alas dyes balik ulit kami sa lugar, nag park ng sasakyan at parang mga tangang nagtuturuan kung sino ang unang lalabas at lalapit sa bar.

Fine! Sige ako na ang unang papasok! Mga baklang ito akala naman mga virgin pa ang mga mata at ayaw makakita ng kung anumang makikita namin sa loob. Hmmm… ano nga ba ang makikita sa loob nito? Curious kong tanong sa sarili habang binubuksan ang super-tinted na pintuang salamin.

Pagpasok, wala pa ring customer? Since nandun na kami napilitan kaming umupo sa isang table sa harapan ng maliit nilang entablado. Order ng tig-iisang beer at naghintay, nag-aabang ng mga susunod na mangyayari.

Maingay sa loob, patay sindi ang ilaw habang nililibang namin ang mga sarili sapagmamasid habang isa-isa nang pumapasok ang mga customer. Maya-maya lang halos occupied na ang sampung mesa sa masikip na Bar na iyun.

Tiningnan ko ang grupo ng mga customer, sa likod namin ay tatlong mga parloristang bading. Sa kasunod nilang table ay apat namang mga ginang ng tahanan mga babaeng sa tantiya ko ay mga nasa 35-45 years old, lahat may katabaan at mukhang mga paldong ginang na nasa abroad ang mga asawa.

Sa likod nila ay dalawang babaeng mukhang callcenter agent na nasa 25 o 30 taong gulang. Kahuntahan nila ang dalawang lalaking mukhang nag-tatrabaho din sa nasabing Bar.

Sa kabilang table naman nakaupo ang isang bading at nakikipag lampungan sa isang lalaking halatang nagtatrabaho din sa loob.

Nagsimula ng magsalita ang DJ at may ipinakilalang kung sino na biglang lumabas mula sa isang maliit na kuwartong natatakpan ng kurtina malapit sa entablado.

OMG! Gusto kong tumakbo palabas! Akala ko ang snatcher na nang-agaw ng bag kaninang umaga sa may kanto ng Lacson ang nakita kong lumabas! Watapak! Anong klaseng bar ba ito? Dito ba ginagawa ang rehabilitation program para sa mga criminal na gusto nang mag bagong buhay? Nakakaloka!

Anyways, hindi na ako umarte tinadtad nalang namin ng papuri ang lalaki…hindi pala mukha niya ang puhunan nya dito. Ang kanyang matigas na katawan pala at ang kanyang mayamang ari …. arian na pinagkakaguluhan ng mga bading at matronang naghihiyawan sa likuran.

Sa wakas natapos din ang pagdidisplay ni kuya ng kanyang mayamang ari…arian. Lumabas ito gamit ang mahiwagang kurtinang malapit sa entablado. Patay-sindi ulit ang ilaw at nagpatugtug ang DJ ng isang kantang paborito ko pa naman ang Apologize, sabay ng pagpapakilala ulit sa kung sinong hindi ko ulit mawari ang pangalan.

OMG! Gusto kong tumakbo papunta sa stage at yakapin ang Diyos!!! Nyahahha Over! Well, ang gwapo niya! At tawagin natin siyang TISOY nasa seventeen or eighteen years old palang ata sya. Sariwa pa ang katawan parang mangang manibalang…mapapapikit ka sa sobrang lakas ng dating. Aayaw ka pero gusto mo pa… gusto mo pang umulit kahit paulit-ulit ganun kalakas ang sex appeal nya walang sinabi ang mga baguhang artista.

Hmmm… naka-pekpek o Titi maong shorts si Tisoy, walang damit pang-itaas at nakasuot ng isang boots na hangang tuhod. Ang sexy ng dating! Bagay pala sa mga lalaki ang pekpek este titi shorts na usong-uso ngayon.

Hindi ko alam kung pano ilalarawan ang bawat galaw nya sa entablado, para siyang model ng bench underwear na minsan ay nakatingin lang sa crowd ng diretso at seryoso. Minsan naman sasandal sa dingding at magpapacute, ngingiti sa crowds na for sure hawak hawak na ng mahigpit ang mga panty nila sa takot na malaglag. Lakad dito, lakad dun minsan ay gumigiling na parang macho dancer (ay! Macho dancer nga pala talaga siya!)

Maya-maya biglang dumilim! OMG! Brown out?! Raid ba itoh? Nagpanic kaagad ang lola mo at inaninag ang mga tao sa paligid kung nagpupulasan na paalis ng Bar. Hindi naman excited at seryoso pa rin silang nakatanga sa stage.

Nagsindi ng mga lighter nila ang mga bading at naaninag ko si Tisoy na papalapit…papalapit sa kina-uupuan ko!? OMG! Nataranta ulit ang lola mo… waahhh anong gagawin? Help!

Nagsimulang mag-sayaw ulit si Tisoy habang papalapit sa akin…hmmm in fairness ang bango niya. Gumiling ulit, deadma lang ang lola mo kunwari parang nakakita ng ahas, ayaw gumalaw baka biglang tuklawin. Steady ka lang neh…steady ka lang dyan at huwag magkakamaling kumilos ng hindi kanais-nais paulit ulit na bulong ko sa sarili.

Hinawakan ako ni Tisoy sa balikat habang patuloy sa pagsayaw, uni-unti niyang inilalapit sa akin ang bagay na iyun na nakatago sa masikip at mukhang hiniram niya lang sa bunso niyang kapatid na dalagita na pekpek/titi maong shorts.

Naramdaman kong ikiniskis nya ang mga iyun sa tagiliran ko…OMG! Bastusan ba ito? Napansin kong naghihiyawan naman ang mga baklang nasakabilang table, at inggit na inggit naman na nakatingin ang mga matrona sa likuran. Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ko at sumisigaw pang go gurl!

Hays, deadma sige ikiskis mo pa ng ikiskis wala akong paki…paulit-ulit kong bulong sa sarili, kapag hindi ko kasi sinabi ang mga salitang iyun na parang mantra na paulit-ulit malamang bigla ko nang dinakma ang mahiwagang bagay na iyun.
Narinig kong bumulong si Tisoy “Nahihiya ka ba?”
Sumagot naman ang lola .. “First time eh…virgin pa ako” wahahahaha buti hindi ako tinamaan ng kidlat.

Pagkarinig nun umalis si Tisoy sa tabi ko at lumipat sa mga matronang nakaupo sa likuran namin. Para namang mga asaong ulol na hinagisan ng buto ang mga nasa likuran namin at nagkagulo. Hindi ko na inalam kung anu-ano ang ginawa nila sa kawawang si Tisoy.

Pagbukas ng ilaw nakita ko nalang ulit si Tisoy sa harapan ng stage at may halos hindi tatlumpung-tig-iisang daan na pera ang nakasiksik sa beywang ng kanyang masikip na maong shorts. Mukha naman siyang masaya, actually hangang tenga ang ngiti niya lumabas tuloy ang cute niyang dimple at maputi at pantay na mga ngipin.

Haysss… so this is it?! Medyo disappointed ako… ang aga naman ng booking ni Tisoy, bayad pala para sa kanyang pag-labas kasama ang isa sa mga matronang mukhang may asawang seaman na nagpapakahirap sa ibang bansa ang tig-iisang daan na nakasiksik sa beywang niya.

Hmmmp makabalik na nga lang ulit dito next weekend… at magbabaon ako ng maraming bente pesos promise!

Enero 7, 2012

PHOTOSHOOT




Matagal ko ng gustong magpa-picture ng nude, as in hubod’t hubad! Hindi naman maganda ang katawan ko at hindi ko din naman ito ipinagmamalaki, pero for art sake dahil feeling ko artist as in self proclaimed artist ako, gusto ko namang makita ang sarili ko sa isang litratong artistic na naka-nude.

Noong ipinagbubutis ko ang panganay ko, naisip ko wow, parang ang gandang magpapicture ng nude at buntis! Una, may maipapakita akong ebidensya sa anak ko na talagang ipinagbuntis ko sya at sa akin sya nangaling at tipong once upon a time, napatunayan kong may matris ako.

Pangalawa… wala lang… naisip ko lang maganda ang ganung imahe... lalo na siguro kung magaling at professional ang photographer.

Kaya naman nung may nakilala akong isang professional photographer at naghahanap ng volunteer para sa ganung klase ng photo opportunity, nag-volunteer ako. Kaya lang, habang palapit na ng palapit ang deadline, dinalaw ako ng paborito kong kaibigan… dinalaw ako ng hiya at ng karuwagan.

Na-realize ko na ang dami kong flaws sa katawan at kailangan ko ng over all make over! At feeling ko magiging milyonaryo lalo si Vicky Belo kapag naging customer nya ako, buti nalang wala akong ganun kalaking halaga ni pisong duling para aksayahin sa mga ganung klaseng kaartehan.

Kaya walang nangyari sa pangarap kong nude photoshoot hanggang sa manganak nalang ako at nadagdagan pang lalo ang mga dapat kong ipa make-over dahil sa stretch marks. Pero, heto ako ngayon, kung kelan naging dalawa na ang anak ko, pumasok nanaman sa kukote ko ang pangarap na nude photoshoot na yan.

May isa akong kaibigan sa FB na isang kilala at kontrobersyal na artist, although hindi naman sya photographer nauwi minsan ang usapan namin sa pangarap kong nude photoshoot.

Hindi ko alam kung paano kami nagsimulang mag-usap samantalang hindi naman kami close at hindi pa kami nagkikita ng personal. Nakita ko lang ang mga paintings at art works niya at mapapabilib ka. Nakapagpa-exhibit rin siya sa ibat-ibang mga bansa. Marami kaming mutual friends at iba malapit na friends ko din talaga na sa Facebook, minsan naglakas loob na rin akong batiin sya ng Hi… with smiley habang online. Konting kwentuhan hangang sa mabanggit ko na gawin niya akong subject sa isang photoshoot.

Hindi ko alam kung anong nakain nya at nag-suggest na tutulungan nya daw akong matupad ang pangarap ko na iyon. Pumayag naman ako, naisip ko na ok rin na siya ang kukuha ng mga litrato, hindi ko naman siya lubos na kilala para ibigay ang aking tiwala pero alam ko naman na professional siya at hindi ang tipo ng taong gagawa ng kalokohan.

Kinabukasan, pagpasok ko sa opisina inihanda ko na ang sarili ko para sa importanteng araw na iyun. Pinadalhan ko rin siya ng mensahe sa Facebook na ready na ako sa gagawin namin.

Mabilis din naman siyang sumagot at game na rin daw siya, tamang-tama dahil wala siyang kasama sa bahay ng araw na iyun dahil may lalakarin ang kanyans partner. Nagpadala pa siya ng email kalakip ang isang goggle map with matching arrows at kulay na itinuturo ang daan papunta sa bahay niya just to make sure na makakarating ako ng hindi naliligaw. (kakaloka!)

So… this is it?! Wala na bang urungan ito? Sigurado ba akong hanggang nude pictorial lang ang gagawin namin? What if, sa gitna ng mga pangyayari eh bigla kong ma feel na type ko syang anuhin… alam nyo na yun. O baka naman siya kahit na gaano ka professional at gentleman eh biglang ma-arouse at yakapin nalang ako at… OMG! Hindi pwede itoh.

Teka ano nga bang hitsura ng taong iyun? Sa totoo lang kasi wala akong makitang picture niya kahit sa kanyang profile sa Facebook. Puro paintings at artworks niya lang ang mga naka display dun, kaya wala talaga akong idea kung paano at ano ang magiging pakikitungo ko sa kanya.

At isa pa hindi ko pa talaga siya lubos na kilala, ang alam ko lang magaling siya magpinta, matalino, at marami kaming mutual friends sa facebook! Yun lang!

Naku, ayoko namang umurong nakapag commit na ako sa kanya, at nakakahiya naman kung bigla akong mag back-out nang walang dahilan. Nakakahiya naman kung sasabihin kong natatakot akong marape nya, sa itsura kong itoh? May ganung drama!?

Sige na nga go, go, go! Pumunta ako sa bahay nilang napakadaling puntahan, salamat sa goggle map at sa mga makulay na arrows dahil nakarating ako sa kanila ng matiwasay. Pagdating sa may kanto nagtxt ako sa kanya at ilang sandali lang nakita ko na ang isang lalaking papalapit sa akin. Malakas ang kutob kong siya na nga, sa hitsura palang parang artist na artist na (ano nga bang hitsura ng artist? Ewan basta feel ko lang).

Hi! Syempre ngayon with totoong smile… so ikaw pala yun! Medyo naiilang pa kami sa isat-isa na naglakad patungo sa bahay nila. Hmmmm ganito pala ang feeling, first time nyo mag meet pero alam mong mamaya lang ay makikita niya ang hubo’t hubad mong katawan sa ngalan ng sining? Hindi naman ako nakadrugs ng lagay na ito? Naku! Bahala na…

Nakarating kami sa bahay nila at napatunayan ko sa sarili kong talagang magaling sa napili niyang larangan ang taong ito. Minsan, may mga weird na artworks na hindi ko maintindihan…well, kaya nga tinawag na art di ba? It is something na mahirap intindihin ng karaniwang taong kagaya ko.

Inalok niya ako ng tea at kunwari’y hindi ako kinakabahan na nakipag-usap sa kanya, konting interview konting chika, nalaman ko nga na may asawa na siya pero hindi ko alam kung kasal sila. Feeling ko walang kasalang naganap… siguro live in din sila katulad namin ng partner ko. Pero matagal na din silang nagsasama parang tipong college days palang eh magkasama na sila nung babae na pareho din ng hilig. Sa katunayan may mga paintings din na naka display sa bahay nila na gawa ng partner niya.

Mahirap palang maging isang artist sa Pilipinas, kahit na napakagaling mo at ilang beses ka nang naimbitahan sa ibang bansa para mag exhibit o sumali sa mga kung anong international na contest at convention sa ngalan ng art eh hindi ka talaga yayaman.

Although sisikat ka dahil sa galing mo… pero dito sa Pilipinas ang mga taong may totoong galing at nagbuhos ng oras at panahon nila sa ganitong larangan madalas eh namamatay nalang na hindi man lamang nakaranas ng magandang buhay; kumpara sa mga taong nagtatrabaho sa isang kumpanya na walang ginawa kundi ang bantayan ang takbo ng oras mula alas otso ng umaga hangang alas singko ng hapon.

Anyways, back to regular programming… tapos na ang tea moment… naubos ko na halos ang tatlong tasa ng tsaa. Maghuhubad na ba ako?

Ready ka na? tanong niya sa akin…

Saan tayo? Kunwari game ako na tanong ko pero parang gusto kong tumakbo palabas ng pinto promise!

“Dito na… ayusin ko lang itong mga kalat, maglalagay lang ako nang manila paper para matakpan yun pintura tapos ok na yan.” Super explain si kuya.

Eh yung ilaw? Hindi ba natin papatayin para mas maganda ang effect ng lighting? Kunwari artistic din ako, suggestion ko.

Syempre, papatayin natin ang ilaw! Ito na nga ang DIY lighting na ginawa ko. Pinakita niya sa akin ang dalawang maliliit na ilaw na nakakabit sa extension cord.

Ok, ok game… teka mag-aalis lang ako ng damit, sabay sugod ko sa CR (nakakaloka nag CR pa hindi nalang naghubad sa harapan nung lalaki pareho din naman yun!)

Lumabas ako ng CR… sabay tanong sa kanya… “walang pantapis?”

Nag-abot naman siya ng isang sarong na ginawa kong pantapis sabay pwesto na ako sa lugar kung saan ako dapat pumuwesto. Nakapatay na ang ilaw pero syempre maliwanag pa rin dahil sa DIY na ilaw na ginawa nya. Kitang kita pa rin ang mga dapat kong itago, ang mga flaws, ang stretch mark… pero deadma na kunwari.

Napansin ko namang seryoso at pinipilit na maging professional ng kasama ko, maya-maya lang nawala na lahat ng inhibitions at hiya ko sa katawan. Deadma na ang mga flaws, deadma na ang stretch marks at deadma na rin kung anong iniisip ng kasama ko sa mga makikita nya.

Pose dito pose dun ang ginawa ko, awkward dahil unang una hindi ako sanay at wala akong alam sa bagay na ganito. Bahala na kung anong kalalabasan ng photo session na ito, ang kumukuha rin naman ay hindi professional photographer at first time din niya daw sa ganitong experiment.

Sa wakas natapos na din ang photoshoot hindi ko alam kung paano natapos, basta na feel nalang siguro namin na nakakapagod din pala ang ganito. Siguro hindi na curious sa katawan ko ang kasama ko, at siguro ako naman nawala na ang nararamdamang hiya, as in totally nag evaporate, parang nagsawa na din ako na mag-pose ng mag- pose.

Tiningnan namin ang kinalabasan ng experiment, merong magandang kuha, may pangit pero more or less ang masasabi ko lang satisfied naman kami pareho sa kinalabasan.

So… whats next? Nagbihis ako…actually parang sanay na nga ako ng nakahubad kaya parang nawala sa isip ko na kailangan ko palang magbihis at takpan ang mga dapat takpan.

Inalok niya ulit ako ng tea, syempre pumayag naman ako … nakaupo kaming magkatabi sa living room nilang Japanese style, may carpet at mga unan na nakapalibot sa amin. Parang masarap mahiga… pero hindi ko ginawa baka isipin nya ready akong gumawa ng bagay na wala sa usapan namin ng oras na iyon.

Hhhhhmmmm alam kong may nararamdaman syang kakaiba…syempre lalaki pa rin naman sya kahit sabihin nating artist at professional, iba pa rin naman kapag may nakita kang hubad na katawan ng babae at katabi mo at kayong dalawa lang sa isang romantic ambiance na room.

Nagpa-alam na ako… hindi naman sa hindi ko siya type o sa hindi siya kalibog-libog para sa akin. Naisip ko lang ang sarap niyang maging kaibigan, hindi siya katulad ng ibang lalaki. Parang siya ang tipo ng taong pagkakatiwalaan mo at hindi ka iiwan kahit kailan. Ayokong masira ang ganitong relasyon namin ng dahil lang sa sex.

Naisip ko kasi kapag may nangyari sa amin, pag seselosan ako ng asawa niya, o baka mailang na siya sa akin o baka bukas hindi niya na ako pansinin kahit sa FB man lang.

Mas maganda sigurong ganito nalang muna kami… friends? Hmmmm pero paano ko kaya aaminin sa kanyang nagbaon ako ng condom?