Aminin nyo na miss nyo ako! May isang tao pa nga dyan na hindi na ata nakatiis at nagtxt sa akin para magparamdam habang nasa kasarapan ako ng aking biglaang bakasyon.
Tama ba naman kasing maisipan ng mga kamag-anak ko sa Manila na magbakasyon sa lugar namin sa samar, kaya tuloy ako naman si engitera eh nagfile kaagad ng tatlong araw na emergency leave kunwari, para lang makahabol at hindi maiwanan sa mga happenings dun. Well, na miss ko na rin naman ang mga pinsan kong mga taga Manila halos sa kanila din kasi ako lumaki kaya naman talagang natuwa ako nang malaman kong uuwi silang lahat kasama ang mga tito,tita at mga pamangkin ko sa samar para magbakasyon ng ilang araw.
Dahil hindi rin pwede magpaiwan ang partner ko, syempre kasama ko din siya hindi naman pwedeng ako rin lang ang mag-enjoy dahil sa totoo lang hindi rin naman ako mag-eenjoy kung hindi ko kasama ang aking fafa diba?
So nagbakasyon kaming dalawa, buti pumayag ang opisina kaya naman tuwang tuwa ako at least makakasama ko din ang mga anak ko. First day palang ng pagdating namin sumugod agad kami sa Malajog Beach…well, hindi naman sya white sand katulad ng ibang magagandang beach pero mag-eenjoy ka sa scenery at sa dami ng shells na mapupulot mo. Masarap na libangan din ang mamulot ng shells at ibat-ibang klase ng bato sa dalampasigan diba? Tapos super linaw ng tubig at pino rin ng buhangin dito kaya naman nag-enjoy talaga kaming magpipinsan sa paliligo.
Malajog Beach! Sarap mag swimming dito mga ate at kuya! yun nga lang hindi ako marunong lumangoy he,heSolve sa dami ng pagkain! Mga kakanin at ilang specialty ng mga tita ko at mga sariwang isda! At ang isa pang maganda sa bakasyon na ito libre lahat! He,he thanks nga pala sa mga pinsan kong madatung!
Syempre matapos ang maghapong paswimming enjoy din kami sa panonood ng liga ng basketball dun sa barangay namin tuwing gabi! Dahil mas marami kaming magpipinsan mas enjoy manood at tumili kapag nakaka-shoot ang team ng kapatid at pinsan ko, talagang full support! Nakakatuwa.
Ito naman ang kuha ko sa anak ko nang bandang hapon sa beach. Nice background diba?
The next day nagkayayaan naman kaming dumayo sa Tun-ok falls mga ilang kilometro ang layo mula sa Barangay namin. Paakyat na ng bundok at medyo liblib na ang lugar na ito. Kaya naman enjoy ang mga pinsan at pamangkin kong galling ng Manila sa mga magagandang view na nakikita nila katulad ng mga palayan, mga tipong virgin forest, malinaw na ilog, mga taniman ng niyog at kung anu-ano pa na hindi madalas makita sa syudad.
At yan po ang mahaba at maladuyan na hanging bridge mga kapatid! are you ready? Ako hindi pa!
At wow ang unang challenge ha ang sumakay sa pampasaherong tricycle at bumiyahe ng ilang kilometro sa rough road papunta sa lugar. Ang pangalawang challenge maglakad ng mga mahigit dalawang kilometro papunta sa falls. At ang pinaka-exciting na challenge ang tumulay sa mataas na hanging bridge patawid sa malawak at may kalaliman din namang ilog. Nakakatakot at nakaka-excite at the same time ang pagtawid sa maladuyan na tulay! Syempre ang pinakahuling challenge ang maligo sa super lamig na tubig sa falls! Wahhh at sumabay pa ang ulan so ako naman sa sobrang ginaw halos mangatog ang buong katawan ko. Pero, syempre walang makakapigil sa akin na kumuha ng mga picture!Sobrang ganda ng lugar at nakakatuwang maligo sa malinis na tubig sa falls.
So this is it ito ang tinatawag nilang Tun-ok falls wow super lamig ng tubig kakaloka!
Bumalik ulit kami sa beach ng araw na yun, ligo ulit maghapon habang ang mga matatanda ay nag-iinuman naman ng Tuba (coconut red wine he,he). Maghapong kuwentuhan at chikahan at pag nagsawa naman balik sa dagat para maligo. Sarap ng ganitong life sana laging summer vacation!
1 komento:
Kala ko Majolog Beach :D
Mag-post ng isang Komento