Ipinapakita ang mga post na may etiketa na travel. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na travel. Ipakita ang lahat ng mga post

Hulyo 5, 2008

Misadventures … sa Palawan ulit!

Katulad ng iba pang lugar dito sa Pilipinas, kung paano naging parang paraiso sa iilan lalo na sa mga dayuhan ang Palawan dahil sa magagandang beaches nito at magagandang tanawin. Minsan naman, dahil sa mga hindi magagandang karanasan at mga pangyayari sa nasabing lugar, ang paraiso ay nagiging mala-impyerno din.

Oo, inaamin ko talagang nag-enjoy ako ng husto sa ginawa kong pamamasyal y trabaho sa Palawan isang linggo na ang nakakaraan. Pero kung gaano naman kataas ang level ng kasiyahang naranasan ko, ganun din ang level ng pagkabuwisit at pagka-inis na naramdaman ko habang nasa nasabing lugar ako. Patawad pero talagang isinumpa ko ang pagpunta ko dun sa lugar with matching promise sa sarili na hindi na ulit ako babalik dun.

Siguro talagang malas lang ako o baka naman nagkataon lang talaga? Ewan ko hindi ko alam pero halos maloka to the maximum level ako sa mga misadvetures ko!

Unang una – hindi ko alam kong isa akong bayaning empleyada ha, dapat talaga bigyan ako ng award ng opisina naman sa mega effort at pagtitiis na ginawa ko dun ma-accomplished lamang ang assignment ko. Kasagsagan ng bagyong Frank, simula umaga hangang hapon grabe ang buhos ng ulan. Ang lola nyong adik ata, kasalukuyan ding bumibihaye sakay ng isang motorsiklo 80km sa isang maputik, lubak-lubak, delikadong daan sa gitna ng bundok para marating ang isang maliit na barangay sa bandang west coast ng Palawan!

Ang kalsadang dinaanan ko (DPWH) ano ang masasabi nyo?

Ang sakit ng pwet ko sa pagkaka-upo sa motor, feeling ko nga isinumpa na ako ng pwet ko dahil sa parusang binigay ko sa kanya. Ang likod ko halos gusto nang kumalas dahil sa pangangawit. Imagine basang-basa sa ulan (kahit naka raincoat ako) nanginginig na ako sa sobrang ginaw at parusa pa ang lubak na kalsada sa malayong biyaheng iyun.

At ang pagkakataon ewan kung masyado atang sadista, syempre dahil malakas ang ulan halos apat na tulay na dinaanan namin ang inabot ng tubig ilog. As in ang lola nyo mega tawid sa ilog! Takot nga ako baka tangayin ako ng agos at mapa-goodbye cruel world akong bigla!

Ayan naman ang tulay na naging ilog! kakaloka sana naman may bangka dito diba?

At isa pang nakaka-inis ha, ang driver ko…hindi man lamang cutie! Ok lang sana sa akin na maranasan ang mga ganung uri ng kalupitan ni mother nature kung meron naman akong knight in shining armor na type ko diba? Imagine wet look kayong pareho tapos mega travel adventure kayo sa isang isolated na lugar. Ohh diba? Parang napaka romantic ng dating! Kaso yun nga, nakakaloka na nga ang adventure ko hindi man lamang ako sulit sa kasama ko, bigla ko tuloy na miss ang aking fafa!

Anyways para lalo talaga kayong magtumbling with matching split sa nangyari sa akin ito nalang imagine ang hirap na dinanas ko papunta run sa lugar, yung 80 km na ganung kalsada… well dinaanan ko ulit dahil that same day kailangan kong bumalik ng Puerto Princesa! Sugod ulit sa ulan, tawid ulit sa apat na ilog (nagtataka ako kung bakit hindi na rin lang ako tinangay ng agos) sakay sa nakakangawit na motor, daan sa parusang kalsada kasama ang driver kong driver lang talaga period!

Paano ka naman tatawid dito?!

Pangalawa- Linggo, paalis na ang bagyong Frank. Dahil bad trip na ako sa tagal ko sa Palawan ibig sabihin tigang na lola nyo. Imagine walang sex sa loob ng halos mag-iisang linggo? Ewan ko ba kung bakit wala akong nakitang ka-igaigaya sa paningin ko dun o walang nakakita sa akin na ako'y kaiga-igaya? Alin man sa dalawa isa lang ang ibig sabihin, hindi ako lubusang nag-enjoy sa lakwatsa kong ito.

Dahil schedule na ng flight ko excited akong pumunta ng airport! Ang aga-aga ko dun promise! At nakaka-inis cancelled and flight ko pabalik ng Cebu? What??? Tama ba ang narinig ko? Ibig sabihin may isang gabi pang magtitiis ang lola nyo. Kayanin kaya ng powers ko ito?

Sa awa ng Diyos kinaya ko naman, naloka pa ako dahil tumawag ang boss ko mega concern naman kasi siya nag-alala, dahil baka kung mapaano na ako at mag-eextend nanaman ako ng isang araw. At nagtanong…wala bang nang-rape sayo dyan or something? Hello? Wish ko lang! ang sagot ng lola nyo unfortunately wala!

Pangatlo – Kinabukasan yes! Makaka-uwi na rin ako, nawindang naman ako dahil ang isang kaibigang taga Palawan biglang nagyayang mamasyal. Naku naman kung kelan pauwi na ako, pero dahil adik ang lola nyo sige go! Pasyal tayo sa mga tourist spot dito sa lugar. Tinawagan ko ulit ang driver at ang motor na inarkila ko nung isang araw. Salamat naman at pumayag siyang ma-rent ng per hour.

Sa loob ng tatlong oras dinayo namin ang mga lugar malapit sa City na pwedeng puntahan. Alas 4 ang flight ko alas tres medya na nasa pasyalan pa ako, naghahabol bigla ang lola nyo. Halos paliparin ang motor papuntang airport bumuhos ang malakas na ulan, basa ako pati gamit ko! Dumaan sa trapik dahil sa Baragatan Festival late na ako as in! Pero hindi ako papayag na hindi makasakay at maka-uwi. Deadma na kung sobrang basa na ako at ang gamit ko, tuloy sa airport. Trapik waahhh! syempre pagdating ko dun close na ang check in counter, on board na lahat ng pasahero maliban sa akin.

Reclaim the streets! ang dahilan ng traffic!

Nagdrama ang lola nyo (konti), mega madali buti nalang naawa ata sa akin ang staff ng PAL dahil sobrang basang-basa ako nang dumating sa airport pumayag na maisingit ako at makasakay. Ang kawawang driver ko nakalimutan kong bayaran sa sobrang pagmamadali. Sa wakas nakasakay din ako ng eroplano PAL express unang biyahe ata nila papuntang Cebu mula Palawan. Pag-akyat ko nakatingin lahat sa akin ang mga pasaherong puro foreigners daig ko pa ang basang sisiw, hagardnes, at hindi malaman kung na-rape ng sampung kalabaw.

Natuyo rin ang damit ko sa biyahe, sobrang ginaw nga lang. Pero isinumpa ko talagang hinding-hindi na ako babalik ng Palawan …kapag may BAGYO! Ang kawawa kong driver ayun, pinadala ko na lang ang bayad sa LBC kinabukasan. Kawawa naman, in fairness sobrang bait at gentleman sya yun nga lang sayang hindi ko siya type.

Mayo 24, 2008

Samar, Summer Vacation Galore

Kumusta mga kapatid! Yes… nawala po ako ng mga ilang araw hmmm limang araw to be exact! Pero huwag po kayong mag-alala dahil siguradong sa pagbabalik kong ito ay mapupuno nanaman ng mga walang kwentang adventure at mga kuwento ang blog kong ito.

Aminin nyo na miss nyo ako! May isang tao pa nga dyan na hindi na ata nakatiis at nagtxt sa akin para magparamdam habang nasa kasarapan ako ng aking biglaang bakasyon.

Tama ba naman kasing maisipan ng mga kamag-anak ko sa Manila na magbakasyon sa lugar namin sa samar, kaya tuloy ako naman si engitera eh nagfile kaagad ng tatlong araw na emergency leave kunwari, para lang makahabol at hindi maiwanan sa mga happenings dun. Well, na miss ko na rin naman ang mga pinsan kong mga taga Manila halos sa kanila din kasi ako lumaki kaya naman talagang natuwa ako nang malaman kong uuwi silang lahat kasama ang mga tito,tita at mga pamangkin ko sa samar para magbakasyon ng ilang araw.

Dahil hindi rin pwede magpaiwan ang partner ko, syempre kasama ko din siya hindi naman pwedeng ako rin lang ang mag-enjoy dahil sa totoo lang hindi rin naman ako mag-eenjoy kung hindi ko kasama ang aking fafa diba?

So nagbakasyon kaming dalawa, buti pumayag ang opisina kaya naman tuwang tuwa ako at least makakasama ko din ang mga anak ko. First day palang ng pagdating namin sumugod agad kami sa Malajog Beach…well, hindi naman sya white sand katulad ng ibang magagandang beach pero mag-eenjoy ka sa scenery at sa dami ng shells na mapupulot mo. Masarap na libangan din ang mamulot ng shells at ibat-ibang klase ng bato sa dalampasigan diba? Tapos super linaw ng tubig at pino rin ng buhangin dito kaya naman nag-enjoy talaga kaming magpipinsan sa paliligo.

Malajog Beach! Sarap mag swimming dito mga ate at kuya! yun nga lang hindi ako marunong lumangoy he,he

Solve sa dami ng pagkain! Mga kakanin at ilang specialty ng mga tita ko at mga sariwang isda! At ang isa pang maganda sa bakasyon na ito libre lahat! He,he thanks nga pala sa mga pinsan kong madatung!

Syempre matapos ang maghapong paswimming enjoy din kami sa panonood ng liga ng basketball dun sa barangay namin tuwing gabi! Dahil mas marami kaming magpipinsan mas enjoy manood at tumili kapag nakaka-shoot ang team ng kapatid at pinsan ko, talagang full support! Nakakatuwa.

Ito naman ang kuha ko sa anak ko nang bandang hapon sa beach. Nice background diba?

The next day nagkayayaan naman kaming dumayo sa Tun-ok falls mga ilang kilometro ang layo mula sa Barangay namin. Paakyat na ng bundok at medyo liblib na ang lugar na ito. Kaya naman enjoy ang mga pinsan at pamangkin kong galling ng Manila sa mga magagandang view na nakikita nila katulad ng mga palayan, mga tipong virgin forest, malinaw na ilog, mga taniman ng niyog at kung anu-ano pa na hindi madalas makita sa syudad.



At yan po ang mahaba at maladuyan na hanging bridge mga kapatid! are you ready? Ako hindi pa!

At wow ang unang challenge ha ang sumakay sa pampasaherong tricycle at bumiyahe ng ilang kilometro sa rough road papunta sa lugar. Ang pangalawang challenge maglakad ng mga mahigit dalawang kilometro papunta sa falls. At ang pinaka-exciting na challenge ang tumulay sa mataas na hanging bridge patawid sa malawak at may kalaliman din namang ilog. Nakakatakot at nakaka-excite at the same time ang pagtawid sa maladuyan na tulay! Syempre ang pinakahuling challenge ang maligo sa super lamig na tubig sa falls! Wahhh at sumabay pa ang ulan so ako naman sa sobrang ginaw halos mangatog ang buong katawan ko. Pero, syempre walang makakapigil sa akin na kumuha ng mga picture!Sobrang ganda ng lugar at nakakatuwang maligo sa malinis na tubig sa falls.

So this is it ito ang tinatawag nilang Tun-ok falls wow super lamig ng tubig kakaloka!

Sa pangatlong araw umikot naman kaming magpipinsan sa City para maghanap ng mga souvenir, syempre wala akong binili diba kaloka wala naman kasi akong makitang pwedeng ipasalubong sa mga kasama sa opisina kundi ang specialty kakanin na gawa ng tita ko.

Bumalik ulit kami sa beach ng araw na yun, ligo ulit maghapon habang ang mga matatanda ay nag-iinuman naman ng Tuba (coconut red wine he,he). Maghapong kuwentuhan at chikahan at pag nagsawa naman balik sa dagat para maligo. Sarap ng ganitong life sana laging summer vacation!