Ang larong bahay-bahayan ay pwedeng umabot ng isang lingo o higit pa! Hanga’t nakatayo pa ang ginawa ninyong bahay ng mga kalaro mo pwede nyo itong balikan anytime.
Halimbawa, napagod na kayo sa paglalaro ng piko o sipa o baril-barilan o kidnap-kidnapan (hindi ko alam kung ano talaga tawag sa ganitong laro basta ito yung laro na maghahati kayo kung ilan kakampi nyo tapos ang gagawin maghahabulan kayo, kapag nahuli ang kakampi nyo ng kalaban nyo magiging kidnap victim sya na kailangan nyong iligtas) Nakakapagod, parang pinagsamang habulan, taguan at barilan ang ganitong laro.
Kaya kapag pagod na sa maghapung pagtakbo at pakikipagpatentero sa kalsada sa mga sasakyan balik naman kayo sa bahay-bahayan.
Syempre kapag pamilya kayo, kunwari may nanay at tatay at syempre kunwari may gabi at kailangan ding matulog ng lahat ng miyembro ng pamilya nyo. Minsan nga may kunwaring aswang pa na mangugulo sa pagtulog nyo!
Sa higaan pwede kayo magsiksikan sa loob ng ginawa nyong bahay, na madalas walang kwarto. Tipikal na bahay ng isang pamilya sa probinsya o sa isang squatters area.
Magkatabi si nanay at tatay tapos na gilid ni tatay si kuya ni nanay si bunso at si ate, at kung sino pang anak na nadagdag sa pamilya nyo.
Katulad din ng mga tipikal na pamilya syempre ang mga bata eh deadma na lang kapag dumating ang hating gabi na si tatay ay nakapatong na kay nanay. Hindi naman talaga alam ng mga bata kung ano ang ginagawa ni tatay kay nanay.
Minsan may maulinagan man silang bulungan na ganito “Ipasok mo na bilis” hindi rin naman nila alam (peksman!) kung ANO ang ipapasok SAAN?
Kinabukasan mapapansin na lamang nila na hangang tenga ang ngiti ni Nanay at himala si Tatay wala sa tambayan ng mga kainuman niya.
At pagkalipas pa ng ilang buwan mahahalata na lang bigla ng mga bata ang paglaki ng tiyan ni nanay.
Minsan may ganitong dialogue pa si Bunso “Nay may baby ka na naman sa Tiyan?”
Hindi ko alam kung paano nangyari pero kadalasan alam ng mga bata na baby ang laman ng tiyan ni Nanay.
Noong maliit pa ako, hindi ko na tinatanong kung bakit may lamang bata ang tiyan ni Nanay parang feeling ko normal lang sa mga nanay na magkaroon ng bata ang tiyan nila. Iniisip ko nalang MAGIC?
Tapos iingitin ko na mga kalaro ko na may bagong baby na naman kami! Yeheey!
Kaya sa larong bahay-bahayan ganun din ang mga eksenang ginagawa namin ng mga kalaro ko, si kunwaring tatay papatong lang kay nanay na nakahiga pagkatapos nun matutulog na kaming lahat. Pero alam namin bilang mga anak kunwari na hindi kami dapat tumingin sa ginagawa nila, at kunwari mahimbing ang mga tulog namin.
Tapos kinabukasan buntis na ang nanay namin, maglalagay siya ng tela sa ilalim ng damit niya para makitang buntis daw sya.
Tapos manganganak sya ng tela din syempre at yun ang gagawin naming baby.
Ang maganda lang sa bahay-bahayan kapag sawa kana pwede mong iwanan. Parang “hmmp! Ayoko na mag-alaga ng baby, oist! kunwari wala na lang tayong baby ha!”
O kaya minsan kapag nagkapikonan na talaga ganito na:
“Ayawan na! Uwi na ko sa amin dyan na kayo ang gulo nyo eh!” Kapag ganito na ang eksena, uwian na sa kani-kaniyang bahay.
Pero sa totoong bahay kung saan na nandun ang tunay na nanay at tatay hindi sila pwedeng magsalita ng:
Walang atrasan ito!
Sabi nga nila ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo lang na pwede mong iluwa kapag napaso ka! (please lang huwag mo lang ibabalik sa kaldero maawa ka sa iba pang kakain)
Imagine kung ang bawat mag-asawa sa mundo ay may ganung chance?
“Tigilan na natin ito! Ayoko na ng may mga anak! Ibalik mo na ang mga yan sa matris mo!”
4 (na) komento:
D ku naranasan magbahay bahayan nung bata ako. Nakokornihan kasi aku nun. Sumasali lang aku pag may kaninan na tapus totoong pagkaen ang hinahanda na kung anu anung pinaghalo na chichirya! hahahah =D
ang ganda ng entry na to!! seryosong bagay nga naman ang pag-aasawa, hindi laro na katulad ng bahay-bahayan..
hello jimboy salamat at napadaan ka.
ate lingling- Kumusta po? Naalala ko lang kasi ang sarap maging bata kasi kapag nagsawa ka na pwede kang umayaw ngayon hindi na pwede.
heto bago to...
ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin na basta isusubo na lang at kapag napaso ay iluluwa.
bago yun!
Mag-post ng isang Komento