Abril 18, 2009

PULA

Nagugutom ako! Kanina pa ako paikot-ikot sa masikip at mataong kalsada ng Sogod Southern Leyte. Wala pa rin akong makitang matinong makakainan, may mga nakita akong karenderia pero hindi ko type! Gusto kong kumain sa matino o sa kilalang restaurant sa lugar, although hindi naman talaga ito ang unang pagpunta ko sa nasabing lugar pero feeling ko turista pa rin akong naliligaw at hindi alam kung saan pupunta.

Walang direksyon ang mga hakbang ko, feeling ko halata sa mukha kong hindi ko alam kung saan pupunta dahil pinagtitinginan ako ng mga taong makakasalubong ko. O baka naman nagagandahan lang sila sa akin? Hmmm pwede rin siguro he,he.

Bigla, naalala ko ang municipal brochure na binigay ng kanilang butihing Vice Mayor sa akin ng araw na iyun. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kung may mga nakalista ditong mga magagandang kainan sa lugar nila. Ayun! May nakita akong interesting, ang Lapyahan Restaurant tunog native ayos! At gusto ko na uling makatikim ng mga sariwang seafoods.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa nasabing restaurant, dinala ako ng driver sa isang restaurant na yari sa nipa at kawayan na nasa tabing dagat, wow native ang motif at maganda ang ambiance ng kainan sa labas.

Kaya lang pagpasok ko, wow pula! As in pula ang nakikita ko sa loob nito, pulang table cloth , kurtina at dim light na kulay pula rin (kaloka) feeling ko parang pumasok ako sa ibang dimension. Alas sais palang ng hapon kaya wala pa akong nakikitang ibang tao sa loob maliban sa cashier na naka-upo sa pwesto niya.

Nag-aalangan pa akong pumasok, kasi nga feeling ko hindi ako dapat narito at isa pa masyado pa atang maaga, baka hindi pa sila tumatangap ng customer? Pero dahil sa gutom, napilitan na rin akong pumasok, nagdadalawang isip na umupo sa isang lamesa sa isang sulok at naghintay na ipagtabuyan sa labas o lapitan ng isang hosto.

Maya-maya lang may lumapit naman, isang waiter na as usual nakasuot ng pulang t-shirt at nagbigay ng menu.Umorder ako ng sinigang na hipon, rice at ice tea.

Habag naghihintay may mga dumating isang matandang Hapon na sa tantiya ko eh mga 60 years old, may kasamang batang-batang pinay na halatang katatapos lang atang mag-debut at isa pang lalaki na halatang tatay ng batang pinay. Umupo sila sa lamesa sa harapan ko, super sweet ang matandang hapon sa dalagitang kasama niya, inobserbahan ko ang dalagita mukhang ok naman siya at hindi naman mukhang pinilit lang o pinagbantaan ng tatay niya.

Pilya ako may sumagi sa isip ko, well naglalaro lang naman sa utak ko ang tanong na paano kaya sila magsex? Isang matandang Hapon na kailangan pa ata ng viagra para tayuan at isang sariwa at batang-batang dalagita? Hmmm… ayokong isipin hindi ko kayang lunukin ang mga ganung eksena.

Anyways, sa tingin ko naman mukhang masaya at kuntento naman ang batang pinay sa kasama nya, well goodluck nalang sa kanya. Ganun naman talaga ang buhay kanya-kanyang paraan lang naman tayo para makasurvive diba? This is life, wala tayong choice kundi ang ipanganak at mabuhay dito sa mundo, tapos bahala na tayo sa mga buhay natin, ang mga bagay na ginawa natin, ginawa natin para maging masaya, magalit at minsan para mamatay… bahala na.

Habang tinitingnan ko ang dalawang couple, hindi ko rin namang maiwasan na obserbahan ang tatay ng batang pinay. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero napapansin kong mukhang pilit niyang iniiwasang mapatingin sa mayat-mayang paghalik at paghaplos ng matandang hapon sa pisnge at katawan ng anak niya.

Nagu-guilty kaya siya? Nalulungkot? Iniisip niya kayang hindi iyun ang pinangarap niyang maging buhay ng dalaga niya? O kuntento na rin siya dahil at least alam niyang kahit papaano magiging maganda o marangya ang kinabukasan ng anak niya at magiging apo niya sa matandang hapon na ito?

Hay, naku kahit na ano pa man ang isipin ng tatay na ito iisa lang ang sigurado akong sasabihin niya at “least may laman ang mga sikmura namin ng pamilya ko, salamat anak at pagbutihin mo”.

Maya-maya lang may pumasok ulit, isa pang customer foreigner ulit at mukhang Canadian na sa tantiya ko ay 60 years old na, at umupo naman ito sa lamesa sa bandang kanan ko.

Umoorder ito ng isang boteng beer, pinakiramdaman ko rin ang bawat kilos niya. Obviously, napapansin ko siyang sumusulyap sa kinauupuan ko. Feeling ko iniisip niya atang isa akong bayarang babae na naghihintay ng customer?

Dahil natakot akong lapitan niya at tanungin kung “magkano ka?” inilabas ko ang aking props; ang librong binabasa ko kapag inaatake ako ng boredom. Ang Canadian Wood ni kuya Haruki Murakami na pinahiram sa akin ng isang kaibigan. Para kunwari intelehente akong babae at hindi cheap katulad ng inaakala niya. Mukhang wagi naman ang drama ko dahil natigil na rin sa pagsulyap sa akin ng makahulugan ang matandang Canadian.

Maya-maya lang may pumasok nanaman, mukhang labanderang katatapos lang magsampay ng labada at lumapit sa nag-iisang foreigner. Obviously siya pala ang hinihintay ng matandang Canadian na itoh! May dialogue pang “I thought your not coming” sosyal diba??! Akala ko nga si Inday na inglesera ang pumasok.

Nalibang naman ako sa pagbabasa kaya’t deadma na sa akin ang mga taong pasaway sa paligid ko. Maya-maya lang naloka ako nang may batang paslit na biglang pumasok at lumapit sa pinay na kasama ng matandang Canadian at nagsabing “Nay, uwi ka na daw sabi ni tatay!”

Oh diba tumbling? Kaya bago pa magkaroon ng kaguluhan at mapuno ng kung anung kulay pula ang nasabing lugar, eh nagpasya nang umalis ang lola niyo at bumalik sa hotel na tinutuluyan.

Walang komento: