Abril 11, 2009

CONDOM AT SI INDIANA JONES!


Katulad ng madalas mangyari ito nanaman ang lola niyo sa panibagong adventure. Ewan ko ba hindi ko rin alam kung bakit masyadong makulay ang buhay ko at kung anu-anong kaguluhan ang nasusuungan ko. Lakwatsa to the max nanaman! Saan pa kundi sa Gen San! As in General Santos City! Oh diba parang pang Miss U? Kaya ang lola niyo ito sobrang excited nanaman akala mo ibon na nakawala sa hawla.

Oras ng trabaho, syempre seryoso ako at talagang kinakarir ko muna ang bawat assignment ko, dahil bibisita ako sa kung saan saang barangay ng Gen San at Sarangani area syempre biyahe to the max at tanong kung kani-kanino ang ginawa ng lola nyo.

At sa pagtatanong ko nga, ayun naligaw ako! Mali ang jeep na nasakyan ko, buti nalang may nakita akong checkpoint at outpost ng mga police at yun ang nilapitan ko. Dahil friendly ang lola nyo feeling close kaagad kami ng police na naka-duty sa area na yun. Kuwentuhan at interview to the max ang mga hinayupak, syempre ako naman dahil takot na madampot at maglaho na lamang na parang bula nagpangap akong mabait sa kanila.

Pero wait, talagang mabait at maasahan naman pala talaga ang ating mga kapulisan, dahil very accommodating sila. Imagine lagpas nang ala una na ng mga oras na yun ang lola nyo eh medyo nagwawala na ang mga bituka dahil sa gutom, wala naman akong makitang makakainan dun sa lugar kaya inalok nila akong mananghalian kasama sila. Well, kahit medyo nahihiya eh grab the opportunity ang drama ko, kain kung kain agad, afraid akong mamatay ng dahil sa gutom anoh? Syempre nagpa-inom naman ako ng coke, para kahit papaano eh makabawi naman sa kabaitang pinakita nila sa akin.

At dahil nga sa sobrang bait ko, syempre nagpabola nanaman ako, o teka mali ata parang ako ata ang nakabola ng isa sa kanila? Syempre, type ko si mamang pulis na halatang bata sa akin ng mga tatlong taon. Gwapo siya period! Kaya nung tinangka niyang tanungin ang cellphone number ko eh hindi na ako nag-inarte at binigay ko agad sa kanya ito.

Sa totoo lang tatlo silang nanghinge ng number ko, eh syempre kakahiya naman at masyadong obvious kung idedeny ko sa iba ang number ko at sa isa ko lang ibibigay, afraid naman akong ma-offend yung iba. Pero ang mga lalaki naman eh marunong din makiramdam pagdating sa ganitong bagay. Siguro nababasa din nila sa mga kilos ng babae kung sino ang type ng girl at kung sino ang hindi. Feeling ko nahalata nilang mas type ko yung kasama nila, kaya off limits na yung dalawa at hinayaan nila kaming magchikahan ng kasama nilang sa tingin ko nga eh gwapo.

Naloka lang naman ako dahil halata namang may asawa na ang loko eh, nagpapangap pa ring single ang walanghiya. As if naman diba? Anong palagay naman nila sa mga babae ngayon, yung tipong manghihinge lagi ng kasal? But then and again, deadma hinayaan ko siyang panindigan niya ang pagpapangap niyang single.

Bago pa man ako umalis sa lugar na iyun, matapos nila akong ihatid sa sadya kong barangay gamit ang kanilang patrol car, oh diba sosyal? Eh nagpa-alam na sa akin si mamang pulis na dadalaw siya sa hotel ko mamyang gabi. So, wagi ang lola kaya ang sagot ay;

“Sige, basta magtxt ka muna”

Sa wakas natapos ko ang nakakalokang assignment ng araw na yun. Balik ako sa hotel nagpahinga ng konti. Si mamang pulis naman eh biglang nagtxt malapit na daw matapos ang duty niya at baka nga mapasugod siya sa hotel ko. Pagkabasa ng txt napabalikwas ako ng bangon, naalala ko kailangan ko nga palang bumili ng mga bagay na kakailanganin ko sa ganitong pagkakataon.

Go naman ako palabas ng hotel at sugod sa pinakamalapit na mercury drug store sa lugar. So, may idea na kayo kung anong kakailanganin ko? Cheklist isang litro ng malamig na mineral water, tissue, shampoo, body wash, snacks, at condom! Yes…

Hmmm sa counter madalas nilalagay ang mga packs ng condom. Syet! Bakit sa drugstore na ito eh walang nakadisplay na condom? Gosh, hangang ngayon ito ang dilemma ko bakit ba ang hirap hirap bumili ng pack ng condom? Condom lang naman yun diba napaka natural na bagay, ano ba naman yun? Parang condom lang pero bakit, bakit nahihirapan akong bumili ng condom?

Inikot ko ang mga estante at display rack ng drugstore wala talaga akong makita! Nakakaloka naman ito, nakuha ko na lahat ng mga bibilhin ko pero ang anak ng tipaklong na condom na yan eh hindi ko mahagilap. Wala akong choice kundi ang magtanong sa cashier,

“Miss may condom kayo?” kunwari deadma at walang malisyang tanong ko sa cashier na hindi ko malaman kung nakangisi o natatawa.

Ang sagot ng cashier “Dun po yun sa kabila sabihin nyo lang” sabay turo sa counter ng mga gamot na sangkatutak namang tao ang nakapila.

Dyahe, huwag nalang binayaran ko ang mga nauna kong pinamili at go ulit sa kabilang drugstore. Tingin dito tingin dun, ganun pa rin walang nakadisplay na condom sa salamin na estante nila. Wala rin sa display rack, teka ano bang nangyayari nagkaka-ubusan na ba ng condom at sa black market na lamang ba ito mabibili ngayon?

Nilapitan naman ako ng cute na store owner at nagtanong;

“Miss ano sa iyo?”

Kakaloka hindi ko alam kung anong sasabihin ko,

“Huh, ah eh may cotton balls kayo?”

Gosh! Ang plastic ko, bakit ba hindi ko masabing “may condom kayo?” ng matapos na ang problemang ito? Napaka-plastic ko naman kung magpapangap pa akong hindi ako makikipag-sex ng gabing iyun?

Haysss, bahala na eh ano naman ano kung malaman ng lalaking ito na condom ang bibilhin ko, eh ano kung malaman niyang makikipag-sex ako ng gabing iyun? Kaya pagbalik ng cute na store owner dala ang cotton balls idinagdag ko na

“Tsaka nga pala isang pack ng premiere condom, yung dotted!” whew, yes! at last nasabi ko na rin, para akong nabunutan ng tinik.

Syempre, medyo nagulat pa si kuya sa narinig niya diba? Parang feeling ko gusto niyang sabihing “join naman ako dyan!” nang ibigay niya sa akin ang pack ng condom.


Matapos ang nakakalokang eksena sa drugstore, balik ako sa hotel para makapaghanda, nag-shower, toothbrush, naglagay ng konting pabango, nagsuot ng laced bra at undies na kulay red (para maiba naman) at syempre naghintay.

Ito ang nakakaloka, ang paghihintay sa taong hindi mo alam kung sisipot ba o hindi. Im all set, as in ready na ako to the max kaya mega wait ang lola. Ayoko rin namang magtxt para magconfirm diba? Baka sabihin atat naman ako sa lalaki, girls scout lang talaga ako kaya lagging handa. Ayoko naman ng masosorpresa akong bigla, tapos kung kelan nasa gitna na ng kainitan eh saka ko maalaala na ay hindi papala ako naliligo dyahe!

Isang oras na, walang txt medyo giniginaw na rin ako dahil sa wala nga akong saplot sa katawan kundi ang laced bra at panty lang na red nga! Ayokong magtxt, yan ang pinaka-importanteng natutunan ko sa buhay, huwag magtxt sa lalaking may asawa lalo na at hindi ka naman nito tinitxt ibig sabihin nasa bahay yun at kaharap si misis.

Syempre, bago ako manigas sa ginaw nagbihis na muna ako at hinarap ang laptop, maghahanap muna ako ng ka-chat. Pero feeling ko as in malakas ang kutob kong hindi na talaga sisipot ang hinayupak at tinamaan ng kulog na gwapo pa naman sanang mamang pulis na yun.

Anyways, may lahi pala siyang Indiana Jones kaya sorry nalang siya, ako naman eh naghihintay lang at least may napatunayan ako sa sarili ko sa gabing ito, kaya ko nang sabihin outloud ang “Pabili nga ng isang pack ng condom!”

xxx

Hmmm naloka kayo ano? Ito ay isa lamang sa mga mababasa nyo sa susunod na libro ni KLITORIKA. Abangan!



6 (na) komento:

violet ayon kay ...

aliw na kwento...

may "condom experiences" din ako... simula pa noon, natutuwa na talaga ako sa tingin at titig na ibinibigay ng sales personnel sa akin (pati sa kasama ko -- pag nagkataong meron) pag bumibili sa drugstores at supermarkets ng pake-pakete ng condoms ^_^

magandang choice klitorika ang premiere -- at mas maganda ang dotted ^_^ ...try mo rin 'yung kama sutra minsan ^_^ ...sa dami nga naman ng brands ngayon, nakaka-excite talaga pumili!

congrats in advance sa success ng second book mo ^_^

KLITORIKA ayon kay ...

Astig ka ateh!!! hehehehe

hector_olympus ayon kay ...

naaliw ako sa kwento, napag-isip tuloy ako.

daan ka naman minsan sa bahay ko..
http://sonofpriam.blogspot.com

Toilet Thoughts ayon kay ...

Tumambling ako... hahaha! Astig ka tlaga ate.

So... tapos na ba ang chronicles ni kuya sa gensan? hehe.

KLITORIKA ayon kay ...

Jepoy! na miss kita hehehe... si kuyang taga gensan? hmmm baka abangan ang susunod na kabanata yan!

KLITORIKA ayon kay ...

thanks hector!!!balik ka ha