Matagal ko nang gustong mag sulat ng bago at magpost dito sa blog ko, halos isang buwan na rin akong hindi nakakapagsulat. Yung mga naunang post ko ditto na mga nabasa nyo eh, kasama pa yun sa manuscript ng book 2 ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nitong mga nakaraang lingo eh “adik” at ”boredom” mode ako.
Adik sa kakalaro ng chess on line well, maganda naman kasi at talagang nakakalibang ang larong chess bukod sa may mga na meet akong mga bagong OL buddies, hehe from different parts of the world. Karamihan nga lang puro Indians, adik din pala ang mga Indians sa chess! Halos ang room ng Indians at pinas lang kasi ang napansin kong dinadagsa ng tao. Kaya naman ang lola nyo wala na rin ginawa kundi ang makipagchat habang naglalaro ng chess maghapon! Adik nga!
Boredom… kasi matapos ang ilang linggong sunod-sunod na travel at field works sa Leyte at kung saang panig ng kabisayaan. Ito ang lola nyo standby mode kaya bored to the max! Nakakairita rin pala ang walang ginagawa maghapon kundi ang humarap sa computer. Hindi rin naman ako makalabas kasi nga office gurl ang drama ko kaya ito nakatali muna sa opisina.
At dahil sa mga moda kung ito ayun, maraming tao ang napagdidiskitahan ko, an dami kong kinukulit. Txt ng txt kahit hindi naman dapat mag txt! Walang ginawa kundi ang magsayang ng load ng cp. Naiirita na rin ako sa sarili ko kasi nga feeling ko dahil sa boredom marami akong naasar at naiistorbo,
Gusto kong makipag-konek sa kung sino, sino kahit man lang sa txt o chat. Feeling ko kasi kapag wala akong ginagawa, wala ring ginagawa ang mga taong ito sa mga buhay nila,. Hay, nakakaloka at nakakairita ako nitong mga panahong ito.
Kaya dun sa mga nasagasaan ng kakulitan at nakakairitang moda na ito eh pasensya na po mga ate at kuya. Tao lang….hehehe laging palusot ang salitang yan bakit kaya? Excuses, excuses …
Gusto ko nang tigilan ito, kaya lang paano? I want to divert my attention sa mga bagay na pwede kong gawin habang standby mode sa office. Ehhhh… ano naman kaya? Any suggestion?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento