“Hindi kami kabit noh, we’re the other woman”, iyan ang sagot sa akin ng aking friend ng magkakwentuhan kami isang araw habang umiiyak.
Ito yung araw na nagkita kita kami ng mga old friends ko. Parang reunion na din. Nakakaloka kasi lahat sila may common denominator. Ang pagiging…Other woman.
“hmm..ah ok, so whats the difference?” tanong ko naman.
“Kasi yung mistress eh masyadong negative ang dating, sila ung mga babaeng ayaw ng long term commitment, it’s either gusto lang nila maging masaya, sexually attached yes, and of course, financially attached noh, eh yung other woman, involved sexually and emotionally, as in there is love. Di ba nga yung ibang mga other woman is not looking for financial support basta makasama lang nila yung lalaki, iba yung feeling na nakakasama mo”, dugtong pa niya.
Ok fine. Parang lahat sila may kanya-kanyang story bakit nagging other woman. Bakit nga ba?
Other Woman #1 – Ito ung friend ko na as in head over heels inlove sa kanyang married lover. Bakit siya nagging other woman? Well sabi nya, friends sila at first hangang sa na develop. Hindi talaga nila akalain na magiging mag lover sila. She’s been the other woman for almost 4 years na (wow matagal na din pala). Tinanong ko siya kung hangang kelan, ang sagot nya hangang sa Masaya silang dalawa, pero wala siyang balak na papiliin ang lalaki dahil ito ay may anak, hindi lang isa kundi 3. Sa una pa lang ay hindi na nag sinungaling sa kanya ang lalaki na may asawa na ito kaya wala siyang sinisisi. Ang dahilan nya din ay basta Masaya siya..silang dalawa. Tinanong ko pa siya paano kung mahuli sila? Ang sagot nya ay hindi, dahil isa siyang perfect other woman! (taray!..so abangan ko na lang ang kabanata nya)
Other Woman #2 – Ito ang friend ko na other woman na gusto kong iuntog ang ulo sa pader. Dahil nagpadala sa bola ng lalaki. Alam din niyang may asawa ang lalaki sa simula pa lang, pero dahil sa mga katagang ito, eh nahuli siya sa bitag – “Mas naiintindihan mo ako kesa sa aking asawa, pinikot lang nya ako”, at ito ang matindi na sinabi sa kanya – “hindi ko siya mahal”. (argh!) Men are born liars! (hehe, hindi naman ako bitter diba?) Sinabi din sa kanya na iiwan ang asawa para magkasama na sila, pero just last week, nabalitaan nyang nanganak ang asawa. At ito ang first baby. (ahh ok..diba?) Sobrang mahal na nya ang lalaki, at they’ve been in the relationship for 3 years na din. Ngayon ay naguguluhan siya kung anong gagawin since nangako ang siraulong lalaki sa kanya.
Other Woman #3 – Siya naman yung friend ko na isa ring tanga. Umibig din sa married guy. Well, sabi ng guy eh hiwalay na sila, as in hiwalay lang ng bahay dahil wala lang annulment. Siguro kasalanan ko, kasi she met the guy thru me..(eh haler, hindi ko din alam na hindi pa pala annulled yung guy sa first marriage). Alam din niyang 3 ang anak nitong guy. Pero kakaiba, kasi nang na meet nya yung guy eh hindi stable ang guy financially. Dahil napa ibig na siya eh sabi nga nya, she’s helping the guy financially! (oh diba kakaibang other woman itong friend ko, very generous), at ask ko naman, in return naman, what ang nakukuha nya? Sabi pa nya eh – good sex! (sobrang kaloka nitong friend ko talaga). Pero she’s happy. 6 years na ang relationship nila at nagging loyal naman sa kanya ang guy (ahh..ok, im not going to contest on that one..hehe), at sa 6 years na relationship eh very charitable ang lola ko extension na din sa mga anak. Hindi ko din siya masisis dahil inlove din. Pero after ng six years eh nagkaron na ng work ang guy (sa wakas!) at sobrang masaya siya dahil first time nyang ma treat ng fish ball! (ang saya saya nga). Masaya na sana dahil hindi naman nagsasama ang guy at asawa nya pero nabalitaan na lang nya na lumipat ang asawang babae sa bahay ng guy! At ang dahilan ng guy eh dahil walang mag aalaga ng mga bata since siya ay may work na. Wala naman magawa ang friend ko dahil andun na ang babae..basta ang importante daw eh ang love with each other at..good sex!
Other Woman #4 – Whew! (dami kong friends talaga!) eto yung friend ko na tapos na ang relationship na sya married guy recently, pero ang matindi eh, until now love pa nya at gusto na din magpakamatay. Nahuli kasi sila ng asawa. Nakikipag balikan ang lalaki sa kanya pero natatakot siya. Bakti kamo? Dahil war freak ang asawa! As in dumalaw sa office nila at mukhang hindi daw papatalo buti na lang at nakapagtago siya. Sabi nga nya, kung patalinuhan ang labanan eh lalaban siya pero kung physical eh baka sa ospital kami ngaying nag kwe-kwentuhan. (kaya din siguro ang lalaki eh naghahanap ng iba) Hindi kasi siya perfect other woman! Sa sobrang love ang lalaki kahit lingo eh tinetext ang lalaki, eh un ang number one rule na don’t text the guy on Sundays! At eto ang matindi, ka officemate lang nya yung guy! Gusto ko din untog ang ulo dahil inamin nya na pa minsan minsan eh nagkikita pa din sila ng guy (oh diba walang ka dala dala). Hindi nya ang alam ang solusyon dahil ayaw nya ng karma, sabi ko mag resign na siya sa work at gagawin naman daw nya, (ok good luck dahil on that time na mag kakasama kami eh text mate sila ng guy).
Other Woman #5 – oh well, hindi ko alam kung dapat nga bang tawaging other woman itong friend kong ito. Dahil siya ay may other man! (huh? Kaloka diba) Actually, they are both others (gulo). Kasi ang lalaki ay may asawa din (kabit-kabit?). Hindi ko din siya masisisi. Kilala ko ang asawa nya, super busy to the max sa work at lagging wala sa bahay, lagging out of town. Ang married guy na lover nya eh officemate din nya, at may kinakasama na gurl for 7 years na. Sa sobrang matinding atensiyon na naibibigay sa kanya ng lalaki eh ayun, na inlove siya na hindi nya naramdaman sa asawa nya. Buti na lang at walang silang anak pero ang problema eh ang lalaki ang may anak. Hindi naman nya kayang hiwalayan ang asawa nya dahil natatakot siya. Sa family nya..at sa sasabihin ng ibang tao. Suwerte siya dahil ang lalaki ay mahal talaga siya dahil hiniwalayan ang asawa. Ngayon, hindi nya alam ang gagawin, sabi ko na lang, i- pra-pray over ko siya (amen!)
After nilang magkwento, ako ang tinanong nila, what if I am in their shoes? Sabi ko, I guess I have been there (naks,hehe), Hindi talagang nagging mistress, pero ang partner ko ang may other woman. Masakit pala pag inamin sayo na may third party or may others, pero ang mas masakit ang magiging decision natin. So, tinanong nila ako kung ano daw ang ginawa ko nang malaman kong may other woman ang partner ko. Sabi ko na lang, kaya nga ako nagging single mom diba? I made my choice.
Wel, lahat sila ay may kanya-kanyang kwento, lahat sila ay iisa sa paningin natin, sa paningin ng mga tao. Lahat sila ay isang kerida, kabit, mistress or other woman. Lahat sila ay gusto din maging number one or only one, gustong mag kapamilya at gusting ilantad ang relasyon. Kahit saan man natin tingnan, sa society natin eh ang mistress or other woman eh not morally accepted. Pero lahat sila ay tao din. Bakit ba marami ang galit kapag nalaman ng mga tao na ikaw ay isang kabit, mistress, or other woman?
Sabi nga ni Ruth Purple, ‘Mistresses, yes we don't like the idea of them but they are also people whose only fault is being in love with the right person in the wrong time.”
ni athena
12 komento:
lets face the realty. may mga women fall in love sa married or commited guy. ganun talaga wala taung magagawa pag tumigil na mag isip ang utak at nabulag na ang puso. may mga gurl na madaling maniwala dahil sa sobrang inlove nila sa ganitong klaseng guy...
mahirap pero kailangan ng undrstanding pero minsan kailangan iuntog din ang mga babaeng ganito.
pero wala ka ng magagawa pag sobrang in love na ng frend mo,...
Ate , I like this. pwede ko po ba ipost to sa office? at sa page ko? mukang maraming tatamaan. ill put your link there.
Ate , I like this. pwede ko po ba ipost to sa office? at sa page ko? mukang maraming tatamaan. ill put your link there.
Hi! first time ko dito klitorika. got here through violet. Grabe nag-enjoy ako sa pagbabasa lalo na itong latest mo. Ilan ba talaga ang friends mo na other women?
More power sa yo.
onga, bakit puiro other woman na lang. wala bang other man?
Hindi nagpakilala-Hehehe Oo ganun talaga ang buhay o ang pag-ibig pero kung san ka masaya go go.
Benedict - yes of course pwede mo siyang post anywhere hehehe. TY
Hi Rhon-welcome at balik ka ha ;-)
kelangan ba tayo talag maniwala sa love if may mga taong nasasaktan na?
chang, agree ako sayo na there's always two sides in a coin talaga, bakit kaya ganun? dapat lang naman nating haharapin yung mga kinatatakotan natin sa buhay para may thrill at challenge naman kaya buhay natin, kaya ba?
ate, pwedi ka bang maidate,hehehe
Yes pwede mo akong idate kung sino ka man hehehe ala pa ko date sa valentines day eh hehe. Sana magpakilala ka muna.
At Unde- Tama ka rin dyan theres always two sides of the coin kaya hnd natin pwedeng husgahan ang mga taong kagaya nila. Ibabalik ko sayo ang tanong mo KAYA MO BA?
kakabasa ko lang nun artikulo... ayos 'to! salamat klitorika sa pag-post ng istorya ng mga kaibigan mo
reaksyon: sa'kin, hindi ganoon kaimportante ang sasabihin ng mga ususero't ususerang nakapaligid sa'tin... magagaling lang naman silang manghusga na para bang napaka-talino't perpekto nila.
mahalaga na masaya tayo, 'yun ang unang dapat isaalang-alang... hindi tayo dapat manghusga dahil hindi naman natin alam ang kabuuan ng pagkatao ng iba... importante rin na wala tayong matatapakang ibang tao, dahil lahat naman tayo ay may pantay na karapatang lumigaya...
kung ako ang nasa ganitong sitwasyon, kung hindi na masaya ang partner ko sa piling ko, at nakahanap na siya ng bagong kaparehang nakakapagpaligaya sa kanya... mainam at patas na iwanan na lamang niya ako at sumama na siya sa bagong mahal niya ( sasabihin ko talaga sa kanyang tapusin na niya ang pagpapanggap at magpakatotoo siya ^_^ )... sa ganoong paraan, hindi na ako aasa, at magkakaroon na ako ng ideyang maghanap rin ng bagong tao (o hayop, o alien) na mamahalin at tunay na magpapaligaya sa'kin ...miyaw...miyaw...miyaw!
hahahaa ang kulit! korek ka dyan ateng! muah!
Mag-post ng isang Komento