Pebrero 6, 2009

AGAW EKSENA

Gustong umeksena ng bestfriend kong si Athena kaya ito isisingit ko ang karanasan niya sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa, baka sakaling may mapulot kayong aral sa pasaway na babaeng itoh! He,he.

Sa dami na din (naks as in madami) ng experience ko going out of town at outside of the Philippines, hindi talaga maiwasan ang mag oobserve at magkumento sa mga bagay bagay sa paligid at kadalasan, maainis ka or maasar..mamili ka…

10 things I hate about Flying…

Long line for checking-in – Siyempre bago ka makasakay sa plane mo, check in muna ang first step. Hate this especially if mga nasa unahan mo ay mga taong maraming dala. Based on my experience, especially sa paglipad patungong south east asian countries. Naobserbasyon ko ito ng paglabas ko ng bansa papuntang Malaysia at papuntang Indonesia. As in madaming mga bagahe, para bang last flight na nila sa buhay ang drama ng mga taong ito. Parang buong kayamanan ay dala nila, at kulang na lang ay bahay nila..or who knows, folding house pala ito, ayus! Counted mo dito ang mga pinoy, pero walang tatalo at walang kupas ang mga Chinese at Malaysian (kasi para din silang pinoy).

Delayed flights – This is really unforgettable and unforgivable for me. If you aleady have plans ahead eh for sure sira ang scheduled mo. Kapag work related pa ang pag lipad mo eh good luck na lang talaga sayo. Maraming beses ko na itong naranasan, ewan ko ba, sadya ba talagang na experience ko ito or talaga atang malas lang ako. Eto pa ang nakakayamorot-kots-kot, gutom ka na dahil sa delayed flights eh wala kang budget pang bili ng food dahil sa sobrang ginto ang presyo ng pagkain sa aiport! Buti sana kung ang delayed flight eh tipong 30 mins lang eh, kundi 2 hours! At buti sana kung may fafa akong kasama eh di solve and 2 hours pwede pang quicky hehe..

Unfriendly Crew – Oh well, kasama ito sa package. Sa Check in counter pa lang kung minsan, based on..experience pa din, makikita mo na agad ang mga nakasimangot na crews. Siguro eh na papagod din sila sa kakalipad..hmmm. Hindi lang yun, pag nasa plane ka na, instead alalahanin ka, pagagalitan ka pa or sila pa ang irritable (ganon?), kasi kung minsan din eh may mga makukulit na passengers.

Money Changer – Ito yung pag flying out ka abroad or overseas, you need to look for money changer at the airport. Ok na sana eh, kaya lang super haba naman ng pila. 48 years! Or if not mahaba ang pila, sobrang bagal naman ang counter dahil minsan…hindi magkaintindihan sa language! Kya bago pa lang lumabas ng bansa eh mag papalit na agad ng pera.

Immigration – Hindi naman ako totally galit sa immigration eh, slight lang hehe. Sobrang higpit lang talaga, especially dito sa pinas. Actually sobrang OA na kasi as in. If it’s your turn na, titingnan ka muna, tipong kinikilala ka (kasi baka isa kang terorista) and then pag na tiyempo ka sa immigration officer na bored na sa buhay niya or power tripping, sige mag dasal ka na, isa na itong paghuhukom! Madaming tanong, at hahanapan ka pa ng pera. Argh! This is based…on experience!

Taxi at the Airport – Getting taxi at the airport really pissing me off! Mapa domestic or international. Especially pag hindi mo talaga alam ang lugar at foreign ka. Approachable naman talaga, as in pero good luck naman sa presyo! Parang limang araw na sahod ko ang bayad!

Language Barrier – This happens kung pupuntahan mo eh talagang ibang lengwahe, especially dito sa asia. May mga crew din sa plane na hirap din magsalita at hindi mo maintindihan ang English. Based on experience again! As in dumudugo ang aking tenga ko sa pagpipilit na intindihin sila. Abah, hindi ko maintindahan baka sinasabi na pala eh, mag cra- crash na yung plane...eh good luck sa akin, mamatay na lang pala kami hindi ko pa alam! English Please!!!

Passengers – Hindi naman sa sobrang bad ako noh. Pero kung minsan talaga, mga kapwa pasahero eh nakakainis din kung minsan. You know why, because magulo sila! Ewan ko ba, nag uunahan lagi pumasok at lumabas ng plane! May seat number naman at lahat makakalabas! Laging nagmamadali, parang laging may lakad! Minsan iniisip ko nga, may contest ba ito or may premyo ba sa pakikipag unahan?! Dapat maging sports din ito sa Olympics, at tiyak champion ang mga asean people!

Plane – Kung ano lang ang ayaw ko sa planse aside from being late, ang pagkain! Kasi dati may free food, pero ngayon, bibilhin mo na! Busines is business ba. At hindi lang yun, pag pasok mo sa loob, aabutin ka ng 48 years! Bago ka makarating sa assigned seat number mo. Pwede ba mag request? Sana magbaging na lang…

Having here or take away?

Third time ko sa ibang bansa pero sa Malaysia. Masaya ako as in kasi siyempre kahit ba Malaysia lang yun eh may tatak na ang passport ko! Yey!

Gabi na ng dumating ako sa Malaysia pero kinakabahan talaga ako pag tuntong palang ng plane sa airport. Bukod sa first time ko eh, mag isa lang ako. Masaya na malungkot. Ang nakakaloka pa dito, hindi lahat ng tao marunong mag salita ng English. Hindi naman ako nahirapan ng kumuha ng taxi kasi yung airport taxi na ang kinuha ko dahil ang mga drivers eh kahit papano nakakaintindi at nakakasalita ng English kahit barok. Mega hanap agad ako ng hotel at mega pahinga ako dahil, as usual, delayed ang flight ko!

Kinaumagahan, mega labas ako ng hotel to explore the place hehe.. turistang turista ang dating, wish ko lang. Mega hanap agad ako ng mabibilhan ng sim, pero good luck kasi sa chinatown pa daw at medyo malayo sa hotel. Sabi naman ng hotel personnel, walking distance lang daw. Malaysia is a muslim country din kaya hindi na ako nag tataka nang makita ko ang mga kakababaihan na nakabalot ang buong katawan. Hindi ko din ma distinguish kung pinoy, Indonesian or malay ang mga nakakasalubong ko kasi as in mag kakahawig. Parang pinoy lang din. Pero madami din ang Indians! Para silang ebs ng aso na nagkalat!

Ewan ko ba, siguro dahil sa accent ko din or sa ganda ko, (buhatin ang sariling bangko) alam ng mga tao na hindi ako taga Malaysia. Ang first impression nila eh Thai ako! Ganon? Nagutom ako sa pakikipag-usap at kakatanong sa mga tao dun dahil ang mga stores ay sarado pa. Masyado kasing excited ang gaga diba?!

Naghanap ako ng makakainan, pumunta ako sa isang eatery, pero sige good luck, nang nagsalita ako, nakatungaga lang sila, ewan ko ba kung naiintidihan nila ako or na amazed lang sila sa ganda ko! Nahirapan ako mag express! Argh! Kaya mega hanap ako ng fast food na lang. at last, nakita ko ang Mcdo! I feel at home.. haha..

Tiningnan ko ang menu, sige good luck dahil kakaiba sila sa McDo dito sa pinas! Walang may rice! Hay naku kaya ang inorder ko eh egg and muffin na lang. At ang mahiwagang tanong ng cashier sa akin nang umorder ako, “having here or take away”? Huh?! Parang humina ata ang pang dinig ko? Tama ba yung narinig ko? Hindi ba for dine in or take out or to go yun? Waaahhh! Inulit ng crew ulit, “having here or take away?”. Nasabi ko na, “For dine in”. Hindi nakasalita yung crew, sabi nya to confirm, “Having here?”. “oh yes, having here,” sabi ko na lang. Ayus, nagkaintindihan din kami!

Kaya nung nasa airport na ako ng Malaysia, umorder ako sa McDo at nag ask yung crew, “having here or take away?”..sabi ko..

“Take away!”


Walang komento: