Pebrero 9, 2009

Biglang Liko

Tibo ba ako? Hindi ko alam, I’m confused oh my gosh! Alam ko girl ako, as in girl na girl at lalaki ang gusto ko period! Pero bakit ganito biglang liko ako? Ang alam ko tuwid na tuwid ang kalyeng tinatahak ko sa buhay as in super straight at never ever akong mapapagawi sa ganitong landas.

Kaya lang ito ngayon, hindi ko alam parang mid-life crisis ba ito at the age of 28? Parang nagbabago ang mga gusto ko sa buhay, hindi ko naman pinipilit parang may sariling damdamin at utak ang puso at libido ko sa tuwing nakikita ko ang isang tibo o lesbian na kakilala ko.

Yez mga kapatid! Lesbian siya, as in kilos lalaki, gupit lalaki gwapo naman tingnan kung naging totoong lalaki lamang siya. Pero, kahit ano pa man type ko siya o crush ko siya whatever! Teka pano ko ba naman nasabing type ko nga ito, baka naman cute lang siya tingnan sa kilos at hitsura niya kaya parang amaze ako sa kanya?

Pero hindi eh, I’m sure never pa akong nagkamali pagdating sa ganito, attracted talaga sa ako sa kanya sexually… siguro dahil wala naman akong balak at hindi pumasok sa isip kong makipagrelasyon sa isang kapwa ko babae bilang isang relasyon talaga. Siguro, kung sa tingin ko eh libog lang ang nararamdaman ko sa kanya na kaagad din namang mapapawi kapag mailabas o maexpress ito.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito marami naman akong nakikita o nakilalang lesbian din pero wala akong naramdamang kakaiba sa kanila. Sa kanya lang talaga promise! Ang weird, sa tuwing nakikita ko siya eh bigla akong kinakabahan, tapos feeling ko nagbublushed ako, at ang init ng mukha ko at para akong timang na hindi alam ang gagawin kapag kaharap ko siya!Kakaloka diba?! Dahil ganito ang nararamdaman ko noon sa tuwing nakikita ko ang BF ko, o ang mga lalaking naging crush ko din.

Meron pala talagang ganito! Ano ako BISEXUAL? Dahil nga dumarating na rin sa puntong ini-imagine kong kahalikan ko o ka-sex ko ang lesbian friend ko na ito, at sa totoo lang excited ako, at kinikilig ako kapag nasa puntong nagday-dreaming akong magkasama kaming dalawa or gumagawa kami ng mga bagay na masyadong intimate.

Ang weird ng buhay. Imagine, kahit anong pilit kong ituwid ang mga bagay na naayon sa ”normal” hindi talaga eh, mahirap kontrolin ang damdamin kahit na ang utak.

Para bang sinasabing timang tayong lahat na pinipilit na bigyan ng limitasyon at batas ang pakikipagsapalaran natin dito sa mundo bilang “social animals”, bakit hindi nalang tayo mabuhay bilang isang nilalang? Mas madali diba? Mas madaling tangapin at yakapin ang mga bagay na nagtutulak sa ating gawin kong anong dinidikta ng mga puso natin o damdamin, kesa sa mga bagay ng pilit isinisiksik sa atin ng nakalakhan nating lipunan.

Katulad ko, alam kong hindi naman mali at hindi rin naman masama kong magkagusto nga ako sa kapwa ko babae. So what? Eh sa iyun ang naramdaman ko eh. Kaso pwede ko bang sabihin sa nanay ko yun? Sa mga kakilala ko? Sa BF ko? Sa Anak ko? Malamang hindi…

Hindi pa sa ngayon, pero susubukan kong tuklasin ang bagong hamon na ito ng buhay sa akin bilang isang babae. Excited ako, natutuwang natatakot din sa mga bagay na maaring mangyari kapag nagpatuloy ang nararamdaman kong ito. Pero matapang ako, gusto kong harapin ang buhay nang walang takot minsan ko lang naman mararanasan ito kung sakali kaya’t susulitin ko na.

Kung feel ko ang kapwa ko babae, bakit hindi? Hindi naman ibig sabihin nito eh ayoko na ng lalaki. Lalaki pa rin ang gusto ko… at babae na rin siguro? Ewan ko, kasi nga ngayon ko lang naramdaman ito, hindi naman ibig sabihin na kapag crush ko itong lesbian friend ko eh magkakagusto na ako sa lahat ng tibong makakakasalubong ko sa daan, nakikinig at sumusunod lang naman ako sa mga nararamdaman ko bilang tao.

Masaya pala, at minsan nakakalitong magpakatotoo.


"Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn't do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover"


4 (na) komento:

Violet Manila ayon kay ...

^_^ sana maging masaya ang paglalakbay mo Klitorika... aabangan ko rin ang bagong mga mangyayari at madidiskubri mo

hector_olympus ayon kay ...

"Masaya pala, at minsan nakakalitong magpakatotoo."

it pays to be true.

pero ano nga ang mas mabuting gawin kundi ang magpakatotoo.

unde ayon kay ...

masaya yan, ate, mahaba kaya ang foreplay dyan no...so mas masarap...d ba?

Randy P. Valiente ayon kay ...

hooooyyyyy!!!!