Pebrero 5, 2008

Restricted!



Sinubukan kong tingnan kung ano ang rating ng blog sa site na ito, Oooopppss sorry hindi po ako naloka sa pagkabigla! Inaasahan ko na po ang bagay na ito, kaya daw Restricted ang rate dahil daw sa mga salitang lumabas na SEX, SUCK at ORGASM?!

Ganun? daig pa ang MTRCB ng Pilipinas naman sa pagbibigay ng rating! Buti nalang walang kasamang gunting na biglang gugupitin ang mga pahina ng blog na may mga ganitong malalaswa? hindi ah... mga totoong salita! Teka, magkaliwanagan nga tayo...ano bang masama sa salitang sex? kailangan ba eh palitan ko ito ng "making out", "Nag-Do", "Tsuk tsak" o kung ano pa mang mga salitang bigla bigla natin naiimbento para lang hindi natin mabangit ang salitang sex, pero sa katotohanan eh alam naman nating sex pa rin ang ibig sabihin?!

Sa salitang suck? ay masyado naman kasing sosyal bakit hindi nalang higop o sipsip ang nilagay! sino ba nagpost nun? Eh kung yun sana baka hindi pa naintindihan ng program na automatic at walang pakundangan kung magbigay ng rating! At sa salitang Orgasm? Teka ano ba masama sa salitang orgasm?! Paki-explain nga!

Dapat daw eh yung edad 17 pababa ay kailangan ng agapay ng mga magulang bago nila basahin ang blog kong ito. Sige na nga payag na ako at napilitan na rin akong ilagay sa template ko ang restricted rating na ito ( dahil wais ako at mana kay Lumen, ayan sa dulo ko po siya nilagay.) Ibig sabihin tapos na munang basahin ng mga batang nasa edad 2 hangang 17 ang blog ko bago niya malalamang restricted pala sa kanya ang pagbubukas ng page na ito.

Pero mga bata, huwag makulit bago nyo po buksan ang page ni Klitorika tawagin nyo muna si nanay o si tatay hane? at magtanong sa kanila tungkol sa mga salitang sex, suck at orgasm! Im sure kung hindi madadagdagan ang inyong kaalaman malamang madadagdagan ang mga pasa nyo sa katawan.

He,he biro lang...pero i doubt makita lang ni nanay ang page na ito eh baka bukas ipatangal nya na ang DSL nyo kaya kung ako sa inyo bumisita kayo ng palihim. Ooops! joke! sa totoo lang wala akong maibigay na matinong suggestion kaya bahala kayo sa buhay nyo.

11 komento:

peter ayon kay ...

well syempre na una ako mag comment! ahihihi...about restriction bawal sa mga bata ang blog mo dahil may mga word na mahirap i expalin sa mga bata ma paparaning nga nmn si nanay kaka explain sa mga kids about this or that..or about sex... well ano nga ba ang sex?
sex is about 30 minutes.. ahihi..nako mukhang magiging avid reader pa ako ng blog na e2..

Alonzomyces gabriellieceae ayon kay ...

hindi ko alam kung anong masama sa salitang orgasm... ang alam ko lang, masarap yun... hahaha

KLITORIKA ayon kay ...

Peter! - kaw ha bad ka!

Sir Gab! - Hmmm Oo nga pareho tayo hindi ko rin alam kung ano ang masama sa salitang orgasm ang alam ko lang eh talagang masarap nga yun! ;-) he,he

linglingbells ayon kay ...

hindi talaga makaturangan ang ratings na yan! oo nga, tama ka jan, walang masama sa salitang sex, orgasm at suck!

Randy P. Valiente ayon kay ...

whoooo!!!! bastos naman talaga ang blog na ito. saka bawal talaga ito sa bata, di ko nga alam kung bakit ako pinapayagan dito :)

KLITORIKA ayon kay ...

hooy Randy! Kapal mo noh! kung sa tingin mo eh bata ka! ano nalang ako sanggol? Kaloka toh!

atreaju ayon kay ...

hindi nag masamna ang salitang "suck" "sex" and "orgasm" kung hindi galing sa'yo kaso ikaw ang nagsulat kaya malaswa.

tapsiboy ayon kay ...

Masyadong "protected" ang mga bata abroad, kaya ganyan. (pero kung titignan natin, mas marami sa kanila ang mga pedo, at mas marami sa kanila ang member o may ari ng mga porn sites.

Pero wala naman talaga masama dyan sa mga salitang yan, if you asked me. :)

Holy Kamote ayon kay ...

17 below, kelangan pa ng peyrents consent? langya. may mtrcb ba dito sa blogosperyo?

cge, cge. salamat sa payo para hindi ako mawalan ng internet. n_n

KLITORIKA ayon kay ...

Atreaju - pasaway ganun? as in? pigilan nyo ako grrrrrr.....

Tapsiboy - taray naman ano yan tapa sinangag at baboy? he,he

Kamote - Oo teka ilang taon ka na ba?

athena ayon kay ...

kaloka talaga, ok naman ang sex ah, kesa naman sa kantot diba?? ano beh to?!