Pebrero 5, 2008

Nalilito

Hindi ko naman gustong kumanta ng sana dalawa ang puso ko, dahil hindi naman kailangan, hindi ko rin naman pwedeng kantahin ang bakit ngayon ka lang? Dahil ayoko rin naman ng ganung klaseng tanong. Nalilito lang talaga ako at gusto ko ng konting liwanag sa buhay, hindi naman yung tipong nalilito kung sino pipiliin ko katulad ng kantang si lorna o si fe? Hindi mga ganung level!

Ito lang ang tanong … saan kaya pwedeng ilagay ang relasyong magkaibigan na syempre may kasamang sex paminsan-minsan (kapag may pagkakataon o kung feel nyo). Kapag mga ganung level ba ng relasyon eh ibig sabihin ba noon may commitment na kayo sa isat-isa? Pero hindi nyo naman pinag-uusapan? Saan mo ilalagay ang sarili mo kung yung karelasyon mo kung relasyon mang matatawag ang ganung arrangement eh kasama ang legal GF o wife niya? Magpapangap ka pa rin bang nice friend lang with matching pa-effect na natutuwa ka sa ka-sweetan nilang dalawa pero deep inside eh gusto mo nang sabunutan at kaladkarin ang babae?

Eh sa mga pagkakataong magkasama kayo o magkatabi sa sasakyan, tapos bigla ka nalang nagkaroon ng urge na hawakan ang kamay ng kaibigan mo na ito, o akbayan siya o humilig sa balikat niya eh pwede mo bang gawin iyun? Hindi ba nakakahiya at mag-aalala kang baka isipin niyang masyado ka namang nagpapa-sweet at feeling syota ka bigla? Eh paano kung may makakita sa inyo? Gawain ba ng tamang magkaibigan lang ang mga ganung level ng ka-sweetan sa isat-isa?

Pero kung magkasama naman kayo at kayong dalawa lang eh hinahayaan mong halikan ka niya o mas higit pa roon? Kapag ganun ba may karapatan ka nang magselos sa mga babaeng balak niya pang pormahan? O may karapatan ka na bang mag demand ng oras at atensyon niya? Pwede ka na bang magbitaw ng mga salitang “hmp hudas ka lagot ka sa akin kapag nahuli kitang may kasamang iba?” Mga ganung level ng katarayan! Pwede ba yun?

Eh, sa side kaya ng lalaki nararamdaman niya kaya ang mga ganun? O talagang sex lang ito wala nang iba? Parang “hmp aarte ka pa eh gusto mo naman” mga ganung dialogue siguro ang naglalaro sa utak niya, sa palagay nyo ganun lang kaya yun o may mga dilemma rin syang katulad nito?

Nakakalito … siguro in short ito talaga ang tinatawag nilang friends with benefits ganun lang! At ang mga ganitong uri ng relasyon ay hindi na kailangan pang pag-usapan, wala lang tipong HINDI ITO IMPORTANTE at hindi nito ma-aapektuhan ang ekonomiya ng bansa at hindi pagsisimulan ng giyera kaya dapat nang deadmahin at ibaon sa limot!?

Nalilito lang talaga ako minsan kaya ako ay nagtatanong… magsindi ka nga ng kandila para maliwanagan ako! Salamat!

6 (na) komento:

Robert ayon kay ...

Friends with Benefits? Hmmmmmm! Sa ugali ng Pinoy na natural ang pagiging seloso, I don't think uubra. Komento lang po! Good am!

May mga pagkakataon nga na kapag may sinamahang iba ang friend mo parang gusto mo nang magselos. Ano pa kung may "benefits" na kasama? Sa Kulturang Pinoy, palagay ko mahirap!

Puwera na lang siguro kung ang magiging turingan ninyo ay "sex mates", baka sakaling maiwasan ang selosan. Anytime kasing magkaroon ng "sex" ang friendship, emotion for sure will come in.

And that's when trouble will seep in!

KLITORIKA ayon kay ...

Oo nga kaya nga may dilemma kasi sa kultura ng pinoy ganun talaga dapat. Eh kaso, pano kung ikaw yung tipong gusto mo to kasi gusto mo pero alam mo hangang dyan ka lang...pwede kayang lumagpas ako sa limitasyong binigay ko sa sarili ko?
Parang hindi naman tama diba?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

well dahil cguro sa mag isa ka lang dyen at malayo kaw sa special sumone mo kaya ganun. gusto mo tarayan ung friend mo kasi medyo d na tama ang ginagawa... pero sabi nga nila masarap ang bawal.. bakit bawal ay masarap?..ay naku sindihan na yan ng mataohan ka nmn.. una ginagawa kang passtime,2nd baka may sarili na rin syang sched para sayu. at higit sa lahat may anak ka na at asawa na nag mamahal sayo..at sya friend mo lang na na huli ung weakness mo at he just take it for granted parang ganun kaya hagangat pede pa ikaw mag sabi ng ''NO'' ay sabihin mo na para at least may pag GALANG naman sya sayu..''NO..my period akow... hehehe!!

William Buenafe ayon kay ...

No, may period. Eh di sasabihin lang noon eh sige pagka tapos na ng period mo, Bwhahaha back to square 1 ka ulit regarding pagkalito mo.:-)

Agree ako kay Robert, dapat mamili ka lang sa dalawa, its either just for the sex of it hahahahaha or with intimacy na like friendship.

Mas magiging malinaw kasi kung lalagyan mo ng demarkation line ang bawat pakikisalamuha mo sa mga tao. Specifically identified ang bawat relasyon, ika nga. Mayroong sex with relationship (like yung sa iyo at iyong live in partner), at mayroong sex lang (kontakin kita if i wanted it and if ur available [vice versa ang arrangements], walang obligation whatever), at meron friends lang talaga - NO SEX, meron ding kakilala lang (no sweetness of friendship at of course definitely NO SEX) HAHAHAHAHAHA

By these eh magiging maliwanag ang lahat ng klase ng set up for all involve. Oh di ba, di nakalilito.

But then again this are all easier said than done, HAHAHAHAHAHA
Kasi kung ang friend ko eh talagang tindi ng sex appeal eh sori na lang at malilimutin ako sa mga setup rules and regulation, LOL
Kaya come and i will make sure that after im done with you my friend eh youll be coming back for more, BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

KLITORIKA ayon kay ...

ay, hindi ka naman naghahamon niyan William? he,he. Nakakalito talaga lalo na kapag ikaw ang girl.

ako si kate ayon kay ...

hay, naku.. proximity? magdasal ka. humingi ka ng discernment from above. bwahahahaa!!!