Pebrero 7, 2008

Award?!

Mga kapatid! award! award! nanaman?! Teka mukhang minumulto ata ako dito sa mundo ng bloggespher kahapon lang may natangap akong award... at yun naman ay talagang kapanipaniwala at malugod kong tinangap dahil alam kong ako ay nararapat na makatangap ng award na iyun, hindi ko alam kung kanino nanggaling pero agad kong dinakma este tinangap. trrrraarararannn....

THE SEXY BLOGGER AWARD! excited kong ipinost sa gilid ng template ko ayan...ayan sa kanan...Oo yung may heart! Oo yan nga! Diba? alam ko namang deserving ako dyan diba? hmmmm O, kahit sipatin mo pa! O tatalikod pa ako at rarampa sa harapan mo obvious diba? diba?

At kaya naman nagulat nanaman ako dahil pagbukas ko ng email ko may natangap nanaman akong bagong award?! Nanaman! ano ito lokohan? Naku, parang nagdadalawang isip na tuloy ako dun sa unang award parang may nag trip lang ata ah? Ano sa palagay nyo dito pa naman nangaling ang award sa just say hi

at ito ang award kaya parang nakakapag-duda na tuloy:

The Educational Blogger Award

Sa palagay nyo...nararapat kaya itong award na ito sa blog ko? May mga natutunan nga ba kayo sa madalas o sa minsan na pagkaligaw ninyo sa page na ito? Anyways ipopost ko na rin at ilalagay sa gilid ng template, kung sino mang multo o adik ang nagpadala maraming salamat po.

3 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

sa gay lingo, award means....semplang ka ateng! hahahahah
tanong mo kay aleksi :)

William Buenafe ayon kay ...

Just remember this friend, na kapag pinapansin ka - kahit sa anumang lingo pa - it just simply means na your something worth the attention.

Kaya ipagpatuloy mo - i told you once - i will tell you again - SISIKAT KA - kasi your a natural at very talented in the arts of humanity.

Keep going and let no one distract you by telling you otherwise.

I will be your number 1 fan.
William :-))

KLITORIKA ayon kay ...

you touched me! hehehee joke na touch naman ako dun. Thanks kuya!