Pebrero 4, 2008

Usapang Lasing

May hinahabol akong report uunahin ko pa naman ba yun kaysa sa tinatawag nating ka-L___ (lokohan po) aba’y hind! Naloka lang naman akong bigla, paano ba namang hindi? Eh bago kumain ng hapunan syempre gutom na gutom pa tumira ako ng isang basong red horse! Kailangan ko po sa buhay, nagkaroon po kasi ako ng panata na sa simula ngayong linggong ito ay iinom na ako ng isang basong red horse bago maghapunan, bilang pakikiisa ko ito sa mga mangagawa sa mga factory at pagawaan ng mga alak! Mabuhay ang mangagawa!

Teka bago nyo ako seryosohin, it was a joke! Ang totoo kasi po biglang out of the sudden parang talagang kagulat-gulat diba?! Bigla po akong dinadalaw ng aking bisitang buwanan kung dumalaw. He,he Oo hindi na po ako buntis, huwag nyo na po itanong kung paano nangyari at baka dumagsa ang mga alagad ng batas sa bahay. Pero kapalit naman nito ang pag-inom ko ng alak habang gutom para lumakas ang menstruation ko. Teka hindi pa naman madugong usapan ito ano po?

Isang payong nakuha at namana ko sa sa aking mga kaibigan, the best daw ang alak o anumang inuming nakakalasing sa mga babaeng may dalaw. Kaya katulad ng dapat asahan, ito mukhang tinamaan ata ako ng isang basong red horse na gawa pa po ng San Miguel (may kasamang advertisement!) malakas ang sipa!

Kaya habang kumakain kami ng partner ko biglang sabi niya teka bakit parang biglang nag-evolve ka agad huh? Ang layo kaagad ng deminsyon mo kakaiba ka bigla ngayon! Nagkakatawanan tuloy kami dahil sa ito nga lasing na pala ako at kung anu-ano na ang nasabi ko sa kanya. Sobrang kulit ko, kaya pati siya ay biglang nahawa sa kakulitan ko, hindi na nga namin alam kung paano natapos ang pagkain namin, sa gitna ng tawanan at kulitan.

Ang weird ng feeling… ha,ha sarap minsan magpakalasing… para kasing kapag lasing ka may “K” kang mangulit at gawin ang mga bagay na minsan eh hindi mo magawa kapag nasa katinuan ka, iyung parang mas malakas ang trip mong mag trip at kung sino man ang mapagtripan mo wala silang magagawa kundi ang magkibit balikat o sapakin ka nalang bigla.

Hmmm… ano kaya o sino kaya ang pwedeng mapag-tripan ngayon?!

7 komento:

Alonzomyces gabrielliceae ayon kay ...

sabi ng nanay ko, pop cola daw! hahaha as if nagreregla ako...

Randy P. Valiente ayon kay ...

pagtripan mo ko dali!!!!!!

KLITORIKA ayon kay ...

Sir Gab- He,he bakit naman pop? sana coke nalang hehehe.

Randy - Masochist ka ba ha? Iba kasi trip eh hehehe.

-barefoot alchemist- ayon kay ...

sabi nga nila pag redhrse, dli k tamaan dhil sipa ng kabayo. hehehe...

pero napagtanto ko na ang mga alak at mga sopdrenks ay nakakapagpalakas nga ng buwanang dalaw... hehehe

BURAOT ayon kay ...

tol, bukod sa boykot ako ng san miguel ngayon, di rin yan ganun katindi pagdating sa pamparegla. ayan vulgarized na. wahahaha!

ang tirahin mo yung vino kulafu. yun. kopong kopong pa yun tinutungga na yun ng lola ko. para sa ganung dahilan. kung wala ka na makita na kulafu, kahit anong shoktong pede na yun.

kaya naman yung lola ko, healthy. isang century na me sex drive pa.

wala yun sa lolo ko!

KLITORIKA ayon kay ...

Hahaha ayos din ang lola nitong si Buraot mana sa apo he,he.

Oo nga kaya nag-ikot ako sa carbon para bumili ng 7-7 at Vino kulafu nga daw ang dapat na ilagay dun sa boteng may mga halamang ugat, effective daw? Masubukan nga mamya...kaya baka sa mga antique shop pa ko makabili ng Vino kulafu.

William Buenafe ayon kay ...

kaya sa susunod eh kung alanganin eh huwag mag stay sa loob ng lungga. Pag malapit na eh labas agad, para di napapagod maghanap ng kung ano anong kulafu sa carbon para inumin.

PEACE TAYO, PEACE :-))