Enero 1, 2008

2008 Another Challenge

"Our species must learn to share and Co-operate or it will not survive. The refusal to partcipate in the debilitating drama of the dominator marriage model is an act of political courage, a civil disobedience" - The politics of polly love : by james heddle

.....................................................................................

Umuulan, malamig at parang musika sa aking pandinig ang mga patak ng ulan habang bumubuhos sa bubong ng bahay namin dito sa Samar. Nandito ulit kami ng partner ko at ng mga anak namin, dito kasi kami magcecelebrate ng bagong taon.

Ang sarap ng pakiramdam ng ganito, nasa lugar na kinalakhan mo, kasama ang mga taong malapit sa puso mo. Feeling romantic ako ngayon, dagdagan pa ng malamig na simoy ng hanging probinsya na dumadampi sa katawan ko. Gusto ko ang ulan, lalo na tuwing gabi habang nasa higaan ako , katulad ngayon... ginanahan akong magsulat,habang payapang natutulog sa tabi ko ang lalaking pinakamamahal ko, ang ama ng dalawa kong anak.

Ewan kung nagdadrama ako, pero emo ata ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako, habang pinagmamasdan ang bawat bahagi ng mukha ng partner ko. Gustong-gusto ko siyang titigan habang natutulog katulad ngayon. Super in-love kasi ako sa kanya, simula pa noong una kaming nagkita, at alam kong aware ang partner ko sa katotohanang iyun.

Pakiramdam ko kasi, isa siya sa mga anak ko.Gustong-gusto ko siyang ituring na parang bata, ganun kami maglambingan, at super sweet pa rin kami hangang ngayon. Marami nga ang nagsasabi na ang kulit daw naming dalawa para lang kaming magkabarkada. At natatakot akong magkahiwalay kami, at alam kong iyun din ang malaking ikinatatakot niya. Pero alam kong hinding hindi mangyayari ang ganun, dahil unang-una hindi namin papayagan na dumating ang pagkakataong iyun, at alam ko sa dami ng mga pagsubok na hinarap namin sa loob ng pitong taon, wala na atang tatalo sa tibay ng pagsasama namin. Alam naming pareho kaming matapang at malawak ang pang-unawa at higit sa lahat mahal namin ang isat-isa lalo na ang aming mga anak.

Kahit ganito kami, medyo magulo at pasaway ang pagsasama ayun sa akala ng marami, dahil sa kung anu-anong kalokohan namin sa buhay bilang mag-asawa, na hindi naiintindihan ng mga tipikal na mga nagsasama o mga tao sa paligid namin. Alam naming mahirap ang maging totoo, pero mas mahirap ang magpigil ng mga saloobin at damdamin. Mahirap ang minsan eh malaman mong ang taong pinakamamahal mo ay nagmahal din ng iba, pero alam naming ang pag-ibig ay ibinabahagi at hindi itinatali.

Sa darating na bagong taon-2008 alam naming may bagong hamon kaming susuungin bilang mag-asawa. Magwawalong taon na kaming nagsasama, pero katulad ng mga naunang taon, sisikapin naming mas unawain ang isat-isa, patuloy kaming magpaparaya sa bawat silakbo at naisin ng aming katawan o damdamin. Dahil sa ganitong paraan alam naming mas titibay ang aming pagsasama. Hindi madali, pero alam naming mas mahirap kung pipilitin naming maging normal at tipikal na mag-asawa, puno ng pagpapagngap at kasinungalingan na madalas ay nauuwi sa magulong pagsasama at hiwalayan, sana hindi kami humantong sa ganito.

Ayon nga sa isang nabasa ko:

THERE CAN BE NO SUCH THING AS "UNFREE" LOVE. LOVE IS ALWAYS FREE AND EVERYTHING ELSE IS A MISUNDERSTANDING".

3 komento:

Aleksi ayon kay ...

ang kukyut naman nung DALAWANG!!! babies..

Unknown ayon kay ...

mana sa pinagmanahan he,he buti hindi sa akin hahaha joke!

William Buenafe ayon kay ...

Cheers sa inyong matibay na samahan. :-)