Disyembre 27, 2007

Hagardness Ever!

December 23, alas nueve ang usapan namin ng mga kasama ko pauwi ng samar, dahil may nakuha na akong ticket ng 48th years na biyahe ng barko papuntang ormoc (fully book kasi ang fastcraft at weesam) kaya magtyatiyaga ako sa limang oras na biyahe papuntang Ormoc.

Sinundo ako ng mga kasama ko na papunta rin ng Tacloban ng alas diyes para daw maaga kami makarating sa terminal, halos ilang minuto lang nasa pier na kami. As usual puno at siksikan sa pier agawan ang mga pasahero maraming nakapila sa mga ticket booth ng kung anu-anong shipping lines. He,he swerte namin dahil may ticket na kami kaya diretso na kami sa waiting area. Maya-maya dumating ang shuttle bus na maghahatid sa amin sa barko, effort dahil manual ang kanilang inspection as in bubuksan isa-isa ang bag at kakalkalin ang mga laman nito, kaya naloka ako dahil nakita ng inspector laman ng bag ko na puro pirated DVD he,he.

Nakarating naman ng barko, naka schedule na umalis ng alas onse, pero dahil sa pinoy tayo kaya ayun umalis ng ala-una na ata yun. Limang oras ng nakaka-inip na biyahe sa barko, dumating ng Ormoc ng mga alas sais. Agawan at siksikan ulit sa bus o van na sasakyan ung mega laki kung bag pinabayaran pa sa akin ng pamasahe dahil agaw espasyo daw! Tama ba yun? Naku kung hindi sana pasko at nagmamadali baka magwala ako. Kaya, pinili ng lola mo ang magbehave at hindi magmaganda.

After two years este hours Tacloban City na! Yehey wish ko lang may masakyan akong papuntang Samar, medyo limang oras na biyahe pa kasi mula Tacloban papunta sa amin, kaya gudluk. Pagdating ng Tacloban diretso muna kami sa haws ng kasama ko, nakikain ng dinner dahil feeling ko mag-cocollapse na ako sa gutom! Sarap ng dinner sariwang isda na tinola solve na solve lola mo! Syempre dahil naghahabol ako ng biyahe, hindi ko na pina-iral ang mga tradisyon matapos kumain tayo agad at nag-paalam sa may-ari ng bahay, (kapal ng mukha ko noh?)


Nagpahatid pa ako papuntang terminal (tinodo ko na kapal ng mukha ko) pagdating dun sa awa ng Diyos wala ng Van, bus na lang daw ang pwede kong sakyan at naka-schedule na umalis ng alas diyes daw ng gabi. Alas diyes na, tinanong ko si manong driver kung aalis na at mega antok na ako, ang sabi ng driver alas dose daw ang alis, fayn sige antay ang lola mo kahit halos maupos na sa boredom. Alas dose, manong driver anong oras po tayo aalis? (antok na talaga ako hindi naman ako makatulog dahil nangangawit na likod ko.) sagot ng driver baka ala-una na daw, Huh? Ganun? Dahil wala naming choice nag-antay ulit ako.

Yehey! ala-una na, sana umalis na ang hinayupak na bus na ito mag-lilimang oras na akong naka-upo at nilalamok sa loob ng bus na hindi aircon. Manong driver! Aalis na po ba tayo? Deadma si Manong driver dahil naghihilik na pala pati tumbong niya! So, dahil expected ko na hindi naman aalis ang bus nanahimik nalang ako, nagpilit na magbasa ng dala kong libro UNDERSTANDING MEDIA ni MARSHAL MCLUHAN na hiram ko sa isang kaibigan, hindi ko naman maintindihan binabasa ko dahil buraot na ako.

Pagdating ng alas dos, saka lamang naisipan ng driver na driver pala siya ng isang pampasaherong bus at may mga pasaherong nakasakay at nag-aantay na lumarga ang bus niya! Sa wakas umadar din ang hinayupak na bus, dahil papuntang Samar hinanda ko na rin ang sarili kong makunan (he,he) dahil sa butas-butas at sira-sirang kalsada, na ewan ko kung anong sumpa meron ang lugar namin na haggang ngayon eh hindi pa maayos-ayos .

Madaling araw kaloka si manong driver tama bang patugtugin sa bus ang tape ng porkchop? Kaya ayun sa awa ng diyos talagang hindi ako nakatulog. Effort ha, pero in fairness natawa naman ako sa kalokohan ng dalawa.

Sa kabuuan umabot sa kalahating araw ang biyahe ko papuntang samar dahil alas otso ng umaga na ako nakarating sa amin! Hagardness to the maximum level ako! Kakaloka, pagdating ng pasko gabi naghihilik ako sa higaan pasaway!

Kinabukasan naman December 25, biyahe ulit ako pabalik ng Cebu, teka tama ba itong ginagawa ko? Hindi ko malaman kung bakasyon o parusa ito eh?! Ang hirap ng nadedestino sa malayo talagang gastos sa pamasahe at effort sa biyahe. Gudluk naman ulit sa akin sa darating na biyernes dahil pabalik nanaman ako ng Samar para sa New year at syempre January 1 din ang balik ko ng Cebu. Ito ang tinatawag na ultra-magnetic-hagardness-to the- maximum-level! Sakay pa kayong lahat!

8 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

malapit ko nang maranasan yan ateng. nami-miss ko na ang buhay palaboy hehehehe. kaya pagkagaling ko dyan sa cebu, dretso ako ng tacloban...then, hindi ko pa alam kung saan hahaha. bahala na kung saan mapadpad

Zang ayon kay ...

ey, i've something for you at http://myconsolingasylum.blogspot.com/2007/12/ways-to-make-you-smile-this-new-year.html

shella ayon kay ...

Tacloban? Cebu lang paalam mo sa akin ha?

Janet, alagaan mo si Randy pagdating dyan.

jessie ayon kay ...

klit, tlgang yan ang hirap magbyahe lalo pag pag long distance, tapos eh maingay. pagod na katawan mo, pgod pa isip mo.

too beautiful to quit ayon kay ...

hay naku shella..lagyan mo ng GPS yang asawa mo alam mo namang mana din sa janet yan!

KLITORIKA ayon kay ...

ha,ha naku walanghiya tong Randy nato hindi sinabi sa asawa nya na may balak pa siyang dumiretso ng Iloilo at mindanao? Tama lagyan mo ng GPS yan he,he

shella ayon kay ...

he he...

yung high cost differential carrier gagamitin ko dyan, yung may 1mm to 1 cm accuracy.

Miss na daw nya kayo eh...

Please lang wag nyo dalhin LU dyan...

William Buenafe ayon kay ...

Elibs ako sa power mo friend.

Kung ako yon kahit adobo pa
ang patugtugin ni Manong eh
hihilikan ko pa rin dahil sa
pagod, Bwahahahahaha.

Well, the important thing naman
eh yung end ng hardships mo eh
happy times with your family in
Samar. :-))