Nobyembre 6, 2007

Huwag titingnan...please....(kumustahan part 2)



(Ooooppss... huwag na huwag kayong magkakamaling suriin ang larawan at hanapin ako dyan! Nasa itaas ako ng puno sa kanang bahagi kaya hindi nyo ako makikita.)

Nakita ko ito sa friendster account ng isa kong kaklase noong high school ako, imagine 12 years ago! Kung makikita nyo man ako dyan, ewan ko pero hindi nanaman ako uhugin ng mga panahong iyan, huling taon sa highschool, medyo natuto na rin akong mag-ayos ng sarili at magpacute ng kaunti para naman mapansin ng crush ko! (he,he)

Bibigyan ko ng pabuya ang makapagtuturo kung nasaan ako sa larawang iyan hehehee joke! Kulit noh? Noong makita ko ang larawang yan sa mga larawan ng kaklase ko sa friendster account niya hindi ko alam kung gusto ko siyang murahin o halikan, natuwang nainis ako dahil naku naman kailangan pa talagang idisplay yan? Pero ok na rin kasi ang kopya ko ng larawang ito ay hindi ko na mahagilap sa sobrang dami na rin ng bahay at lugar na nilipatan ko (nomadic po ako).

High School Class Picture namin! nasaan na kaya ang mga hinayupak kong kaklase noon?! Kumusta sa inyo at patawad dahil ni minsan hindi man lamang ako nakadalo sa mga reunion natin, nagkataon kasing lagi akong nasa ibang lupalop at hndi sa Manila sa mga pagkakataong iyun. Babawi ako sa mga susunod at huwag kayong magsasawang kontakin ako kahit alam nyo naman na mahirap akong hagilapin.

Miss ko na kayo....

3 komento:

William Buenafe ayon kay ...

No need for you to tell me not to look dahil gusto ko man eh itong cute na cute (sarap dagukan, hehehe) naming mga IT eh ini X na naman ang pic.

But anyway, miss ko rin school days ko like you. Especially high school dahil dito yung umpisa ng pagkamulat ko sa makatotohanan enkwentro sa buhay sekswalidad (which added up spice to all my life experiences, Hihihi)

Baka may time ka eh padala mo sa yahoo ko pic so i can join sa contest. Ano ba ang give mong pabuya if ever maituro ko kung saan ka sa pic? just asking lang naman, actually nakabase sa pabuya ang level of effort ng paghahanap ko, siyempre noh, in this world - nothing is for free - Hahaha

Randy P. Valiente ayon kay ...

sariwa ka pa dyan sa pic a hehehe. parang walang kamuwang-muwang sa kalaswaan ng buhay bwahahaha

William Buenafe ayon kay ...

Bakit bilasa naman ngayon si Janet? Bwahahahahahahahhaaha

Nagtatanong lang naman ? :-))