Nobyembre 5, 2007

Kumustahan...



Sa unang pagkakataon na ka-chat ko (conference sa ym) ang tatlo kong kaklase noong college ako. Minsan lang mangyari ang magkita-kita kami online yung saba-sabay, kaya naman natuwa talaga ako sa pakikipaghuntahan sa mga dating kaklase.

Seven years ago,makikita nyo kaming naka-uniforme, may dalang bag at pakalat-kalat tuwing break time or uwian sa Sta. Cruz Street, kung saan naroon ang aming eskwelahan. Nakakatuwa, dati ang pinag-uusapan namin kung hindi thesis or reports ay mga relasyon at karelasyon naman ng mga kaklase namin.

Ngayon, ayan na kami may mga anak na, proud na parang ipinapakita ang mga trophy na nakuha namin sa pag-aasawa. Yan ang kuha sa web cam ng anak ng dalawa kong kaklase noon si Ruth (crush ko hehe) at ang best buddy kong si Mac. At syempre iba na ngayon ang pinag-uusapan, ang bida ay ang mga anak na namin at ang mga kakulitan nila.

Bilis ng takbo ng panahon ano? Pero ako hindi ko pa naman feel na tumatanda na ako, pakiramdam ko nga kung ano ako seven years ago ganun pa rin kahit ang partner ko, parang totoy pa rin kung titingnan nyo, akala nga ng marami magnobyo lang kami at wala pang anak. :)

sarap magkumustahan, at nakakatuwang balikan ang mga kakulitan during college days, yung mga dati kong kaklase ganun pa rin kung balahura at makulit noon katulad ni Anna, ayun ganun pa rin sya (ha,ha)sobrang kulit pa rin. Parang feeling ko nga kahapon lang kami nagkahiwa-hiwalay.

Miss ko na sila...sana mag-reunion naman kami...