Nobyembre 8, 2007

balut! Penoy! Buko Juice at... ano ito?







Kanina naisipan naming dumaan sa Carbon ng partner ko matapos mangaling sa Capitol ng Cebu. Dahil, nakaramdam ng pagkalam ng sikmura, nakakagutom ang paglalakad sa (Carbon) parang Divisoria kung nasa Manila ka naman. At syempre dahil nasa carbon nga, makikita mong nakakalat dito ang mga street vendors ng kung anu-anong pagkain na pwedeng pamatid gutom.

Una naming tinira ang balut at penoy, nakadalawa ako partner ko naman nakalima, tindi niya! Syempre kailangan may panulak kaya't bili rin kami ng buko juice na tig-limang piso isang supot he,he sabi nga nila pag gutom bahala na.

Agaw pansin naman sa akin ang isang vendor din na pinagkakaguluhan ng mga tao ang benebenta niya mga lamang dagat? ewan hindi ko alam tawag pero maliliit na shell ito (hindi kabibe or talaba ito) na pinakuluan, may tig 25 pesos isang shell, may sampu at may limang piso. Sinubukan ko yung tig limang piso, ang ginawa ni manong pinukpok ung maliit na shell at sinungkit ang laman sa loob nito, inilagay sa plastik sinabawan ng suka at ibinigay sa akin. So limang piso itong kapirangot na laman na ito? Hindi ko alam pero natatakam ako kayat mabilis ko na rin itong nilantakan. Wow! sarap! maanghang na parang talaba ang lasa pero mas malaman siya sarap gawing pulutan!

Naingit naman ang partner ko at napabili pa ng dalawa, bukod dun sa susungkitin sa loob ng shell meron namang nakalagay na sa barbecue stick na isasawsaw sa sukang maanghang (siguro ito yung laman ng mas malalaking shell, na hiniwa ni manong.)

Solve na solve! at napawi ang gutom ko... saka ko naman nalaman na aphrodisiac daw yung kinain namin! Ganun? Kaya pala parang....

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

OK,sunod mong ikwento eh kung ano effect nung mga pinagkakain nyo,
:-))

Dahil if the effects suites my desire then i'll make sure na paguwi ko sa summer eh manginain (parang matsing na nanginginain sa ibabaw ng puno ang dating noh, LOL)
din ako ng mga kinain nyo, if wala sa Manila eh I'll fly to Cebu and drive to Carbon to make sure i have some, Bwahahahahaha.

That is if the effect is what iam thinking as the next scene that happened after you've eaten, Hehehe

KLITORIKA ayon kay ...

heheheh... hindi ko ikukuwento! hahaha