Oktubre 20, 2007

Mambukal Falls, Bacolod



Naisipan ko lang ipost dito sa blog ko ang picture na ito na kuha ko noong nasa Bacolod kami para sa isang assignment. Halos tatlong linggo rin akong naglagi dun sa Negros ng tatlong buwan na ata ang nakakalipas, pero ngayon ko lang na-ipost ito dahil akala ko na delete ko ang mga pictures na kuha ko noon.

Ito nga pala ang tinatawag na Mambukal Resort ilang bayan lamang ang layo mula sa Bacolod City, o mahigit isang oras lamang na biyahe. Ang Mambukal Falls ay mayroong seven falls, kaya lang ang first falls lang ang napuntahan ko dahil bandang alas kuwatro na kami dumating dun sa lugar, wala kasi sa planong pumunta eh biglang naisipan lang kaya ayun. Dahil kinakailangang umakyat sa bundok para marating ang ilan pang bahagi ng falls at ipinagbabawal ng management na umakyat dun sa area kapag hapon na baka abutan ng dilim ang mga bisita sa taas ng bundok kaya hangang dito lang ang napuntahan namin.

Siguro sa susunod na dalaw ko sa Bacolod pipilitin kong maabot ang seven falls ng Mambukal.

3 komento:

Lc ayon kay ...

Hello from Azores.

http://rotadashortencias.blogspot.com/

William Buenafe ayon kay ...

Sama ako ate, tagabitbit ng bag mo :-))

wala bang mga cottages dito so you can spend a few days para talagang mapasyal mo ang seven falls?

Basta ate, dont forget ha, sama ako.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Magtatanong lang po, pupunta kasi ako sa bacolod, at sa blog mo, dito ko nabasa ang bout sa mambukal falls...

ndi ba pwede mag-overnight dito? Gusto ko kasi sana mag-overnight, ndi ba nagiissue ng permit ng local dito?

Thanks!
AceGem
ace_wolfgang@yahoo.com