Oktubre 20, 2007

Land of Plenty?

nakuha ko ito sa friendster bulletin na sinulat ni Jhen (hindi ko siya talagang kilala) pero naisip kong i-post dito sa blog ko para dun sa mga nag-nanais na magkaroon ng konting ideya sa buhay amerika ng ilang pinoy.


> Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
> kapag nasa America ka akala nila
> madami ka ng pera. Ang totoo, madami
> kang utang, dahil credit card lahat
> ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit
> mo. Kailangan mo gumamit ng credit
> card para magka-credit history ka,
> kase pag hindi ka umutang o wala kang
> utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga
> kano. Pag wala kang credit card, ibig
> sabihin wala kang kapasidad magbayad.
>
> Aka la nila mayaman ka na kase may
> kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi
> ka bumili ng kotse sa America
> maglalaka d ka ng milya-milya sa ilalim
> ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
> jeepney, tricycle o padyak sa America.
>
> Akal a nila masarap ang buhay dito sa
> America. Ang totoo, puro ka trabaho
> kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
> pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
> card, ilaw, tubig, insurance, bahay
> at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay
> sa kapitbahay kse busy din sila
> maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
>
> Akala nila masaya ka kase nagpadala
> ka ng picture mo sa Disney, Seaworld,
> Six Flags, Universal Studios at iba
> pang attractions. Ang totoo, kailangan
> mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+
> para makarating ka dun, kailangan mo
> na namn ang 10 hours na sweldo mong
> pinangbayad sa ticket.
>
> Akala nila malaki na ang kinikita mo
> kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
> malaki pagpinalit mo ng peso, pero
> dolyar din ang gastos mo sa America.
> Ibig sabihin ang dolyar mong kinita
> sa presyong dolyar mo din gagastusin.
> Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $
> 1.00 sa America, ang isang pakete ng
> sigarilyo sa pilipinas P 40.00, sa
> America $ 6.50, ang upa mo sa bahay
> na P 10,000 sa pilipinas, sa America $
> 1,000++.
>
> Akala nila buhay milyonaryo ka na
> kase ang ganda ng bahay at kotse mo.
> Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago
> mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
> bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sa
> bihin, alipin ka ng bahay at kotse
> mo.
>
> Madaming naghahangad na makarating sa
> America. Lalo na mga nurses, mahirap
> maging normal na manggagawa sa
> Pilipinas. Madalas pagod ka sa
> trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
> kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
> din sa ibang bansa katulad ng
> America.
> Hindi ibig sabihin dolyar na ang
> sweldo mo, yayaman ka na, kailangan
> mo ding magbanat ng buto para mabuhay
> ka sa ibang bansa. Isang malaking
> sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
> pinagsila ngan at malungkot iwanan ang
> mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
> ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
> naninira ng pangarap, gusto ko lang
> buksan ang bintana ng katotohanan...
> from Our Lives in the US by Jhen

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Kaya nga ba the best pa rin talaga ang Pinas.

Mabuhay ang Pilipinas !!!

Uuwi rin ako balang araw sa piling mo, mas magaganda pa rin ang mga Pinay noh! Mababango pah ! :-))

Walang katulad ang Pinas at mga Pinay, Yahoooooo :-))

Jabo ayon kay ...

tumpak ang akdang ito.. kaya nga mga balikbayan ang yayabang kung magwaldas ng paldo-paldong pera kasi pagbalik nila doon bakbak na naman sa trabaho.. at syempre may pride din sila at ayaw nilang ipakita na malungkot sila doon.. iniinggit nga ako ng mga kakilala ko doon e.. Bakit nakakainom ba kayo 3 times a week? yung tipong sa kanto-kanto lang at hindi pwedeng hindi bangag??? i don't think so..