Oktubre 19, 2007

I Didnt Make IT!



Kahapon may isang mahalagang activity dito sa Cebu na dapat eh nandun ako, kaso nga dahil sa isang personal na problema hindi ako nakapag participate. Ang problema kaming dalawa ng partner ko ang direktang contact ng mga bibisitang taga Japan para sa Anti G8 protest presentation nila dito sa Cebu. Matagal din naming pinaghandaan ang magiging activity sana, kaya lang isang linggo bago ang activity kung kelan kailangang i-finalize ang lahat ng dapat ayusin ayun nga biglang may sumulpot na problema.

Mabuti nalang at nagpasyang bumisita dito ang isa sa contact din ng mga dadalo, nangaling pa siya sa Manila at isa pang kaibigan na galing ng Dumaguete at ipinasa muna namin sa kanila ang mga bagay na dapat ayusin. Medyo may konting sabit lang kasi halos tatlong oras atang naghintay ang mga bisita sa airport bago sila nasundo hu,hu pasensya na po talaga.

Buti nalang medyo maganda naman daw ang kinalabasan at nakapagpresent din sila kasabay ng isang Gig ng mga taga Krishna Core Consciousness. Salamat sa lahat ng dumalo at salamat sa lahat ng nakipag coordinate at nag-assist sa kanila. Pasensya na rin po talaga sa konting problema.

Nanghihinayang nga talaga ako at hindi man lamang kami nakadalo ng partner ko! Bawi nalang kami next time promise!

2 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Im sure by this time eh solve na yang konting problema na yan!

Ikaw pah!

Happiness is a decision we make.

Be happy friend !!!

Secret Samadhi ayon kay ...

salamat po kuya he,he