Agosto 10, 2007

Unforgettable Teachers, ko po...

Elementary

Mrs. Alorro – Adviser ko noong grade 1 ako, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa…

Mrs. Garcia – Adviser ko noong grade two ako, number one enemy ko noon siya ang teacher na inalisan ako ng upuan hangang matapos ang klase, ginawa akong song leader! Dun ata nagsimula ang phobia ko sa microphone.

Mrs. Pagunsan – Adviser ko noong grade three at kapitbahay namin wala akong maitatago sa teacher kong ito…. (kapitbahay ko ba naman eh!)

Ms. Serrano – Noon ko nalamang may mga teacher palang bata at magaganda! Adviser ko noong grade four ako, unang teacher na hinangaan ko dahil sa ganda kaya lang dahil siguro maganda maldita!

Mrs. Ligaya – Teacher ko noong grade five ako, pauso ng mga koleksyon at bentahan ng yema sa klase.

Mrs. Norona – May maliit syang sari-sari store sa loob ng classroom, minsan ako pa ang inaatasang mag bantay habang nagkaklase kami.

Ms. Villas – Teacher ko sa PE nung garde six, seksi at super bait, noon ko rin nalaman na minsan may magaganda rin palang mababait.

High School

Mrs. ____ - Teka dahil sa sobrang inis ko sa teacher na ito nakalimutan ko na pangalan niya, pero hangang ngayon hindi ko malimutan ang mukha niya, sa kanya ako unang nakatikim ng grade na line of seven as in 79? Umiyak ako magdamag dahil dun, anyway ok lang math kasi ang subject nya.

Mrs. Quedez- Mataray na teacher sa history, sa kanya ko unang narinig ang kantang Imagine ni John Lenon … na naging paborito kong kanta hangang ngayon.

Ms. Gordon – Matandang dalaga na teacher ko sa Filipino, madalas ko syang ihatid sa faculty room, siya lang kasi ang teacher na walang pumapansin naawa naman ako…

Tita Bern – Librarian namin… napangasawa niya Kaklase ko noong high school he,he.

Ms. Seranno – Teacher ko sa science, matandang dalaga na siguro maganda noong kabataan niya, noon ko narealise na hindi lahat ng maganda nakakapag-asawa.

The rest nakalimutan ko na pero may natatandaan akong teacher noon na hindi niya ako kilala dahil sa buong taon siguro apat na beses lang kami nagkita first subject ko kasi siya at madalas akong late noon kaya tuwing exam lang ako nakakapasok sa klase niya.


College

Mr. Amigo – He,he teacher kong na terrorize ko… crush ko noong first year college ako. Alam ko naloka siya sa mga pinagagawa ko sa buhay noon. Musta sir?!

Mr. Martinez – Heartrob daw ng school hahaha! actually totoo hindi ko rin halos mabilang ung ilang estudyante ang nagka-crush sa kanya noon, except me. Cute pa rin kaya si sir ngayon?

Ms. Lacsamana – Nanay ko daw siya sabi ng mga kaklase kong baliw! Magkahawig daw kasi kami? Huh?

Mr. Feliciano – One of the best professor! Saludo ako dito! Hi Sir!

Ms. Ruedas – Ito ang teacher namin na pinagbalakan naming i-assassinate ng mga kaklase ko. Pinag-planohang balatan ng buhay at ibilad sa mainit na sikat ng araw sa tanghaling tapat at pagkatapos ay ibabad sa sukang may kalamansi at toyo ng isang lingo at kung sakaling bawian sya ng buhay dahil dun, muling bubuhayin para ulitin ang buong proseso hangang sa mawala ang inis namin sa kanya! Teka asan na ba ang hinayupak nato?

Mr. ______ - iyung teacher ko sa math! Nakalimutan ko pangalan niya pero I swear paborito ko siya dahil sa sobrang bait niya, gusto ko siyang maging tatay sa totoo lang. Teka sir pasensya nakalimutan ko pangalan nyo pero never ko kayong makakalimutan! Musta na po!

The rest hello nalang po! Salamat at minsan ay nagging parte kayo ng buhay ko at pagkatuto.