Sabado, para sa mga katulad kong may pasok sa trabaho kahit sabado, masarap malamang bukas lingo syempre walang pasok. Kaya bago mag-alas singko nakatingin na ko sa orasan kapag araw ng sabado! Parang atat na atat na akong pansamantalang mapasa akin na muli ang oras ko. Syempre sa mga nagtatrabaho mahirap din sa atin na gawin na lamang ang mga gusto nating gawin sa oras ng trabaho, nakakahiya naman doon sa mga nagpapasahod sa atin na nagbabayad ng tama kung hindi natin susuklian ng tama ang perang binabayad nila sa atin.
Wala ka na ngang gagawin kundi tiisin ang sarili mong mangawit sa kakaupo sa harap ng computer habang naglalaro ka ng bookworm o sumasagot sa bawat tanong ng larong who wants to be a millionaire, manood ng youtube video, o sagutin ang mga paulit ulit na tanong ng mga ka-chat mo sa irc or sa yahoo messenger na asl pls. who you? diba? Kailangan lang talaga nating manatili sa loob ng opisina mula alas otso hangang alas singko at kapalit nito ang sigurado at eksaktong sahod sa katapusan ng buwan.
Pero dahil sa ako ang taong parang sinisindihan ang puwet sa tuwing magtatagal sa upuan ko ng dalawang oras, madalas nasa labas ako ng opisina… hindi po ako naglalakwatsa, may mga trabaho lang talagang nakalaan sa akin sa labas ng opisina. Kung ano man iyun huwag nyo nang tanungin dahil bawal sagutin yun. Pero kahit na nasa labas ako ang pagdating ng alas-singko pa rin ang inaabangan ko pag-araw ng sabado.
Katulad ng mga nagdaang oras na mabilis lumipas, heto na alas singko na at araw ng sabado! Pagdating sa itinakdang oras, kukunin ko na ang bag ko… aalis sa upuan ko at diretso sa kuwarto ko. Siyanga pala baka nagtataka kayo kung bakit parang hindi man lang ako nagbiyahe pauwi, dahil po nakatira ako sa mismong opisina namin dito sa Cebu. Sa second floor ng opisina may sarili akong kuwarto na may sariling CR. Nilagyan ko na rin sya ng portable dining set, personal computer na may computer table, kama, munting living room (ewan pano nangyari) basta ang ginawa ko dahil maluwag naman ang kuwarto nilagyan ko ng carpet ang bandang gitna kung saan naroon ang isang maliit mesa na lalagyan ng TV, DVD player, Lamp Shade at mga DVD, sa gilid naman nito ang isa pang maliit na mesang nagsisilbing altar dahil sa dingding malapit dito nakadikit ang halo halo at ibat-ibang imahe ng ibat ibang Buddha, ni Jesus Christ, Mama Mary, Mary Magdalene, mga larawan ng mga hindu gods and goddess, at kung ano anong diyos. Nakapatong sa maliit na mesa ang mga candle holder, oil burner, ibat-ibang hugis ng kandila, incense stick. Ang mga damit ko naman at mga libro pati ang kung anong anik-anik at abubot ko ay nakalagay sa isang built in closet sa malapit sa pintuan ng kuwarto.
Pagpasok na pagpasok ko sa kuwarto, mabilis kong huhubarin ang sapatos, pantalon, blouse, minsan pati underwear. Masarap kayang maglakad at kumilos ng hubo’t-hubad, feeling ko kasi nasasakal ako sa mga damit na suot ko araw-araw kaya pagkahubad ko palang ng damit ko feeling ko lumuwag na ang pakiramdam ko. Ang pinakamortal sin sa ganitong eksena ay ang pagbubukas ng TV! Kaya walang TV, pati ang cellphone ko ay naka-silent mode, kahit txt hindi ko na rin sinasagot sa ganitong pagkakataon. Kasunod noon magsisindi ako ng incense stick, magbubukas ng computer at magpapatugtog ng ambient music o minsan flute sound, o kaya mantra cd, dumadagdag pa sa ganda ng tunog ang screen saver kong aquarium dahil humahalo ang tunog nitong parang batis o umaagos na tubig sa pinapatugtog ko, talagang nakakarelaks. Kapag na set ko na ang sound, sisindihan ko naman ang lamp shade at papatayin ang ilaw. Hhhhmmm talagang napakaganda ng ganitong mood, hihiga ako sa kama at ipipikit ang mga mata ko habang pinapakingan ko ang mahinang tunog ng magkahalong tunog ng tubig sa batis at flute.
Kapag feeling ko maluwag na ang pakiramdam ko at nakapagpahinga na ako ng maayos saka naman ako didiretso ng banyo para magshower. Pagkatapos magshower, balik ulit sa higaan, konting meditation o basta pikit lang ang mga mata habang pilit kong nililinis ang kokote ko sa kung ano anong bigla na lamang papasok sa utak ko. Masarap kayang maranasan na minsan walang laman ang utak mo, walang idinidikta at pilit isinisiksik sa kokote mo ang sarili mo. Minsan kasi nakakaasar ang mga sarili natin, kung kelan pilit kang nagrerelaks saka naman isisingit nito ang kung ano anong walang kuwentang bagay sa utak mo.
Masarap magrelaks lalo na kung araw ng Sabado, dahil alam mong kinabukasan wala kang ibang iisipin o aasikasuhin, pwede kang matulog hangang tanghali nang hindi inaalala ang boss na magagalit sayo dahil sa late mong pagpasok. Kaya Sabado ngayon kaya magrelaks ka naman dyan! Sana, araw araw sabado!
2 komento:
Why no comments here? Hahahahaha
I find this day of yours very interesting. (Sorry to dissapoint you, it is not the portion where you go undress and walk naked that interest me althought iam a man, Hahahahahahaha JOKE LANG HA! dont take this seriously)
Iam actually interested and would like to asked you. How can you make your mind empty? Is it totally empty or just partially?
Kasi ako i never really can. Kaya naman pwede mag request paki turuan mo ako.
I dont know if your checking comments of your old posting, kaya this is just a shot that you would and eventually give me some advice on how i can empty my mind.
Kung mahaba eh you may write me sa email ko williambuenafe1972@yahoo.com
If you suspect na this is my way for us to finally find a regular way of communication eh sana nga, hahahahahaha
Hv a wonderful day. william
sinagot na po kita sa email... salamat ingatz palagi po!
Mag-post ng isang Komento