Kagabi habang tinatapos ko ang aking Star Wars Movie marathon na sinimulan ko noong nakaraang gabi, may nabili kasi akong 12 in 1 na DVD na syempre pirated na may complete collection ng Star Wars Movie. Malaki rin ang pasasalamat ko sa mga namimirata na ito, bukod sa matiyaga at magaling silang magcompile ng mga movie makakabili ka pa ng murang kopya ng movie na gusto mo na halos pareho lang naman ang quality sa mga original (tip sa mga bumibili ng mga pirated DVD or CD iwasan nyong bumili ng cinema copy ito ung medyo madilim na minsan may mga taong tumatayo at may mga background na hiyawan na gumugulo sa dialogue ng pelikula, hanapin nyo lagi ung DVD copy or ipa-test nyo muna ang bibilhin nyo bago bayaran, anyways pumapayag naman ang mga nagtitinda na palitan ung mga CD or DVD na pangit or sira ang kopya)
Ok, back to reality … ayun nga habang nasa kasarapan ako sa panood ng Star Wars Episode 4 New Hope, may natangap akong txt galling sa isang babaeng kaibigan na nakilala ko habang nasa Davao ako. Nasa Cebu raw kasi sya at buntis ng three months sa ka-live in nya dito na isang “punks” or member ng banda dito sa Cebu. Gusto nya raw bumisita sa akin para manghiram ng libro dahil madalas nababagot daw sya sa loob ng bahay at kailangan nya ng mababasa. Txtbak naman ako at sinabi kong pwedeng-pwede sya dumaan sa tinitirhan ko.
Habang namimili ng librong hihiramin ginanahan naman ang bisita kong magkuwento ng kung ano anong maisipan nya. Pero sa totoo lang umikot ang usapan namin sa mga personal na karanasan niya. Mahirap nang ikuwento kung ano ang mga nararanasan nya sa kanyang kinakasama pero pinilit ko na lang intindihin dahil alam ko naman ang takbo ng ugali nila, pareho kasi silang palaban at handang ipaglaban kung ano ang gusto nila. Sa totoo lang nagpapasalamat din ako dahil kahit papaano medyo nakikita kung nagiging seryoso na sya sa buhay, ibig kong sabihin parang alam nya na kahit papaano kung ano ang gusto niya sa buhay at alam kong malaki ang maitutulong ng batang dinadala nya para sa hinahangad niyang pagbabago.
Hindi ko naman sinasabi na pasaway o magulo ang buhay niya, wala naman talagang pamantayan ng tamang pamumuhay. Pero, sasabihin ko sa inyo na kapag nakita ng mga karaniwang tao ang mga grupo ng kabataang katulad nila iisa lang ang sasabihin ng mga taong ito sa kanila, ito ang mga kabataang sakit sa ulo ng mga magulang, mabisyo, walang kinabukasan, naghahanap ng gulo at walang patutunguhan ang buhay kundi ang pagbagsak. Pero madalas mali ang ganitong paghusga sa kanila, dahil sa totoo lang kung susuriin natin ang takbo ng buhay nila malalaman nating hindi sila ang mali at nagkulang kundi ang mga taong nakapaligid sa kanila
Gusto nya raw kasing mabuhay at mapalaki ang anak niya na hindi katulad ng isang tipikal na ina katulad ng karamihan. Ibig sabihin ayaw niya ng isang tipikal at normal na buhay. Pareho kami ng gusto pero kahit ako hindi ko rin alam kung paano gagawin o isasakatuparan ang ninanais ko.
Paano nga ba maging iba? O Kakaiba? Hindi ko alam pero handa akong salubungin ang hamon na ito, alam kong mahirap at imposible dahil sa takbo ng lipunang ginagalawan natin. At isa pa ano nga ba ang batayan ng isang pagiging tipikal o normal? Dahil sa totoo lang ang bawat ina o pamilya ay may kanya-kanyang kaibahan. Mahirap na tanong …. Pero pipilitin kong hanapan ng kasagutan…
2 komento:
I'd sure am curious but I cannot understand a thing. Klitorika is a very bold name...
oh well...
;-) thanks for visiting... i'l try to write in english next time.
Mag-post ng isang Komento