Agosto 5, 2007

pagpupugay sa lahat ng ina....

Kung titingnan natin ang larawan sa ibaba magkahalong emosyon malamang ang mararamdaman natin. Para sa bawat ina, sasabihin naming matapang ako at nalampasan ko ang ganitong uri ng pagsubok. Sa mga dalaga at mga nagbubuntis tatanungin naman nila ang kanilang mga sarili kakayanin ko ba ito? Sa mga naging ama... sa hirap ng naranasan ng asawa ko susuklian ko sya ng ibayong pagmamahal at paggalang sa katapangang ipinamalas niya. At sa ating lahat na iniluwal ng isang ina ... isa
lang marahil ang sasabihin natin... Salamat inay, saludo kami sa inyo!


2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Di ko yata kakayanin to. Ayoko na mabuntis.

To all moms out there, hats off to you.



shella

Secret Samadhi ayon kay ...

ha,ha kaya mo yan ung mom mo nga nakaya niya diba? Sabi nga nila its our way of paying them sa lahat ng hirap na naranasan nila sa panganganak sa atin.