Linggo! Walang pasok araw ng pahinga... ito ang eksena namin ng partner ko sa araw na ito.
1. Pasado alas dyes na nakahilata pa sa higaan.
2. Baba ang partner ko, para ihanda ang washing machine,timba, palangana at sabon. Aakyat at i-sosort ang mga labahin puti at decolor dapat magkahiwalay.(ako nakahilata pa rin sa higaan)
3.Baba ulit partner ko at magsisimula ng paikutin ang mga labahin sa washing machine, tapos magbubukas ng computer, mag-oonline, manood ng you-tube (madalas eksena sa G8 protest, minsan mga seksing babae etc. kung ano lang trip nya)
4. Alas dose na! Mapipilitan akong bumangon sa sobrang init! Magliligpit ng higaan. Minsan pero madalas babaguhin ang ayos ng kuwarto.(take note walang almusal)
5. Kapag narinig ng partner ko na umiiral nanaman ang pagiging interior designer ko, aakyat ito. Magsusugest kung san dapat ilagay ang kama, tv computer etc. Magtatalo kami kung saan at ano talaga maganda ...
6. Kapag napikon ako, baba ako...i-checheck ang mga labahan kung saan ang babanlawan, tapos haharap sa computer makikipagchat, magcheck ng email, friendster, blog etc. kung ano lang ang trip.
7. Minsan, pupuntahan ang nilalabhan,magbabanlaw,magsasampay, tapos balik ulit sa computer chat, etc.
8. Alas dos na.... makakaramdam ng gutom, minsan magtuturuan kami ng partner ko kung sino lalabas at bibili ng makakain. Minsan ako minsan sya depende kung sino mas matigas sa amin sa araw na iyun.
9. Pagbalik ko kakain kaming dalawa, maglilinis ulit partner ko ng kuwarto at ako naman ang baba para tapusin ang paglalaba habang nagchachat.
10. Alas tres tapos na labahin ko, tapos na rin sa paglilinis ang partner ko sa taas, at itutuloy nya naman ang paglilinis sa baba ng bahay.
11. Aakyat naman ako, babaguhin ang ayos na ginawa ng partner ko kapag hindi ko trip, maririnig nya ang ingay ng mga hinihilang mesa, higaan sa taas at aakyat. Magrereklamo pero wala rin naman magagawa dahil madalas matigas ako pagdating sa ganitong sitwasyon.
12. Tapos na kami sa paglilinis, pagliligpit ng mga bandang alas singko, tatawag magpapadeliver ng meryenda at magpapahinga.
13. pagdating ng alas sais lalabas ng bahay mamamasyal sa mall, minsan sa carbon para maghanap ng mga DVD, kakain sa labas pag nagutom o manood ng sine.
14. Pagtrip ng bumalik ng bahay at pagod na sa pamamasyal, magtatake-out ng dinner uuwi ng bahay magshoshower magsasalang ng DVD madalas nakakadalawang movie kami sa isang gabi.Isisingit ang pagtawag sa telepono para makausap ang anak namin o minsann Isasabay ang pagkain sa panood.
15. Kapag tapos na manood magkukulitan, magkukuwentuhan hangang sa dalawin ng antok... yan ay kung hindi umiral ang init ng katawan...matutulog.
Hmmmm...napansin nyo hindi po kami nagluluto...opo wala na masyado time mamalengke kapag weekdays at tinatamad naman magluto kaya araw-araw na ginawa ng diyos bumibili kami ng pagkain sa labas! Nakakaloka....minsan nakakaburned-out na pero kapag na feel naman namin ang pagkabagot magdedecide nalang kaming pasyalan ang mga town ng cebu na hindi pa namin napuntahan. At oo nga pala hindi kami nagsisimba, matagal na naming balak bumisita sa mga meditation class or sa mga temple dito sa cebu pero hindi namin maisingit. Ewan, ganun ata talaga ang buhay parang araw-araw lagi kang nakikipaghabulan sa orasan, lahat nagmamadali! Sana minsan tumigil sa pag-inog ang mundo un bang freeze... ano kaya feeling ng ganun?
3 komento:
baka naman kailangan taga luto? si papa randy magling magluto yan !! kso kung babayayrn nyo sya ng 500 a day? para di na kyo namimili ng pag kain nyo sa labas !! piolo
ska wag muna kyo gagawa ng bata ska skali lang !! mahirap buhay ngayon ! maliliit pa yang mga ank nyo !! piolo !
piolo pasaway ka minsan, teka musta buhay anong balita?
Mag-post ng isang Komento