Marami akong natatangap na mga katanungan galing sa mga malalapit na kakilala at mga kaibigan tungkol sa status namin ng partner ko sa ngayon.
Nagpapasalamat din ako sa mga taong ito, sa ipinakita nilang concern sa relasyon namin. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang mga reaksyon nila, siguro katulad ng isa kong kaibigan na si Randy sinabi niya kung maghihiwalay rin lang kami ni Jhoy, sasasaksakin niya na lamang kaming dalawa ng partner ko at muling bubuhayin para lang magkabalikan ulit. Naniniwala kasi syang ang baliw ay nararapat lamang sa mga baliw, may katwiran din naman siya dun.
Sa nakikita ko rin kasi parang wala na akong mahahanap na lalaking makakapagtiis na makasama ako sa loob ng halos mahigit pitong taon, malaking challenge atang makapareha ang isang "Janet" na katulad ko, hindi naman sa nananakot ako, pero sa takbo ng utak at ugali ko, isang espesyal na tao lamang ang makakaintindi sa akin, at ang taong iyon ay ang partner ko sa loob ng mahigit pitong taon na siyang naging ama na rin ng dalawang anak ko.
Masuwerte rin ako sa kanya, dahil mahirap ding makahanap ng lalaking katulad niya, may prinsipyo, may galang sa karapatan ng kababaehan, mabait, maraming talento na siyang naging daan upang mabihag ang puso ko, at higit sa lahat isang mabuting ama at asawa.
Sabi nga ng isa kong kaibigan, marami raw sa mga kakilala niyang "tibak" ang mga nagsipag-asawa o nagsama na nauwi sa hiwalayan, dahil hindi mapanindigan ng mga lalaki nilang kapareha ang mga adhikaing ipinaglalaban at ipinagsisigawan ng mga ito sa lansangan. Iyon bang tipong sinasabing open minded ang mga ito at iginagalang ang mga karapatan at naisin ng kapareha nilang babae, pero pagdating naman sa loob ng tahanan makikitang halos mabulunan na ito sa pagkakalunok ng mga prinsipyo at ideyang umano'y pinaniniwalaan nito.
Mahirap talagang lunukin ang pride lalo na sa mga kalalakihan sa panahon natin ngayon, iba pa rin kasi ang tingin nila sa mga babae, hangang sa ngayon ang tingin nila'y mga kagamitang pag-aari nila ang kanilang mga asawa na nabili nila sa kapirasong papel na tinatawag na marriage contract!
Mabuti nalang masuwerte ako at hindi ganun ang takbo ng utak ng partner ko, alam ko minsan mahirap para sa kanyang tangapin ang mga katotohanang ito, pero madalas napapansin kong naging matapang siya sa bawat pagsubok na dumarating sa relasyon namin. Hindi rin naman kasi ako nagkulang sa kanya, dahil ang totoo hinayaan namin ang isat-isa na maging malaya pa rin sa kabila ng aming relasyon bilang mag-asawa (kahit hindi kasal).
Ang mga sagot sa tanong ninyo... ito pa rin kami matatag, masaya, at patuloy na lumalaban sa lipunan at paniniwalang nakasanayan ng karamihan. Minsan masakit, pero sabi nga nila no pain no gain, no guts no glory... parang boksing?!
5 komento:
at lease kahit paano mag asawa kyo! ang mahirap lang yung wla kyo free sa isat isa !! tama lang yan !! para naman kahit may ank na kyo nagagawa nyo yung mga bagay na dapt gwin nyo !! gets nyo ! piolo
hhehe korak!
potahka! nagdrama ka pa!
-juan tamod
im happy for the both of you.
both of you are two equally unique persons that i want to salute equally.
salamat sa mga komentong pasaway at salamat din dun sa mga seryoso.
Mag-post ng isang Komento