Japanese Film Festival dito sa Cebu noong nakaraang linggo, nagsimula sya noong Lunes pa, pero dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, ewan kung bakit araw-araw naman akong nagbabasa ng local newspaper dito, kahapon lang Linggo namin nalaman ng partner ko ang tungkol sa Film Festival na ito na ginanap sa Ayala Center Cebu.
Malas dahil kahapon dalawang movie nalang ang ipapalabas nila na magsisimula ng alas singko ng hapon. Pero ok lang dahil nakahabol naman kami ng partner ko, napansin namin konti lang ang nanonood dito ng Film Festival dahil ung balcony lang ang may mga manonood at sa baba halos walang laman. O baka naman dahil huling araw na kaya konti na lamang ang mga nanonood?
Comedy ung unang ipinalabas dahil sa hindi namin naabutan ang simula hindi ko na rin nakuha ang title. Ang pangalawa naman ay INOCHI medyo drama naman ito kuwento ng isang lalaking director na dinapuan ng cancer at ng babaeng writer na kinakasama nito na kasalukuyang nagdadalang tao. Napakaganda sana ng panonood ko kung hindi lang sa mga teenager na nanonood sa bandang likuran namin.
Japanese ang dialogue kaya't may english subtitle ito, at ang ginagawa ng hinayupak na babaeng nasa likuran ko, binabasa niya ng malakas ang subtitle at ita-translate nya naman ito sa Bisaya! Nakakaloka diba????
At hindi lang iyun... may pagkakataon pang ikukuwento nya ang pinapanood niya sa kanyang katabi! Tama ba yun????? Nakakaloka! nakakaasar! Ilang beses na rin silang sinita ng mga taong nanonood pero deadma lang ang grupo, ewan ko kung naligaw lang ng sinehang pinasok ang mga kabataang iyun o pumasok lang dun dahil libre na wala naman talagang balak na manood ng seryoso!
Kung binabasa mo ito at feeling mo ganyan ka sa tuwing nanonood ng sine... please lang magbago ka na dahil hindi nakakatuwa ang gawing ito. Baka sa susunod lumabas ka na ng sinehan na may bulak sa ilong!Hayssss......
1 komento:
RELAXXXXXXXX
PUSO MO...
Mag-post ng isang Komento