Setyembre 13, 2005

TAKSIL...?

Sa panahon natin ngayon o kahit noong panahon ng hapon, bihira kang makakarinig ng mga isyu o kuwento tungkol sa mga babaeng nangangaliwa, o nagtataksil sa kanilang asawa o nobyo. Mas madalas at halos normal na sa ating lahat ang makarinig tungkol sa mga asawang lalaking nangangaliwa o nagkakaroon ng mga kalaguyo o sa simpleng salita kabit. Huwag na nating pag-usapan kung bakit karamihan o madalas sa mga lalaki ang magkaroon ng kalaguyo o magtaksil. Lumang usapin na yan! at kung tutuusin lumang usapin na rin iyong tungkol sa pagtataksil ng mga kababaehan.

Bihira nga lamang itong pag-usapan o aminin noon at siguro magpasa-hangang ngayon. Madalas kapag ang karaniwang babae ang nagkasala (dahil itinuturing naman itong kasalanan ng karamihan) naibabaon kaagad sa limot ang mga isyung ganito dinadaan sa dasal at pangungumpisal...Minsan may nagtanong sa akin "Naranasan mo na bang ma-inlove sa may asawa?" Parang gusto kong himatayin o tumawa ng malakas sa tanong na iyon ng kakilala ko. Sa loob-loob ko, wala na bang mas mahirap na tanong dyan? Pakiramdam ko, tinatanong lang ang mga ganoong klaseng tanong noong kapanahunan ng mga ninuno ko o kaya'y tinatanong lang yan sa mga madre! Masyado nang luma at ordinaryo! Pero bakit hangang ngayon may mga tao pa ring naiilang o natatakot na sagutin ang mga ganitong klaseng tanong? Sinagot ko ang kakilala ko na medyo nagdadalawang isip pa yatang magtanong sa akin ng ganun. "Syempre! maraming beses na!" Pero hindi naman sa puntong ma-inlove talaga ako. Magkagusto siguro, madali akong magkagusto sa isang lalaki. At kapag sinabi kong gusto ko ang isang lalaki, ibig sabihin noon gusto ko syang ikama, makatalik o maka-sex!Para sa akin walang masama kung makipag-talik man ako sa kahit na sinong lalaking gusto ko at gusto rin ako.

Syempre, hindi natin pwedeng kalimutan iyong "safe-sex" mahirap na, baka mapa-aga ang pamama-alam ko dito sa mundo, sayang ang mga lalaking matitikman ko pa! he,hePero bakit nga ba? bakit ang isang katulad ko na may kinakasama na at masaya naman sa ka-live-in ko, at may isa nang anak ay hindi pa rin makuntento sa isa?

Dapat nga ba isa lang? Kailangan ba talaga sa asawa o sa nobyo mo lang ikaw dapat makipagtalik? Bakit? Kung may batas man o likas sa "nature" nating mga tao ang maging tapat at maghangad ng katapatan sa kapareha natin o sa ating minamahal, bakit may mga nangangaliwa parin? Ibig sabihin ba nito abnormal, makasalanan at immoral ang mga taong sumusunod lamang sa bugso ng damdamin nila? Hindi naman pwedeng sabihing tawag lang ng laman ang nararamdaman ng mga taong nangangaliwa. Lalo na't ang mga kalaguyo nila ay hindi naman ginagawang negosyo ang paglalako ng katawan. Ibig sabihin, binibigay nila ng libre at nakukuha nila ng walang kapalit ang mga kapareha nila. Lalo na kung sa tuwing ginagawa nilang magtalik ay nakakaramdam sila ng saya, satisfaction, o kahit hindi man orgasm basta masaya sila at walang pagsisisi sa kanilang ginawa.Katulad ko, aaminin ko marami na akong nakatalik, o kung matatawag mang kalaguyo iyong isa o dalawang beses mong nakasiping. Mayroong may asawa, may nobya, may kinakasama, may mas bata sa akin ng ilang taon o mas matanda naman sa akin ng sampung taon, may kaibigan o kabarkada ko,may katrabaho, may babae, may kamag-anak,at meron namang isang beses ko pa lamang nakikita. Halos lahat ng mga iyon ay ginawa o naranasan ko habang may kinakasama o may boyfriend ako!Hindi naman ako nakikipagtalik para kumita ng pera, o kaya'y mangulo sa mga may asawa na, basta gusto ko lang.

Kapag nararamdaman kong type ko ang isang tao at gusto ko syang matikman sasabihin ko sa kanya o ipaparamdam ko sa kanyang gusto ko sya. Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng magmayabang at magsabing "Natikman ko na iyan o naikama ko na yan!" Bilang isang babae, naniniwala ako na kahit anong magagawa ng mga lalaki ay kaya rin nating mga babae, at hindi ako mahihiya at sabihin ang mga ganoong salita. Aaminin ko, sa lahat ng mga "sexcapade" o "pagtataksil" ko ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng "sexual satisfaction" o "orgasm".

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng katotohanang iyon ay patuloy ko pa ring ginagawa ang makipagtalik sa iba bukod sa BF o kalive-in ko. Iyong kinakasama ko lang talaga sa loob ng halos limang taon (fyi, sya ang first bf ko) ang talagang nagbibigay sa aking ng "ultimate satisfaction" pagdating sa sex, at naniniwala ako roon dahil kung tutuusin marami akong "point of comparrison". At sa kabila ng mga pangangaliwa ko, hindi ko maitatawang mahal na mahal ko ang kinakasama ko. Mahal ko ang BF ko, pero bakit nga ba nagagawa ko pa ring pumatol at makipagtalik sa ibang lalaki? Siguro dahil gusto kong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko pa ring maka-akit ng ibang lalaki? O, gusto kong malaman kung may maghahangad pa sa akin, "in terms of sexuality" sa kabila ng hitsura ko at katayuan sa buhay.

Pwede ring sabihin nating, gusto kong alamin kung hangang saan ang limitasyon ko. Pakiramdam ko kasi masyado na akong malaya, o inaabuso ko nga ba ang sinasabi nilang kalayaan? Gusto kong malaman kung ano nga ba at saan hahantong ang buhay ng isang babaeng katulad na wala na atang konsepto ng "morality", bawal at batas. O siguro masarap lang talaga ang gumawa ng bawal at labag sa batas ng nakararami... ano sa tingin nyo?

12 komento:

oliver ayon kay ...

lam mo parang iba yata ang post mo ngayon mareng luaan ah !! bakt mare gusto mo bang magtaksil? hehehe !!! nagtatanong lang poh !!

Secret Samadhi ayon kay ...

gaga dati na akong taksil!!! he,he im not exclusive noh hehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Mindan agog at racist Web log
Noted columnist and social commentator Masahiko Katsuya came under attack Tuesday for posting defamatory comments about Korean people on his Web log.
Find out how to buy and sell anything, like things related to music on interest free credit and pay back whenever you want! Exchange FREE ads on any topic, like music!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hoi pangit.

e2 n yung bagong url :
http://www.geocities.com/citizen_green/index.htm

biro lng.
Click This

nsa email ang password.

ge ingat- ibasura ang blogspot!!!

Mark

bong ayon kay ...

Aaminin ko, sa lahat ng mga "sexcapade" o "pagtataksil" ko ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng "sexual satisfaction" o "orgasm".- ganun ba failure pala ako sa iyo. hahahaha

Secret Samadhi ayon kay ...

He,he,he....

Randy Valiente ayon kay ...

mga malili...........

ligaya ang araw nyo lahat

march ayon kay ...

pekpek ka talaga.enjoy mo yan lola... to the fullest.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
[url=http://hutoackv.com/etva/lysn.html]My homepage[/url] | [url=http://qcdqxwca.com/ynnk/mixb.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Good design!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice site!
http://hutoackv.com/etva/lysn.html | http://hvtxbpog.com/bmny/wpho.html

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

child event