Setyembre 5, 2005

May Mababait pang Tao sa Mundo

Nakakaloka ito! Pero totoo! Kaya dun sa mga taong katulad ko na minsan eh nawawalan na ng pag-asa at naniniwalang wala nang mabait na tao sa mundo kundi ako lang (ehem) he,he aba...magbago na kayo ng isip. Maniwala tayong bukod sa atin (ehem) may mga natitira pang may puso at kunsensya.

Bakit ko naman nasabi? Syempre dahil sa isang karanasang hindi ko malilimutan talaga as in! Ito kasi ang nangyari, ang lola nyo na may pagkamatanda na ata talaga o baka aligaga lang talaga o baka nawawala minsan sa sarili eh nakaiwan ng CP as in cell phone or mobile phone... sasabihin ko pa ba kung anong unit? Huwag nalang kaya...baka sabihin nyo ang cheap ng cellphone ko he,he joke lang sige na nga 6610 sa totoo lang isinanla lang ito sa akin na ibenenta na rin ng may ari sa halagang 5th last year. O ayan ha sinabi ko na, teka bakit ngaba hindi na lang ako magpalit ng unit? Eh bakit ba ang importante nakakatawag at nakakapagtxt diba? Teka ano nanaman ang mga pinagsasabi ko?

Anywayssssssss, ayun nga naiwanan ko ang CP ko last night sa SM dito sa Davao, uy sana huwag kayong magulat na may SM dito ha, dahil ang SM ay parang mga kabute na sumusulpot kung saan parang jollibee at Mc Donalds.

Nasa bahay na ako nang maalala ko na nawawala ang aking CP! Nakakaloka naisip ko agad ang SIM ko wala akong back up copy ng mga contact ko na nandun, kailangan ko pa naman sa work un! Hu,hu,hu anong gagawin ko?

So ang ginawa ng lola nyo dahil mega conclude ako na goodbye forever na talaga ang CP so ang hinabol ko na lang ay sana maibalik ang SIM. So mega txt agad ako sa number na kung sino man ang nakapulot ng CP ko eh paki mail nalang nila yung Sim sa address ko kahit walang return address basta kailangan maibalik ang mahiwang sim card ko.

Eh biglang nagtxt back! Uy ha ang saya ko dahil ang sabi nya eh PLS KOL. so tumawag ako nga ako at ang mabait na nakapulot ng CP ko ay isang saleslady dun sa SM at gusto niyang ibalik ang CP ko! Wow huh? i cant believe it talaga ang bait naman niya, anyway Vina ang name nya kaya lang hindi ko naitanong ang surname pero ok na yun basta ang importante makukuha ko ang cell phone ko.

So kinabukasan pinuntahan ko si Vina sa pwesto niya, with a token ng pasasalamat, actually hindi ko alam kung ano bibigay ko sa ang ginawa ko bumili ako ng bracelet na silver lang worth 800 para sa kanya, at least kapag suot nya yun maaalala niya ung ginawa niyang kabayanihan. Diba? Uy Vina salamat nga pala bait mo talaga nawa'y pagpalain ka sa buhay.

O ayan ha, ngayon alam ko na talaga na may mga taong mababait pa dito sa mundo katulad ni Vina.

16 (na) komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

ako mabait din ako.

aleksi ayon kay ...

pasalamat ka di ako nakapulot..hmp!

Secret Samadhi ayon kay ...

he,he korek! Naniniwala na ako ngayon na may Dyos he,he

aleksi ayon kay ...

sabi ko na nga ba..yung nakapulot ng cel diyos...galeng ko noh?

oliver ayon kay ...

lam mo luan isa rin ako mabait na kagaya ng iba dyan !!! at ska sa nawla mong cp kaw din ang may kasalanan burara ka ksi buti na lang may tao pa na matino na nagbalik sa cell mo(buti na lang di camera yun) at luaan matanong ko pala mganda ba yung saleslady ah? pakilala mo naman sa akin bigay mo na lang e mail ko pra naman kahit paano may liligawin din ako taga mindanao !!! ok ba !!! hehehhe

Secret Samadhi ayon kay ...

Hay naku piolo nababaliw ka nanaman ano? kalalabas mo palang ng mental bumalik nanaman ang sakit mo. Pasensya na pero hindi ko nakuha ang details ng saleslady na yun basta ang masasabi ko lang salamat at mabait siya hindi katulad mo pasaway he,he

jpottt ayon kay ...

dble iwawala ko din cel ko sa pinangyarihan...tapos, sana siya uli mkapulot..ng makilala ... kya lang wala akong pamasahe papunta dun heheheh

leviuqse ayon kay ...

marami talagng mababait dito sa mundo, ibilang mo na rin ako hehehe
hey luann link ko to sa site ko ha

ciao ciao

Secret Samadhi ayon kay ...

Okies salamat po pipol he,he

shella ayon kay ...

well, di naman po sa nagpapakabait ako, pero if i were the saleslady i would do the same thing too. pwera na lang kung cash kasi wala akong lead kung kanino yun.
so, pagpunta mo sa LU paki- iwan uli ung celfone then i'll return it back to you. pwede earings na lang sakin, kahit 300 lang di naman ako mapili.

march ayon kay ...

marami p talaga kmi s mundo.pa low profile lang.mag kakaiba lang ang level ng kabaitan namin.

march

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ako din mabait... ikaw lang ang pasaway... kung si sam kaya maian siguro maloka ka hehehehehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Great work!
[url=http://wdiawrsi.com/xujt/cpka.html]My homepage[/url] | [url=http://judkswrf.com/xgsl/zmuc.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Good design!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice site!
http://wdiawrsi.com/xujt/cpka.html | http://bdlugyck.com/nkou/hccp.html

William Buenafe ayon kay ...

ako, ibabalik ko rin pero pagkatapos na check ko laman baka mayroon mga secrets akong malaman, dugong detective din kasi ako eh.
hahahahaha just my naughty side.

pero one thing for sure ibabalik ko rin, pag mas modelo kaysa unit ko eh itong unit ko na lang ang ibibigay ko. hahahahhaha