Hunyo 20, 2005

PROSTI?!


Paano nga ba masasabing isang prostitute o prosti ang isang babae o lalaki? Sa palagay ko katulad ng paniniwala ng marami ang isang tao ay maituturing o matatawag lamang na prosti sa oras na siya ay nagbenta ng aliw, laman, o nakipag sex kapalit ng salapi.

Ang pakikipag-sex ng walang kapalit kundi ang mutual na unawaan lamang ng ligaya at sarap ay hindi maituturing na prostittion. Depende na siguro kung na-exploit at pinilit lamang ang isang nilalang pero my kapalit pa ring salapi ay ibang usapin na iyon. Tama nga ba ako? Kung tama ako eh pwes sisimulan ko nang ikuwento ang isang hindi makakalimutang karanasan sa Sex at sa tinatawag nilang Prostitution. He,he...
Minsan, habang hinihintay ko ang paglabas ng aking BF (Tawag ko sa ka-live in ko for five years) sa kanyang trabaho sa isang mall sa may ortigas. Kasama ang bestfriend kong pasaway din, may nakasalubong kaming isang super-cute (sa palagay ko) na foreigner, caucasian ito at syempre hindi ko pa alam ang kanyang nationality.
Noong makita ko ang lalaki (dahil iba talaga ang dating sa akin ng mga foreigner, mapa negro, puti, singkit basta foreigner natutuwa ako sa kanila.) May fascination talaga ako sa mga taga ibang lupalop ng mundo, sa totoo lang noong nasa kolehiyo ako may plano akong magkaroon ng anak sa lahat ng lahi sa buong mundo. Iyung tipong United Nations Baby! Naisip ko siguro ang saya noon! At malamang ma-ilagay pa ako sa Guinese Book of Record! (Lupit noh?) Anyway dahil nga nabuntis ako ng BF ko at nagsama kami na masaya naman parang nawala na rin sa isip ko ang planong iyon. (Teka hindi pa naman ata huli ang lahat dahil isa pa lang ang anak ko at 25 lang ako ngayon!...ano sa palagay nyo?)
Balik tayo sa mall, nang masalubong ko ang foreigner na yun na sa tantiya ko ay 25 years old lang, talagang tinitigan ko ito at hinabol ko pa ng tingin kahit medyo malayo na siya. Ilang sandali pa nakalimutan ko na rin ang cute na kano na yun, nalibang na rin naman kami ng kaibigan ko sa pag-window shopping, dahil broke kami ng mga panahong iyun, kaka-resign lang naming dalawa sa trabaho namin for almost four years. Kaya talagang first time iyong talagang walang laman ang pitaka namin, ang masaklap pa ang dami kong dapat bayaran, upa ng bahay, utilities, gatas ng anak ko etc. nakakaloka!
Dahil nga sa walang datung, pinagkasya na lamang namin ang aming mga sarili sa pag-window shop. Habang nasa second floor kami ng mall na iyun at abala sa katitingin ng mga ethnic accessories sa beadshop. Napansin ko ang cute na foreigner na nakasalubong ko kanina na nakatingin na sa amin? Sa akin? Nasa kabilang side kasi siya ng mall at napansin kong natingin siya sa direksyon namin ng kaibigan ko.

Kaya ang ginawa ng lola mo, aba'y nakipagtitigan na rin! Bakit ba eh hangang tingin lang naman at wala pa naman akong nabalitaang tao na natunaw sa titig. At isa pa ang gwapo niya talaga kaya sinulit ko na. Kaya lang habang naglalakad kami at palipat-lipat kami ng boutique ng kaibigan ko napansin kong sinusundan niya rin kami, bastat kung nasaan at kung saan ang direksyon namin dun din ang punta niya! Basta yun ang pakiramdam ko, at may pagkakataon pa nga na nagtatago siya sa mga poste para hindi siya namin mahalata? O guni-guni ko lang talaga iyun? Pero teka talagang kami ang tinitingnan at sinusundan ng super cute na caucasian guy na ito! Nang hindi ko na matiis, hinintay namin siyang makalapit sa amin.
At nang nasa tabi na namin siya super ngiti at pacute naming sinabing Hi! Habang nakatingin sa kanya, at dun nagsimula ang konting kwentuhan, at naconfirm ko na kami talaga ang sinusundan niya dahil ang gaganda raw namin!? Kaloka! Sa loob loob ko malamang bulag o namaligno ang taong ito sayang ang gwapo niya pa naman. Nagpakilala naman ang loko Eric daw ang pangalan niya, 32 years old (hindi halata) isang Norwegian National na nandito para sa isang business meeting sa ADB. At isa siyang economist na nakabase sa Jakarta Indonesia.
At dahil nagmamadali rin siya para sa isang meeting nag-iwan na lamang ito ng calling card, at kami naman dahil may binubuo kaming raket ng kaibigan ko bilang mga freelance PD (as in Private Detective Totoo ito, kaya pakibaba ng kilay). Nagbigay na rin kami ng aming calling card. Baka sakaling maging cliente namin o may ma-irefer siya sa amin. Nang makaalis na ang gwapong si Eric saka lamang kami nagtitili sa kilig ng kaibigan ko (landi noh)

Kinabukasan sa totoo lang nakalimutan ko na ang Eric na iyun, kung hindi lamang siya tumawag sa akin at nagyayang samahan ko raw siyang mamasyal sa may Intramuros. Ang walang hiya at balak pa akong gawing tourist guide! At dahil medyo nagmamadali siya at kagigising ko palang hindi ko siya nasamahan. Kaya ang sabi niya tatawag nalang uli siya kapag may oras pa siyang makipagkita sa akin dahil bukas na rin ang alis niya.
Nasa Makati na ako ng hapong iyun at kagagaling ko lang sa opisina ng kaibigan ko para magpasa ng resume. Tumawag ulit ang Eric, nasa Rockwell naman daw siya at nagyayang magcoffee raw kami. Ok fine kape lang pala eh, so takbo ako ng Rockwell at dun kami nagkita sa isang book shop mahilig pala sa libro ang mokong.
Nang makita ko siya ulit, hay parang gusto kong himatayin! Ang gwapo niya talaga kasi eh (sa palagay ko ha) at yun nga nag-coffee kami sa isang kilalang coffee shop dun sa rockwell. Sa totoo lang naalibadbaran akong tumambay o magkape sa mga naglalabasang coffee shop ngayon. Pakiramdam ko syet! Hindi ako bagay dito! At ano ba yan tanghaling tapat magkakape! Ewan basta bad trip ako sa mga coffee shop at sa mga taong nakatambay sa mga ito! May masamang imahe kasi sa akin ang mga sikat na coffee shop na iyan. (next time ko nalang sasabihin)
Kaya lang nalibang naman ako sa kwentuhan namin kaya parang nakalimutan ko na ring nagkakape ako sa isang coffee shop sa mall. Halos buong buhay niya ata, naikuwento niya na, may asawa na raw siya at isang anak na babaeng limang taong gulang. At kasalukuyan namang buntis ang asawa niya na ambassador ng bansa nila sa Jakarta. Buddhist siya kaya nagkasundo naman kami sa usapang relihiyon, although nakakasawa nang pag-usapan ito.
Syempre nauwi rin ang kwentuhan namin sa mga personal na bagay (alam nyo na yun) kaya ang kinalabasan pinagkatiwala niya sa akin ang card key ng hotel na tinutuluyan niya rito sa manila. Basta hintayin ko raw siya dun sa room niya at may pupuntahan pa siyang meeting. Sa totoo lang malabo kung bakit iniwan niya sa akin ang susi ng hotel room niya. Ang alam ko lang naikwento ko sa kanyang hindi ako marunong lumangoy, at nag-alok siyang gamitin ko raw ang pool ng hotel na tinutuluyan niya para duon marpraktis (far out diba?)At sino namang gaga ang mag-aaral lumangoy sa isang pool ng hotel mag-isa? Ang weird talaga, anyway kahit nalilito kinuha ko na rin ang susi at pumayag ako na hihintayin ko siya dun sa room niya hangang sa makarating siya ng alas nuebe.
At dahil medyo maaga pa nang maghiwalay kami nagpasya muna akong umuwi sa bahay at tingnan ang anak ko na nasa pangangalaga ng kapatid ng BF ko. Pagdating ng alas syete dumiretso na ako sa dun sa hotel na tinutuluyan niya. Sa totoo lang nakakalula ang lugar na iyon, puro foreigner ang mga bisita o naka-check in. Kaya pakiramdam ko isa akong maid na nandun para maglinis ng kuwarto! Naka jeans at t-shirt lang kasi ako ng mga oras na iyun. Habang ang mga babaeng nakikita ko aba'y akala mo pupunta sa party o magdedebut sa mga suot nila! Hmp deadma!
Pagdating ko sa room wow! Ang laki ng kwarto pati ung kama, at ung CR may bath tub at pwede kang tumira sa laki. At take note nakakalat dun ang lap top at mga gamit pati mga papeles niya.Siguro kung masamang tao lang ako, malamang inuwi ko na ang mga gamit nya lalong lao na ung lap top niya at hindi na ako magpapakita sa mokong na yun. Unang una hindi nya naman ako lubos na kilala, hindi niya alam kung saan ako nakatira, ang alam niya lang sa akin ung CP number ko na pwedeng palitan anytime. Pero syempre hindi ko ginawa mabait ako eh he,he.
Mega antay nalang ako at watch ng TV syempre hindi ko na pinangahas na magpraktis ng swimming wala ata akong balak madyaryo kinabukasan dahil sa pagkalunod. Sinasagot ko nalang ang mga txt at update ni Eric kung nasaan na siya. Sa totoo lang wala akong idea kung anong mangyayari ng gabing iyun, at kung ano talaga ang ginagawa ko sa apat na sulok ng kwartong iyun, basta bahala na...
Pagdating niya ng medyo lagpas ng alas nuebe mega apology naman si gago, ayaw daw kasi siyang paalisin ng maaga ng kaibigan niya. At dahil nga sa hindi pa ako kumakain nagparoom service na lang siya ng hapunan ko na hindi ko naman naubos, syempre nanghinayang naman ang loko. Ganun lang ata talaga ang mga economist ayaw nilang may nasasayang na resources. He,he
Pagkatapos, tinanong niya ako kung anong gagawin namin, kung magkukuwentuhan ba kami o ano. Teka sa loob-loob ko, wlang-hiya ka matapos mo akong pag-antayin ng matagal kukuwentuhan mo lang ako?! Aba'y hindi tama yun ha! Kaya ang ginawa ng lola mo, syempre alam nyo na ano?!Uy willing victim naman ang loko kaya huwag na kayong masyadong magreact. Mapapalagpas ko ba naman yun? Kasama ko sa isang room ang isang cute na caucasian guy na type na type ko!?
Nang humupa na ang lahat ng init at pagnanasa Charing! He,he nagulat ako dahil ito nanaman nag-aapology nanaman ang loko, ano ba ito ang drama naman naisip ko. Syempre kinausap ko naman siya na Ok lang ako as in Im fine hello? At huwag siya mag-alala at huwag akong intindihin dahil ginusto ko rin naman ang nangyari (magdrama din ba ako?)
Nang marealize ko na medyo late na at kailangan ko na ring umuwi nagpaalam na ako sa kanya. At ang wlanghiya at gusto pang dun na raw ako matulog, syempre hindi pwede at hahanapin na ako ng BF ko! Ano ka hilo? Nagulat na lamang ako nang abutan niya ako ng pera, sabi ko hindi ko kailangan yun at ok lang ako at hindi niya kailangang gawin yun. (pero teka minsan praktikal din ako ha) kaya nang ipagpilitan niyang ibigay ang pera aba'y tinangap ko na ano! Mamya magbago pa ang isip ng loko sayang din yun. Ang sabi niya naman pang taxi daw yun dahil late na nga ng mga oras na yun. Ok fine salamat at wala akong balak magjeep pagkalabas ko dito sa mamahaling hotel na ito. Hinatid niya pa ako hangang sa makasakay ako ng taxi at nangako siyang tatawag siya o magpapadala ng mga messages sa email. Uy, ang sweet noh? Papa ba ito? Mistress ba ako?
O prosti?... dahil nang tiningnan ko ang perang binigay niya may Php. 500 pesos na pambayad siguro ng taxi (dahil 200 ang taxi kapag galing ka sa hotel na yun papuntang bahay namin na pareho namang nasa Mandaluyong lang) at ilang Norwegian dollars, na nang ipagpalit ko kinabukasan ay umabot sa mahigit na Php. 5,000.00?!

Teka Php.5,000.00 pesos? Parang nakakaloka namang isipin na ganun ang halaga ng puri ko?! Ha,ha,ha na sa kabilang banda eh wala naman akong balak ipagbili.Hindi ko alam kung matutuwa o maiinsulto ako sa halagang iyun o sa katotohanang binayaran niya ako para sa sex? Kaya nang matangap ko ang txt niya kinabukasan na as usual apologetic nanaman dahil daw un lang ang cash niya sa wallet ng gabing iyun kaya nga daw Norwegian dollar ang binigay niya, naiilang naman daw siyang bumaba para mag-withdraw dahil unang una hindi niya raw alam kung tama ngang bigyan niya ako ng pera para dun. Kaya ang sabi niya isipin ko na lamang daw na pagtaxi lang talaga ang binigay niyang iyun. Ok fine sabi ko sa sarili ko malamang isang buwan akong magtataxi nito.
Pero sa totoo lang, pakiramdam ko talaga naging prostitute ako ng gabing iyun, ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga taong nagkikipag-sex kapalit ng salapi. Hindi naman pala nakakaguilty, wala lang...hindi naman nakakapanliit at hindi rin naman bumaba ang moral ko (kung meron ako nun he,he) Wala lang parang...wow swerte may sex na may pera pa! Ito ang sinasabi nilang hitting two birds in one stone! Very practical diba!? Ano sa palagay nyo?

Ps:
Hangang ngayon may communication pa rin kami ni Eric, last year pinadalhan niya ako ng libro dahil alam niyang mahilig akong magbasa. Tumatawag siya minsan at madalas pa rin mag-email. Masasabi kong naging magkaibigan na rin kami.


12 komento:

Randy Valiente ayon kay ...

no comment......
teka...
isa ka talagang alamat....
nasaksak ka na ba ng bf mo?

Secret Samadhi ayon kay ...

Gago! pasaway ka talaga bakit naman ako masasaksak? Ikaw ba si joy? siguro seloso ka noh?

wild_flower ayon kay ...

Para sa isang tao na alang sex life na katulad ko ang karanasan mong yun ay nakakainggit.wakekeke.sana makatagpo din ako ng isang papa at aanakan ako (kahit wala ng perang kasama...hehehe.ASTIG ka!at astig ang bf mo!bow ako sa inyo...

MAC ayon kay ...

pekpek ka! haliparot! patay ka kay jhoy! hehehe, anyways, kaiingit k kasi me puro work of love! pleasure lang ito! hinahanap hanap ko na nga hehe ala me sex life ngaun! ambon ambon lang, hehehe

Secret Samadhi ayon kay ...

Wildflower huwag ka mag-alala hahanapan kita rito sa davao he,he. Si randy nga pala available yan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hoy !!! jnet ako din hanap mo rin ako na prosti dyan sa davao. gusto ko yung palaban ah at di sya mukahang pera!!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice site!
[url=http://efwbvyzn.com/hhte/ecrz.html]My homepage[/url] | [url=http://paiezwkr.com/qdfr/ebyz.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
http://efwbvyzn.com/hhte/ecrz.html | http://ioohbaen.com/fsrg/icuo.html

William Buenafe ayon kay ...

kaya pala, kaya pala, kaya pala
isa ito sa mga nabanggit mo na basahin ko, hahahahaha

in fairness sobrang naaliw ako,
you have awaken, let me para phrase
napukaw mo ang natutulog kong pangarap na makaranas ng isang katulad ng iyong naranasan. Wow hebigat ng tagalog no.

ako pinoy pero galing ng ibang lugar pwede ba ako? hahahahaha just kidding friend.

pero yan ang tinatawag kong spontaneous combustion - no ifs,
no buts, no nothing just spontaneous fire. Kaylan kaya ko mararanasan pero i still want it with a nice woman. Hayyyyyyy

So ur still in commu with him ha,
hey am i sensing for a second time around with him, hahahaha just curious.

Wonderful and one of a kind truly
one of a kind.

dimple is bluey "francis" ayon kay ...

ate...

natry ko na yan...and until n0w...pinadadalhan pa rin nya ako...
isa syang u.s navy...may family sya sa u.s kapag nandito sya...wapaks....hahahaha...syempre alam na...alam nya lahat sakin
di na ako naglihim ng kahit ano pa...hihihi pero tanggap nya...friend ko talaga sya...alam nya ring kabet ako n0w...wapaks...sumunod na ako sa yapak mo...hahaha...pero okay rin yung nagbahay sakin ate...kumpleto ako dito...nga lang...di ko sinasabi sa kanya ung tungkol dun sa taga u.s ko...seloso to the max ang drama ng lolo eh...hahaha

CJ ayon kay ...

Tama ka!
Yun talaga ang feeling ive done this once just to know lang kung ano ang feeling...
as in wala lang...