Hunyo 22, 2005

BUKAS NA LIHAM SA ISANG KAIBIGAN...


June 19, 2005

Mahal kong kaibigan,

Kumusta? Teka parang hindi ata tama ang pambungad pagbati ko, dahil sa totoo lang alam ko naman kung anong nangyayari sa iyo ngayon. Siguro ang tamang sabihin ko ay Masaya ka ba?
Teka, masaya ka nga ba? O mali nanaman ang tanong ko? Dahil mukhang masaya at kuntento ka naman sa ngayon sa mga nangyayari sa buhay mo. Mabuti naman kung ganun, kasi bilang kaibigan o sabihin nating dating kaibigan, masaya at kuntento na rin ako sa mga naririnig ko tungkol sa iyo. Sa totoo lang nagkasya na ako sa pakikibalita at pakikinig tungkol sa iyo galing sa mga taong nakasama natin noon.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ang bukas na liham na ito para sa iyo. Wala na sana akong pakiaalam, at tama na sana sa akin na nariyan ka lang, kahit na alam kong napakalayo mo na sa ngayon. Tama na sana sa akin na minsan makita ko ang pangalan at account mo sa friendster, o ang YM mo na madalas offline sa Yahoo Messenger ko.
Kaya lang ang pangayayari sa araw na ito ang muling nagtulak sa akin na balikan ang mga pangyayari at dahilan ng ating hindi pagkakaunawaan na naging dahilan ng iyong paglayo. Dahil sa totoo lang nananatili ka pa rin sa puso ko bilang isang kaibigan hangang sa dumating ang mga sandaling ito. Siguro dahil naniniwala akong wala sa akin ang pagkukulang, hindi ako binabagabag ng konsensya ko at mahimbing naman ang tulog ko sa gabi, ngunit hindi ko na alam simula sa araw na ito.
Alam kong sasabihin mong isa akong hangal na nagpapangap na santa, subalit bakit ko naman gagawin iyon? Matagal ko nang alam na nasa listahan ako ni Satanas, at malamang nakahanda na rin ang lugar ko sa impyerno at isa pa wala akong balak na tumakbo bilang isang pulitiko. Kayat hindi ko kailangang magkunwari at magkubli sa isang maskara para sa mga tao sa paligid o maging sa iyo. Dahil unang una alam ko naman na wala nang pag-asa na manumbalik muli ang ating pagkakaibigan, para ano pa? Para saan? Nakakatawa namang sabihin na para sa kapayapaan ng mundo?!Impossible iyun!Siguro ang lamat na inaakala mong dahilan ng ating pagkakalayo ay ganun na nga kalalim, napakalalim halos mabasag ang kabuuan at imposible na ngang manumbalik pa ito sa dating anyo. Lalo na siguro kapag natangap o nabasa mo ang liham kong ito.
Nag-aalala lang ako para sa iyo, alam kong wala akong karapatan, kaya lang bilang isang tao at sa ngalan ng dati nating samahan gagawin ko itong liham na ito sakaling makatulong sa isang napakalaking suliraning bumabalot sa iyong pagkatao at ala-ala sa ngayon.
Mahal kong kaibigan, ayokong isipin na tuluyan ka na ngang nasisiraan ng BAIT? Hindi ko alam kung tama ang inaakala ko...baka naman nagkaroon ka lamang ng matinding trauma sa mga nangyari sayo kaya ka nagkakaganyan ngayon. Napakalupit talaga ng mundo, ang isang tunay at wagas na pag-ibig na inalay mo ay sinuklian ng napakalupit na hagupit ng panlilinlang at pagtataksil. Hindi ko akalaing tuluyan kang bibigay... sana nga hindi...sana nga nagkakamali ako...baka naman nagkaroon ka lamang ng matinding shocked at ikaw ay nagka amnesia?!
Mas mabuti pa ngang isipin ko na nag-ka-amnesia ka lamang talaga, naaawa tuloy ako, kami ng iyong mga dating kaibigan sa mga nangyayari sa iyo sa ngayon.
Biruin mo nakalimutan mo na ang iyong tunay na pangalan! Ang pangalang mahigit dalawampung taon mong dala-dala ay tuluyan mo nang ibinaon sa limot! Maging ang taon ng iyong kapanganakan, bumata ka ata ng dalawang taon? Nakakalungkot naman, maging ang kolehiyo kung saan ka nagtapos ay nakalimutan mo na rin, hindi ba't hindi ka pa nga nakagraduate noon sa taong inaasahan mo dahil may isang malupit at bruhang teacher tayo na sabay tayong ibinagsak? Minsan nakakatuwang balikan ang mga alaala natin sa kolehiyo kung saan tayo nagkakilala, nagsama bumuo ng barkada at naging magkaibigan.
Sayang, nakapanghihinayang ka... ano nga bang talaga ang nangyari sa iyo? Ang huli nating pagkikita at pagkakasama ay ang araw na sa bahay ka natulog, dahil kinabukasan ay susunduin mo sa airport ang nobyo mong bumisita sa ibang bansa.
Natatandaan ko pa ngang masaya mong ikinuwento sa akin ang mga plano nyong dalawa. Napakasaya mo noon, at syempre masaya rin ako para sa iyo dahil sa wakas natagpuan mo ang isang tunay na pag-ibig, kabisado kasi kita pihikan ka sa lalaki na minsan ay man hater na nga.
Kahit noong mga panahong nalaman mong may ibang babae ang nobyo mo nariyan kami sa tabi mo, alam mong ayaw ka naming masaktan kaya pinayuhan ka naming pag-isipang mabuti ang mga bagay na papasukin mo. Alam mong sinuportahan ka namin at pikit matang naniwala kami sa mga pangako sa iyo ng mahal mong nobyo kahit alam naming malabo na ang sitwasyon. Oo nga talagang mahal na mahal mo siya, at alam naman naming mas matimbang siya sa iyo keysa kanino pa man, ganun mo siya kamahal.
Alam naming naging unfair din kami sa relasyon nyo o naging mapanghusga, subalit hindi naming magagawa ang mga bagay na akala mo ay ginawa nga namin. Nagkakamali ka o sabihin na nating naging bulag ka, alam mong ninais lang namin ang iyong kabutihan sapagkat noong una pa lang iniiwasan na naming tuluyang umasa ka sa isang pangakong walang kasiguruhan. Pero tapos na iyun, at pareho nating alam na hindi na muling maibabalik ang nakaraan.
Hangang sa dumating ang panahong kinatatakutan natin pareho, nasaktan ka nga. At siguro dahil sa pride o ego o pagkapahiya maging kami ay itinakwil mo at sinisi sa mga nangyari sa iyo. Naintindihan namin, alam kong masakit tangapin ang katotohanang iyon, nagkamali ka ngalang sa piniling desisyon upang matakasan ang pangayayaring iyun. Sana umiyak ka na lamang sa aming mga balikat, hindi ka naman namin pagtatawanan dahil sa nabigo o naloko ka, alam mong hindi kami ganun kababaw, malalim ang pinagsamahan natin nakalimutan mo ba?
Hindi mo kasalanang maloko at maging biktima ng isang nilalang na bahag ang buntot at walang paninindigan. Isang taong takot tangapin ang katotohanang hindi ka niya kayang ipaglaban maging ang pag-ibig niyo dahil alam niyang maging siya ay hindi kayang tumayo sa sariling paa.
Nakakalungkot nga lamang isipin na kaming mga kaibigan mo ang ginawa niyang sangkalan upang mapagtakpan ang kahinaan niyang iyun. Napakataas ng imaheng pilit niyang ipinapakita sa lahat, subalit hindi niya alam nagtataasan ang kilay ng marami dahil sa kanyang mga inasal... alam kong basag na siya... mahirap na sigurong maibalik muli ang tiwala ng marami sa kanyang kakayahan...sayang.
At ikaw naman mahal naming kaibigan, nakalimutan mong nandirito lanmg kami, naghihintay, nakikinig, nakikiramdam. Handa ka naming damayan upang makabangon muli kaya lang alam kong nilalamon ka pa rin ng iyong pride. Wala kaming magagawa iyan ang pinili...hindi kami ang nawalan.
Alam ko, o naming nahihirapan ka noong una...mabuti naman at nakabangon ka na sa ngayon. Subalit nakakatawang malamang dumating ka sa puntong kinalimutan mo maging ang iyong nakaraan, ang iyong pangalan, edad, eskuwelahan maging ang kursong kinuha mo. Ganito nga ba katindi ang nangyari sa iyo?

Kailan ka kaya magigising? Kailan mo kaya haharapin ang katotohanan? Kailan mo ilalabas ang iyong tunay na tapang? Sana...sana sa lalong madaling panahon...sapagkat natatakot akong humantong ka sa apat na sulok ng silid ng MENTAL HOSPITAL...

Nagmamahal,
Ang iyong Kaibigan,
BITCH

10 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

heheheh...baliw na ba talaga ang frend nyo? ipabasa ko nga to sa kanya.

Randy P. Valiente ayon kay ...

missed--
in luv ka sa sarili mo? sige nga halikan mo ang lips mo.

Unknown ayon kay ...

hehehe pabasa mo randy kasi sa nakikita ko hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya baka nagka amnesia lang? Ewan weird eh.

to miss eruption
hi thanks for dropping by, hope makita mo ang taong hinahanap mo.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahaha, isa ngang baliw itong kaibigan natin na matagal na rin nawalan sa katinuan! ay mali dahil hangang ngaun ay wla pa din siya sa katinuan! talaga nga bang nakakabaliw ang pag-ibig o sadya lamang na TANGA at BALIW ang ating kaibigan! tsk tsk tsk...

Unknown ayon kay ...

Gaga! ang taray mo naman masyado bitch ka talaga! Malay mo nagka amnesia lang o nahihibang? wat do you think? nakakaloka!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Kalokohan yan!!! hehe

Unknown ayon kay ...

he,he,he tama ka geri isan ngng kalokohan ang lahat ng ito kaya nga naloloka kaming lahat!he,he

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
[url=http://dumqcqlo.com/xioo/hzhp.html]My homepage[/url] | [url=http://tdqjczxd.com/zwuj/ywfr.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Well done!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice site!
http://dumqcqlo.com/xioo/hzhp.html | http://kupdiuog.com/mgat/thbe.html