Noong nakaraang Sabado nasa MTS or Matina Town Square (isang sikat na tambayan ng mga artist,yuppies,unemployed etc) dito sa Davao, kasama ko ang pamilya ko. Teka sa totoo lang hindi ko alam kung tama ngang “Pamilya” ang term para sa amin, siguro Oo, may isang Tatay, Nanay at anak. Pero madalas kapag nagkukuwento ako Boyfriend pa rin ang madalas kong itawag sa partner ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil hindi kami kasal? O siguro dahil ayaw pa naming magpatali sa salitang mag-asawa? Ewan ko...
Teka, lumalayo tayo so, yun nga nasa MTS kami dahil may meeting ang KATRIBU, yan ang tawag sa grupong madalas naming kasama dito sa Davao. Minsan kapag may performance sila join rin kami kapag nasa tamang mood, at dahil madalas naman na nasa tamang mood kami, lagi kaming kasali sa mga performance nila pati ang anak naming si Samadhi na dalawang taon na. Bukod sa nasabing meeting meron ding ginanap na Interactive Painting, ibig sabihin kahit sino pwedeng sumali magpinta, gumawa ng sketch at graffiti sa isang malaking canvass na naroon.
Ang anak naming si Samadhi ay walang alinlangan na sumali sa mga matatandang nagpipinta dun sa malaking canvass. Hinayaan naman namin siyang magpinta, may hawak na brush at pintura, halos dalawang oras din siyang naging abala sa pagpipinta. Although wala naman siya ginawa kundi ang gumuhit ng kung anu-ano at hindi maintindihang marka sa at kulay sa canvass. Napansin naming seryoso siya sa ginagawa niya at ayaw pa magpa-istorbo ng loka! Hindi siya katulad ng ibang bata na madalas mabilis magsawa sa ginagawa nila. Sabi ko sa sarili ko “aba future artist ang anak ko!”
Kaya kinabukasan, binilhan ko siya ng walong poster paint na ibat-ibang kulay, tatlong paint brush at papel na pwede niyang pintahan.Natuwa naman ang anak ko, at kaagad na sinimulan ang pagpipinta. At yun nga nagsimula na siya sa bagong trip niya ang pagpipinta! Sa ngayon nakadalawang master piece na siya!
Minsan naman kapag walang ginagawa at tulog ang anak ko, pinakikialaman ko naman ang mga gamit na yun sa pagpipinta. Syempre trip ko na rin ngayon ang painting, kahit wala naman talaga akong background sa fine arts etc. Trip lang, naalala ko kasi noong bata pa ako hilig ko nang gumawa ng grafitti sa dingding ng bahay namin. Kaya ito imbes na kulayan at pintahan ko ang dingding ng inuupahan namin ibubuhos ko na lamang sa canvass ang mga ideas ko sa visual arts.
Pero napansin ko lang mahirap palang talaga ilapat ang ideas sa canvass, may mga navisualize kasi akong picture sa utak na mahirap namang ilapat. Ang hirap kontrolin ng brush at minsan hindi nagtutugma ang kulay na gusto kong palabasin. Siguro konting tiyaga nalang at matuto rin ako. Si samadhi naman hahayaan kolang sa trip niyang pagpipinta, actually mas magandang tingnan ang mga ginagwa niya natural na abstract! He,he, he.
Sa ngayon goodluck nalang sa bago kong trip, anyway wala naman akong balak ipagbili ang mga gagawin ko trip lang...
6 (na) komento:
ayos yang trip mo! at least hindi ka nagsa-shabu o kaya e sumisinghot ng rugby. ituloy mo lang yan, malayo ang mararating mo, malay mo makarating ka ng cebu o kaya e ormoc.
kay samadhi, tama yan, pag kinakitaan mo na ng hilig sa pagpipinta, pabayaan mo lang. malay mo paglaki nyan maging service crew yan sa jolibee, suportahan mo lang.
pero teka, hayup kayo, 2 years old na ang anak nyo, di pa kayo nagpapakasal ni jhoy. pag nag-aral yang anak nyo, poproblemahin nyo pa ang apelyidong gagamitin nyan. kaya ngayon pa lang magpakasal na kayo. wag nyo nang pairalina ng pagiging anarkista nyo mga hayup kayo, magpakasal kayo kahit sa huwes, dahil baka si samadhi ang mamroblema ng mga legalities nya balang araw. tingnan mo ako, bad trip, di ako makakuha ng passport dahil tampered ang birth certificate ko. hind rin malinaw kung anong petsa ng birthdate ko, hindi kasi inasikaso ng mga parents ko noon.
baliw ka talaga! isa lang ibig sabihin kung bakit magulo ang birthcertificate mo malamang ampon ka lang he,he o kaya hindi ka ipinanganak ewan kung saan ka nangaling. Pati birthdate mo magulo kaloka ka!
tama ka si randy dapat makinig ka sa kanya yan ang magiging presidential adviser mo janet at habang tumatagal pagsasama nyo ni jomer mag pakasal ka na para naman makuha mo kami na taga kain or taga suntento nang ank mo!!
Well done!
[url=http://gdevjeaq.com/pntm/mzsb.html]My homepage[/url] | [url=http://bvfauimn.com/xzzf/kcva.html]Cool site[/url]
Great work!
My homepage | Please visit
Thank you!
http://gdevjeaq.com/pntm/mzsb.html | http://qvkctgjm.com/gsgp/ooyj.html
Mag-post ng isang Komento