Uy mga friends engage na ako! (Tama bang ibroadcast?) kunwari hindi nyo alam na may anak na akong dalawang taon gulang at buntis ulit ako ng two months (although nasa alanganin pa rin ako para sa next baby na ito).
Teka bakit ba bigla naman ata ang desisyon namin magpa-engage ng aking partner for almost five years! Take note limang taon na kaming nagsasama ng aking fafa ng walang kasal, sex at kwentuhan at pagtutulungan lang nakasurvive naman kami.
Siguro ito ang mga reason kung bakit bigla ay may suot na kaming engagement ring...
Una- We can afford na... na bumili ng engagement ring although hindi naman kamahalan dahil silver lang ito hehe (para hindi pwedeng isanla sa oras ng kagipitan)
Pangalawa- Binigyan kami ng idea ng isang friend couple namin na nagpa engage last Sunday (Thanks kits dodie and congrats!)
Pangatlo- Medyo na raramdaman namin ngayon ang insecurity, although halos palagi, dahil hindi naman maiwasan un sa mga may relasyon na ma-attract sa iba. At least this time sa palagay ko medyo ma-babawasan na ng konti, dahil iisipin namin na hoy wala ka nang karapatang tumikim ng iba dahil engage ka na! (Ganun ba un?) Or siguro, medyo makokonsensya na kaming gumawa ng hindi maganda... although napag-uusapan naman yun. Depende siguro sa ganda ng excuse at pambobola namin sa isa-isa. He,he
Pang-apat-Feel lang namin na may sing-sing sa kamay na may pangalan namin at date kuno ng aming pagkakakilala. Dahil actually wala kaming aniversary, hindi namin alam kung kelan nagsimula ang relasyon...kaya para safe nagdecide kami na July 4, 2000 kasi dun kami unang nagkausap, although una kaming nagkita sa isang PRIDE MARCH for gay and lesbian ilang araw ang nakalipas. (weird)
Pang-lima-Hindi ko alam ang pang lima, pero isa lang ang masasabi ko, hindi ako naniniwalang ang pagsusuot ng engagement ring ay isang magandang dahilan upang makapag-demand tayo ng exclusivity sa partner natin. Love is not exclusive... ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa taong pinakasalan mo o binigyan mo ng singsing, sa ayaw at sa gusto natin darating ang panahon na may makikilala at matutuklasan tayong bagong pag-ibig, at mararamdaman nating mas matimbang siya sa taong kasalukuyan nating kinakasama sa ngayon.
Pero para sa akin sa oras na dumating ang panahong iyun, isa lang ang itatanim ko sa aking isipan, naging maligaya ako, kuntento, malaya at may naging anak sa lalaking nakasama ko sa loob ng mahabang panahon. Siguro ang mga dahilan na iyon ay sapat na upang makapanimbang ako... oo ngat ang bagong pag-ibig ay nagbabadya ng isang magandang relasyon at bukas, subalit wala pa ring makakatumbas sa kahapon at kasalukuyan, kung saan kasama mo ang taong nagpalaya sayo, nagmahal ng tapat, umunawa, nag-alaga, at nakasama mo sa hirap at ginhawa kasama ng inyong mga naging supling... Sana nga....sapagkat hindi ko hawak ang bukas...
8 komento:
drama mo! sapakin kita e! nyeta ka! na-explore nyo na ni jhoy ang bawat kasingit-singitan nyo, may balak ka pang humanap ng iba in the future. kung ako sa yo, pati kay jhoy, mag-promise na kayo sa isa't isa na wala nang iwanan. habambuhay. till death. kahit sa impyernoat langit at purgatoryo, magsama kayo.
pero seriously speaking, wala na akong makitang partner na babagay isa man sa inyo kundi kayo lang. pag nagkahiwalay kayo, siguro sasaksakin ko na lang kayo isa-isa at sasabhin ko, bakit kayo naghiwalay mga hayup kayo! matapos nyong magsabog ng katas sa gudalupe, maghihiwalay lang kayo! hala! wag kayong maghihiwalay! tandaan nyo, walang bagay sa isang baliw kundi isang baliw din!
Ha,ha,ha Gago ka talaga! kahit kelan! Eh bakit ba? malay mo may mabulag sa akin o sa kanya na madalas naman mangyari at least may vision kami ng future mas safe. Magpa engage ka na rin kasi o baka naman kasal ka na hindi mo lang sinasabi sa amin? Ano???
pero tama ka alam ko din naman un na walang bagay kay jhoy kundi si janet kahit baliktarin pa ang mundo.
Tama yan, para ma-iba naman!!! hehe
Miss you all!
Vous avez vraiment fait un bon travail sur ceci. Gardez-le vers le haut !With Respect, Merna woven silver rings
Nice site!
[url=http://yotyvipv.com/dmfy/xlxh.html]My homepage[/url] | [url=http://sfjsqxfr.com/uglo/yxnb.html]Cool site[/url]
Good design!
My homepage | Please visit
Great work!
http://yotyvipv.com/dmfy/xlxh.html | http://tzcuehbz.com/gryi/bvya.html
Mag-post ng isang Komento