Hunyo 7, 2005

BAKIT MAY MGA TAONG...

Ito ha matagal ko nang tinatanong sa sarili ko to, kaya lang hangang sa ngayon hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nga ba may mga taong...

  1. Sobrang OA! Akala mo pasan nila ang buong daigdig kung umarte, may kakilala ako feeling niya siya na ang pinaka-aping tao sa buong mundo samantalang halos nagagawa niya lahat ng gusto niya, sunod sa luho, pasaway sa pag-aaral iyong tipong mag-aaral lang at gagraduate kung kelan nila gusto, kasi nandiyan ang parents na walang tigil sa pagbigay ng datung. Tapos nagkaroon lang ng konting problema, ung tipong syet hindi sinipot ng syota sa date! or mas mababaw pa dyan na problema, aba'y gusto nang mag-amok o magbigti ng sarili! nakakaloka! asan ang EQ mo????????????!!
  2. Sobrang Yabang! minsan may nakita kaming eksena, nagasgas ng isang taxi driver ang kotse ng isang yuppie na couple, oh well huwag nyo na itanong ang brand at model ng kotse kasi tipong second hand lang naman na toyota corolla na mukhang sampung taon na sa kanila. Aba'y ang couple biglang baba ng kotse niya at mega sigaw sa kawawang taxi driver! with matching kuha pa ng picture dun sa maliit na gasgas ng kotse nila. And then came the barkada ng couple na nakakotse din at yun pinagtulungan naman sermonan ang kawawang taxi driver. Para bang sinasabing mama ibili mo ako ng bagong kotse! Mga patay gutom sa totoo lang hmp!
  3. Sobrang Manhid! Sa mall o sa grocery minsan ayan ka na sa harap, halos humarang na ang buong katawan mo sa kanila dahil kailangan mong dumaan at nagmamadali ka na aba'y deadma pa rin sa mabagal na pamimili ng mga panindang hindi rin naman pala nila bibilhin. mga pasaway! Basta marami pang manhid sa mundo ibat-ibang eksena ibat-ibang uri tao.
  4. Mapagpangap... teka basahin nyo nalang ang post kong MASKARA.
  5. Walang puso...Mangmang o sadyang nagbubulag-bulagan...Mangagagamit.... at marami pang iba....

Sana lahat ng mga pasaway na taong hindi asal tao sana hindi na sila magising bukas! Gggggggggrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!

9 (na) komento:

Randy Valiente ayon kay ...

hindi ka naman galit nyan? meron ka ba ngayon?

aleksi ayon kay ...

neng..gaya moko..sabay tayo ha...inhale..count 10,9,8,7,6,5,4,3,2 and 1...exhhhaaalllee...aaannnddd...smile. now how o you feel? go go go! healthy living!

Secret Samadhi ayon kay ...

ok inhale...10, 9, 8, 7,6,5,4,3,2,1,...exhale....smile :) ok na ako thanks.

Randy paano ako magkakaroon eh buntis nga ako 2 months na ata ngayon. Hayup na mac yun tagal ko na nagpapabili ng cytotec hangang ngayon wala pa rin pasaway!

Randy Valiente ayon kay ...

nyaaa! buntis ka na naman? ang lupit niyo nijoy. siguro wala kayong ginawa ni joy kundi ang magkant.....tahan.

Secret Samadhi ayon kay ...

isa lang ibig sabihin nyan randy productive kami. Ikaw kelan kaya?????

eLf ideas ayon kay ...

Dear Luann,

Pareho tayo ng pananaw concerning "piracy." Nabasa ko ang comment mo sa blog site ni Randy.

Nakaka-disappoint talaga ang maraming tao, na mistulang walang compassion sa kanyang kapwa.

Di bale, tayo na lang na mga mas nakaiintindi ang magsilbing taga-neutralize ng mga ganyang tao.

Kung sila ang yang, tayo ang magsilbing yin.

Kung sila ang yabang, tayo ang maging hinhin.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
[url=http://kneczqxk.com/gsvh/zwje.html]My homepage[/url] | [url=http://snsaxgso.com/bmda/kpdr.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Great work!
My homepage | Please visit

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Well done!
http://kneczqxk.com/gsvh/zwje.html | http://mfanewca.com/lxds/ocaq.html