Enero 9, 2012

I kissed a girl and I like it…


I kissed a girl and I like It, the taste of her cherry chapstick
I kiss a girl just to try it, I hope my boyfriend don’t mind it
It felt so wrong, it felt so right
Don’t mean I’m in love tonight
I kissed a girl and I like it… I like it…

I know the feeling promise… alam ko ang pakiramdam at gusto kong ulit-ulitin sa kokote ko ang kanta hangang sa matabunan at malampasan nito ang LSS ng lahat ng mga LSS sa utak ko.

Bacolod, sa hindi malamang dahilan napadapad ako sa lugar na ito at namalagi sa loob ng halos mahigit isang taon. Actually nandito ako para sa isang trabaho, natural ano pa nga bang dahilan para mamalagi sa loob ng mahigit isang taon sa lugar katulad ng Bacolod o isla ng Negros? Bukod sa wala akong kamag anak o kaibigan dito wala rin naman ibang bagay na magtutulak sa akin na tumira ng ganun katagal sa isang lugar kung hindi dahil sa trabaho.

Dahil sa kadalasan puro lalaki nanaman ang nakasama ko, syempre wala akong choice kundi sumama sa kanila sa mga gimik at lakad nila tuwing weekend. Ok na yun kesa naman trabaho, kain at tulog nalang ang gawin ko sa buhay ko sa loob ng mahigit isang taon. Mahirap naman ata yun, baka bago matapos ang project namin dito eh hindi ko na kilala ang sarili ko malamang sa sobrang taba?

As usual araw ng sabado, naku po! katatapos lamang nilang matangap ang allowance nila para sa susunod na linggo. Dahil ang mga kasama ko eh galit ata sa pera o nagkakaroon ata ng allergy kapag may nakikitang pera sa mga bulsa nila, nagyaya agad ang mga lokong dumayo sa paborito nilang lugar sa Bacolod. Para kaagad na maidespatsa nila ang mga salapi nila sa lalong madaling panahon bago pa sila tubuan ng kung anong kati at bukol sa katawan dahil sa allergy.

Goldenfield, ang tawag sa isang lugar dito sa Bacolod City kung saan nakasentro ang lahat halos ng mga uri ng gimikan. Pero kadalasan puro beerhouse at ktv bar ang makikita sa lugar na ito, may mga mangilan-ngilang disco house at restaurant pero mas kilala ang lugar na ito na bilang palengke ng mga ibat-ibang uri ng pagbebenta ng aliw.

Dahil nag-iisang babae sa grupo ng mga kalalakihan walang choice ang lola mo kundi ang sumama sa kanila sa lugar na mas trip nilang puntahan. Saan pa kundi sa lugar na may makulay na ilaw na patay sindi malapit o malayo man ang pasko, parang araw-araw pasko at puno ng selebrasyon ang lugar na ito.

Habang naka-upo sa front seat ng van na dala ng grupo namin umikot muna kami ng ilang beses sa lugar para maghanap ng magandang bar hmmm… actually beerhouse na mapapasukan. Habang umiikot panay naman ang lapit ng mga bugaw sa sasakyan
namin sabay alok ng mga panindang balot ng kapirasong tela at may makulay na kolorete sa mukha na naka-upo sa o nakatayo sa tabi ng kalsada.

“Pre magkano ba?” Tanong ng kasama kong nagmamaneho ng sasakyan sa lalaking mukhang durugista na lumapit sa amin.

“800 lang sir magaganda at bata pa ang mga yan” sabay nguso sa limang babaeng nakatayo sa gilid. Isa-isa namang lumapit at lumitaw sa liwanag ang mga dyosa ng kadiliman este ng gabi.

“Ang mahal naman ng mga yan ito ngang nakatabi ko 300 lang eh” Sagot ng kasama ko sabay turo sa akin.

Aba, ang walanghiya at ginawa pa akong prosti?! Pero sige na nga kahit na nakapantalon at blouse naman akong mukhang kagalang-galang hindi naman maitatago sa mukha kong cheap nga ako. (nyahaha) Fine 300?!

Naisip ko kung isa nga akong pokpok at kumikita ng tatlong daang piso o higit pa sa bawat lalaking magiging customer ko… hmm teka kailangan ng matinding mathematics dito at kaalaman sa negosyo. Tatlong daan piso o mahigit bawat customer, sabihin natin tatlong customer bawat gabi? (kapag matumal). Dapat alas nuwebe palang nakaligo na ako nun at kasalukuyan nang ibinibilad ang sariwa at kaakit-akit kong katawan sa mga parokyano.

Tama ba ang oras na alas nuwebe? O dapat alas otso kaya? Sabihin na natin ang bawat customer ay nagtatrabaho at umaalis sa mga opisina nila ng alas singko hangang alas sais ng gabi. Isang oras sa trapik, isang oras para sa ilang bote ng beer pampalakas ng loob at pang alis ng kaba at pampalabo ng mata … para kunwari maganda ang babaeng mababayaran nila ng mura para sa panandaliang ligaya.

Kung alas nuwebe ay may customer na, magbibigay ako ng dalawang oras para sa unang parokyano, kasama na dyan ang muling pag-ligo? (teka naliligo ba ulit sila o punas-punas nalang?) So dapat alas onse nasa labas na ulit ako at muling inilalako ang medyo sariwa at kaakit-akit pa rin namang katawan sa susunod na parokyano.

Pagdating ng alas dose may customer na ulit ako! Dalawang oras ulit para sa kung anu-anong ritwal bago magkabayaran. Pagdating ng alas dos o mahigit nasa labas na ulit ako…medyo haggard pero inilalako pa rin ang malapit ng mabilasang ganda pero kaakit-akit pa rin sa paningin ng mga lasing nang susunod na parokyano.

Pagkatapos ng pangatlong customer ng bandang alas kuwatro ng madaling araw, kumita na ako ng; sabihin natin sinigil ko ng limang daan ang unang parokyano, kasi syempre mabango at kumikinang pa ang ganda ko nun. At four hundred pesos naman para sa pangalawa at three hundred pesos naman para sa pangatlo.




Kung susumahin kumita ako ng isang libo at dalawang daan para sa gabing yun. Dahil syempre magtataxi ako pauwi, aalukin ko nalang si manong driver ng kung anong kaya kung ibigay sa kanya kapalit ng paghatid nya sa akin sa tinutuluyan ko bago tuluyang mapanis ang paninda ko.

Hmmm…pwede…pwede…Pero bago pa ako magpalit ng career ituloy na muna natin ang kuwento.

Hindi pa nababahiran ng alak ang mga lalamunan ng mga kasama ko, kaya pangit pa sa mga paningin nila ang mga babaeng inalok ng bugaw na mukhang durugista sa kanila. Nagpasya kaming pumasok sa isang beerhouse na may katabing anim pang ibang beerhouse. Hindi ko alam kung bakit yun ang naisipan nilang pasukin.

Pare pareho namang may nakaupo sa harapan o sa tabi ng mga pintuan ng bawat beerhouse ang mga babaeng pambato nila sa giyera. Karamihan sa mga babaeng ito ay nakasuot ng mga damit na halos wala namang natatakpan kundi ang mga bahagi na kunwari ay tinatakpan o pilit na tinatakpan.

Kumakaway ang mga babae sa mga kasamahan kong anim na lalaki, isa isa silang naglapitan kanya kanyang diskarte ng pambobola, may isang halos ipakita na ang nipple sa kaka-adjust ng suot niyang bra para lalong lumuwa ang kanina pa atang nagmumurang suso na gustong lumabas (galit ata sa bra).

Isa-isang nagpasukan sa entrance ang mga kasama kong lalaki kasunod ang mga babaeng tuwang-tuwa sa hindi malamang dahilan. Hinarang naman ako ng mamang may malaking katawan at matitigas na masel na nakatayo sa tabi ng pinto. Napatigil ako…hindi ko alam kung bawal akong pumasok o napagkakamalan niya akong mag-aaply pero mukhang hindi naman papasa sa beerhouse nila kaya niya ako hinarang.

“Miss may entrance fee ka…” mahinahon namang sabi ng mamang may malaking katawan at matitigas na masel.

“What???!! Ako pa ang magbabayad? Eh anong meron sila na wala ako? Eh nakita ko na rin ang mga yan?!” Sagot ko na ang tinutukoy ay ang mga babaeng galit sa tela.

Tiningnan ko ulit ang mga babae para malaman ang sagot sa tanong ko… ahhh Oo nga pala meron nga sila na wala ako… malalaki ang mga boobs nilang kaaway lagi ang bra!

“Magkano kuya?” Tanong ko sa mamang may malaking katawan at matitigas na masel.

“Fifty pesos” Gusto kong masamid sa pagkakabigkas ni kuya ng “Fifty Pesos” parang may kasamang kaliwang kilay na tumaas at pilantik ng daliri ang pagkakabigkas ni kuyang may malaking katawan at matigas na masel sa salitang “Fifty Pesos”.

Nagbayad ako ng “Fifty Pesos” tumaas talaga ang kaliwang kilay ko! At pumasok sa panibagong mundo.

Feeling ko ako si Alice in Wonderland … maingay sa loob ng beerhouse may sampung lamesang may nakaupong mangilan-ngilang kalalakihan na may mga katabing babaeng puno ng kolorete sa mukha, halatang galit sa tela at ipinagmamalaki ang mga boobs nilang may malaking galit sa bra.

May isang stage sa gitna na may dingding na salamin, may isang posteng makintab na bakal sa gitna. Maingay ang loob ng beerhouse at patay sindi ang ilaw na may ibat-ibang kulay pakiramdam ko nasa loob ako ng Christmas Tree, o isa akong palamuti na nakasabit sa Christmas Tree.

Lumapit ako sa mga kasama ko, may katabi na silang tatlong babaeng galit din sa tela, mukhang bata pa ang mga babaeng katabi nila at in-fairness magaganda. Hindi pa ako lasing kaya alam kong magaganda talaga sila as in maganda ng hindi hamak sa akin (hu,hu,hu mukhang hindi ata talaga ako papasa sa ganitong uri ng trabaho…malamang wala akong magiging customer)

Umupo ako sa isang bakanteng upuan ang tatlong babae naman ay pinapagitnaan ng anim na mga lalaking katropa ko. Tiningnan ko ang buong paligid, nahalata kong ako lang ang babaeng customer sa loob para bang sinasabing I don’t belong here, mali ata ang lugar na napasukan ko kaya pala siningil ako ng entrance ni kuyang may malaking katawan at matigas na masel. Hindi kasi ito ang lugar para sa mga babaeng katulad ko na gustong gumimik.

Hmmpp bahala na, first time tingnan ko kung anong makukuha ko sa lugar na ito (huwag naman po sana sakit, o bukol kung sakaling may mag amok na lasing).

Lumapit ang waiter sa table namin kanya kanyang order ang mga kasama ko pati na rin ang mga babae sa ladies drink nila. My god ha! Ang mahal ng ladies drink 200 ata bawat isa samantalang ang beer na iniinom namin singkwenta pesos lang!

Gusto kong tanungin bakit ang mahal ng mga beer na binibigay nila sa mga babae at bakit hindi yung pangkaraniwang beer nalang. Pero, since busy ang mga kasama ko sa mga katabi nila wala akong choice kundi magmasid at alamin sa sarili ko kung bakit ang mahal ng mga tinatawag nilang ladies drink. Napansin ko ring ang bilis magsi-inom ng mga ladies drink nila ng mga babaeng ito, halos nakakatatlong lagok palang ako ng san mig light na iniinom ko sila naman pangalawang bote ng ng alak nila.

Hays, anong meron sa akin bakit kapag kasama ko itong mga katropa ko feeling nila lalaki din ako at wala silang pakialam na nasa harapan nila ako; habang kinakalikot at nilalapirot nila ang mga bahagi ng katawan ng mga babaeng kasama namin sa table na kunwari eh tinatakpan ng mga kapirasong tela?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, nababastusan ba ako sa mga ginagawa nila sa harapan ko? Na-kaka-offend ba? Apektado ba ako? Hmmmm hindi naman…sabi nga nandito sila “to have a good time”. Mag-enjoy, at since ito ang konsepto ng enjoyment para sa kanila wala akong magagawa audience lang naman din ako sa buhay nila.

Kanya kanya ng trip! tuwang tuwa ang mga kasama ko sa laruan nila parang sinusulit ang bawat oras na inilalagi ng mga babae sa table namin… pumapatak ang metro tumataas ang bill habang maya-maya din ang order ng mga babae ng mga ladies drink nila…

Nagpapakalasing sila, parang nilulunod ang mga sarili sa espiritu ng alak…unti-unting pinapatay ang kanilang mga kamalayan, ang kaunting hiya, habang paulit-ulit na kinakausap ang bawat parokyano sa sarili nila:

“na sige mag-enjoy ka gawin mo ang gusto mong gawin, hawakan mo ang gusto mong hawakan, hindi mo naman madadala sa inyo yan…bukas isang ala-ala nalang ang mga yan sa kokote mo pero sigurado ako babalik at babalik ka…hanap-hanapin mo ang mga yan…”

Nakikita ko silang pilit na ngumingiti pero kaagad na nawawala ang ngiti kapag napapadako ang tingin nila sa akin na nakatingin din. Hindi ako nanghuhusga gusto ko lang magmasid…gusto kong basahin kung ano ang iniisip nila habang pilit ko namang inuubos ang mapait at malamig na beer.

Bakit ako nandito? Ito rin ba ang konsepto ko ng “having a good time?”

Ayoko ng magconcentrate sa mga nakikita kong ginagawa ng mga kasama ko at ng mga ka-table nila. Sinubukan ko namang ituon ang pansin sa babaeng nakasuot ng dalawang kapiraso ng tela na nagsasayaw sa entabladong napapaligiran ng salamin pati pala ang kisame salamin din ngayon ko lang napansin.

Maharot ang bawat galaw ng babae, hindi ko na maalala kung sa saliw ng kung anong tugtog siya sumasayaw. Ang naaalala ko nalang ay ang malandi niyang paggalaw habang umiikot, lumiliyad at ipinagmamayabang ang dibdib niyang gusto na ring kumawala sa suot niyang kakapirangot na brang kulay pula.

Maya-maya lang ay lumapit sya sa makintab na posteng nasa gitna, sinayawan nya ito na parang lalaking nakatayo sa harapan niya. Umikot-ikot sya dito, inilalapit at inilalayo ang sarili habang hinuhubad ang bra at muling humarap sa mga nakatungangang customer na halatang nag-aabang sa mga ganitong eksena.

Kasunod nito ay ang pagbaba niya sa suot niyang panty habang gumigiling pa rin, napansin kong halos lahat ng mga kasama ko ay nakatingin na sa entablado.

Gumigiling, umiindayog pa rin ang babae habang tinitingnan ang repleksyon ng mala dyosang katawan nya sa salamin. Maganda sya, maganda ang hubog ng makinis niyang katawan at mukhang bata pa, sa palagay ko nga ay dise-otso lang ang babae sa harapan. Napansin kong proud din ang babae sa katawan niya… proud sya sa sarili niya. Sabi nga diba if you have it plunged it! At ganun nga ang ginagawa ng lola mo, ipinagmamalaki ang dapat na ipagmalaki.

May naramdaman akong kakaiba sa sarili ko, bukod sa insecurity (nyahahhahaha) ang ganda niya kasi at ang seksi. Sa totoo lang humahanga talaga ako sa mga babaeng magaganda, makinis at may magandang kutis. Syempre iba talaga yung may kaiga-igayang nakikita ang mga mata, hindi ako yung babaeng may galit sa mga babaeng magaganda lalo na kapag may magagandang ugali.

Hmmmm…now I am having a good time! Tinawag ko ang waiter na naka-assign sa table namin, pagkalapit ng waiter may ibinulong ako dito at kaagad naman siyang tumango. Napansin nya rin atang ang lakas naming umorder ng gabing iyon at kami ang tipo ng customer na magbabayad na hindi na makikipag basagan ng ulo o makikipagtalo pa sa manager pagdating ng singilan.

Sa wakas natapos din ang nakakapasong sayaw ng babae! Nilagok ko ang natitirang beer sa bote ko at um-order ng isa pa. Napansin kong busy na ulit ang mga kasama ko sa mga katabi nila, ang mga babae naman ay ganun din busy sa paglaklak ng mga ladies drink nila na para bang nagpapaligsahan o natatakot na maubusan.

Maya-maya pa ay tinapik ako ni manong waiter, nakatayo sa tabi ko na pala ang babaeng kanina lang ay parang dyosang nang-aakit ng bawat adan sa entablado.

“Hi!” bati ko sa kanya sabay tayo para bigyan ng espasyo sa upuan ang babae.

“Ako nga pala si Yumi” nakangiting sabi ng babae habang umuupo sa tabi ko. Napansin kong nakasuot siya ng kulay white na tube style blouse at pekpek short na maong.

Napatingin naman sa akin ng sabay ang mga lalaking kasama mo hindi ko alam kung nagtataka o nagugulat ang expression ng mga mukha. Gumanti lang din ako ng tingin na may malaking ”WHAT?” sa kanila. Ngumiti lang at back to normal na ulit ang mga kasama kong busy na ulit sa kakakalikot at kakalapirot ng mga kanina pa nila kinakalikot at nilalapirot.

What nga ba? Ano naman ang gagawin ko dito sa babaeng katabi ko ngayon? Lalapirutin at kakalikutin ko din ba ito katulad ng mga ginagawa ng mga kasama ko sa mga katabi nilang babae?

O magkukuwentuhan kami na parang magkabarkada lang na nasa gimikan? Ano naman ang pag-uusapan namin? Ipakuwento ko kaya sa kanya ang drama ng buhay niya kung paano siya napadpad sa ganitong trabaho? Hmp, ang korni naman kapag ganun! I want to have a good time… at dapat eh simulan ko na ngayon.

Awkward moment, sige na nga umorder ka na muna ng kahit na ilang ladies drink na kaya mong ubusin habang pipilitin ko na munang lunurin ang sarili ko sa alak. Ayoko namang malasing, at promise hindi ako lasing sa tatlong bote ng San Mig Light na nainom ko so far.


Hays ang ka-table ko nakikipaghuntahan sa kasamahan niyang babae na nasa tabi rin nya, sayang naman ang ladies drink nito. Dalawan daan bawat isa nun ha! Napansin nya atang tahimik ako maya-maya na bored ata ang mga kasama ko at gusto rin ng bagong excitement at ako ang napag-tripan.

“Oh, wag mong sabihing dedeadmahin mo lang yang katabi mo buong magdamag?! Kung kausap lang ang gusto mo sana kami na kinausap mo at hindi ka na nagtable sayang bayad dyan, patabihin mo nalang sa akin” Eksena to the max na sabi ng isang ka-officemate ko.

Badtrip tong mga kasama ko at ako naman ang napansin, actually hindi ko nga alam kung anong gagawin ko dito sa katabi ko. Ayoko namang ipasa sa kanila at mukhang babalahurahin lang nila yung babae kawawa naman, at isa pa ako magbabayad ng drinks nito.

Eeewww…hindi naman ako tibo kasi noh! Babae ako! At dalawa na ang anak ko! At I’m sure as in sigurado akong Titi ang gusto ko at hindi pekpek!

Pero katulad nga kanina, minsan humahanga talaga ako sa magagandang babae katulad nitong babaeng katabi ko. Cute sya promise, maganda ang mukha niya at sige na nga crush ko sya? O type ko sya? Type… anong ibig sabihin ko ng type? Hays ano ito middle age crisis? O simpleng paghanga lang dala ng espiritu ng alak, tukso ng lugar at mga eksena sa paligid ko?

“Can I kiss you?” Biglang sabi ko sa katabi kong biglang napangiti at sabay na inilapit ang pisngi sa akin.

“Hindi, gusto ko sa lips…”

Ayun! Narealise ko nalang na kahalikan ko na nga ang si Yumi! Ang lambot ng labi nya, mabango…hmmm lasang cherry…hindi ko alam kung ilang minuto na naglapat yung mga labi namin. Nakapikit ako at feeling ko ganun din sya, hindi ko alam kung paano ipaliwanag yung kakaibang pakiramdam na naramdaman ko habang ginagawa naming yun. Iba ang feeling…mas masarap palang halikan ang mga babae…

Feeling ko nag enjoy din sya sa kiss namin, matagal…promise at napansin ko nalang na naghihiyawan ang mga kasama namin sa table yung iba kinuhanan pa kami ng picture!

At pagkatapos? Gusto ko pa promise! Pareho kaming nakangiti pagkatapos ng eksenang iyun. Pero syempre hindi naman ako nagging parang lalaki na kung anu-ano ang ginawa sa katabi. The night goes on… hangang sa magsasara na ang bar at napilitan kaming umuwi matapos magbayad ng mahigit fourteen thousand pesos para sa gabing iyun!

When I checked on myself hindi naman nagbago ang tingin ko sa sarili ko, babae pa rin ako at matigas at galit na titi pa rin ang gusto ko.

At ang LSS ko? As in Last Song Syndrome

I kissed a girl and I like It, the taste of her cherry chapstick
I kiss a girl just to try it, I hope my boyfriend don’t mind it
It felt so wrong, it felt so right
Don’t mean I’m in love tonight
I kissed a girl and I like it… I like it…

1 komento:

carlynne sales ayon kay ...

LSS..bawat kanta na napakikinggan ko talagang iniintindi ko habang pinipicture out ko ang scenery. at ng mabasa ko ang kwentong to talagang nasamid ako,minsan ko na rin kasing na feel na gusto ko ang ritmo ng babae lalo na pag napapanood ko at naka costume pa naku!as in para akong sasabog,,pero after watching every scene mas gusto ko pa rin na adan ang kasalo ko.