The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Enero 7, 2012
PHOTOSHOOT
Matagal ko ng gustong magpa-picture ng nude, as in hubod’t hubad! Hindi naman maganda ang katawan ko at hindi ko din naman ito ipinagmamalaki, pero for art sake dahil feeling ko artist as in self proclaimed artist ako, gusto ko namang makita ang sarili ko sa isang litratong artistic na naka-nude.
Noong ipinagbubutis ko ang panganay ko, naisip ko wow, parang ang gandang magpapicture ng nude at buntis! Una, may maipapakita akong ebidensya sa anak ko na talagang ipinagbuntis ko sya at sa akin sya nangaling at tipong once upon a time, napatunayan kong may matris ako.
Pangalawa… wala lang… naisip ko lang maganda ang ganung imahe... lalo na siguro kung magaling at professional ang photographer.
Kaya naman nung may nakilala akong isang professional photographer at naghahanap ng volunteer para sa ganung klase ng photo opportunity, nag-volunteer ako. Kaya lang, habang palapit na ng palapit ang deadline, dinalaw ako ng paborito kong kaibigan… dinalaw ako ng hiya at ng karuwagan.
Na-realize ko na ang dami kong flaws sa katawan at kailangan ko ng over all make over! At feeling ko magiging milyonaryo lalo si Vicky Belo kapag naging customer nya ako, buti nalang wala akong ganun kalaking halaga ni pisong duling para aksayahin sa mga ganung klaseng kaartehan.
Kaya walang nangyari sa pangarap kong nude photoshoot hanggang sa manganak nalang ako at nadagdagan pang lalo ang mga dapat kong ipa make-over dahil sa stretch marks. Pero, heto ako ngayon, kung kelan naging dalawa na ang anak ko, pumasok nanaman sa kukote ko ang pangarap na nude photoshoot na yan.
May isa akong kaibigan sa FB na isang kilala at kontrobersyal na artist, although hindi naman sya photographer nauwi minsan ang usapan namin sa pangarap kong nude photoshoot.
Hindi ko alam kung paano kami nagsimulang mag-usap samantalang hindi naman kami close at hindi pa kami nagkikita ng personal. Nakita ko lang ang mga paintings at art works niya at mapapabilib ka. Nakapagpa-exhibit rin siya sa ibat-ibang mga bansa. Marami kaming mutual friends at iba malapit na friends ko din talaga na sa Facebook, minsan naglakas loob na rin akong batiin sya ng Hi… with smiley habang online. Konting kwentuhan hangang sa mabanggit ko na gawin niya akong subject sa isang photoshoot.
Hindi ko alam kung anong nakain nya at nag-suggest na tutulungan nya daw akong matupad ang pangarap ko na iyon. Pumayag naman ako, naisip ko na ok rin na siya ang kukuha ng mga litrato, hindi ko naman siya lubos na kilala para ibigay ang aking tiwala pero alam ko naman na professional siya at hindi ang tipo ng taong gagawa ng kalokohan.
Kinabukasan, pagpasok ko sa opisina inihanda ko na ang sarili ko para sa importanteng araw na iyun. Pinadalhan ko rin siya ng mensahe sa Facebook na ready na ako sa gagawin namin.
Mabilis din naman siyang sumagot at game na rin daw siya, tamang-tama dahil wala siyang kasama sa bahay ng araw na iyun dahil may lalakarin ang kanyans partner. Nagpadala pa siya ng email kalakip ang isang goggle map with matching arrows at kulay na itinuturo ang daan papunta sa bahay niya just to make sure na makakarating ako ng hindi naliligaw. (kakaloka!)
So… this is it?! Wala na bang urungan ito? Sigurado ba akong hanggang nude pictorial lang ang gagawin namin? What if, sa gitna ng mga pangyayari eh bigla kong ma feel na type ko syang anuhin… alam nyo na yun. O baka naman siya kahit na gaano ka professional at gentleman eh biglang ma-arouse at yakapin nalang ako at… OMG! Hindi pwede itoh.
Teka ano nga bang hitsura ng taong iyun? Sa totoo lang kasi wala akong makitang picture niya kahit sa kanyang profile sa Facebook. Puro paintings at artworks niya lang ang mga naka display dun, kaya wala talaga akong idea kung paano at ano ang magiging pakikitungo ko sa kanya.
At isa pa hindi ko pa talaga siya lubos na kilala, ang alam ko lang magaling siya magpinta, matalino, at marami kaming mutual friends sa facebook! Yun lang!
Naku, ayoko namang umurong nakapag commit na ako sa kanya, at nakakahiya naman kung bigla akong mag back-out nang walang dahilan. Nakakahiya naman kung sasabihin kong natatakot akong marape nya, sa itsura kong itoh? May ganung drama!?
Sige na nga go, go, go! Pumunta ako sa bahay nilang napakadaling puntahan, salamat sa goggle map at sa mga makulay na arrows dahil nakarating ako sa kanila ng matiwasay. Pagdating sa may kanto nagtxt ako sa kanya at ilang sandali lang nakita ko na ang isang lalaking papalapit sa akin. Malakas ang kutob kong siya na nga, sa hitsura palang parang artist na artist na (ano nga bang hitsura ng artist? Ewan basta feel ko lang).
Hi! Syempre ngayon with totoong smile… so ikaw pala yun! Medyo naiilang pa kami sa isat-isa na naglakad patungo sa bahay nila. Hmmmm ganito pala ang feeling, first time nyo mag meet pero alam mong mamaya lang ay makikita niya ang hubo’t hubad mong katawan sa ngalan ng sining? Hindi naman ako nakadrugs ng lagay na ito? Naku! Bahala na…
Nakarating kami sa bahay nila at napatunayan ko sa sarili kong talagang magaling sa napili niyang larangan ang taong ito. Minsan, may mga weird na artworks na hindi ko maintindihan…well, kaya nga tinawag na art di ba? It is something na mahirap intindihin ng karaniwang taong kagaya ko.
Inalok niya ako ng tea at kunwari’y hindi ako kinakabahan na nakipag-usap sa kanya, konting interview konting chika, nalaman ko nga na may asawa na siya pero hindi ko alam kung kasal sila. Feeling ko walang kasalang naganap… siguro live in din sila katulad namin ng partner ko. Pero matagal na din silang nagsasama parang tipong college days palang eh magkasama na sila nung babae na pareho din ng hilig. Sa katunayan may mga paintings din na naka display sa bahay nila na gawa ng partner niya.
Mahirap palang maging isang artist sa Pilipinas, kahit na napakagaling mo at ilang beses ka nang naimbitahan sa ibang bansa para mag exhibit o sumali sa mga kung anong international na contest at convention sa ngalan ng art eh hindi ka talaga yayaman.
Although sisikat ka dahil sa galing mo… pero dito sa Pilipinas ang mga taong may totoong galing at nagbuhos ng oras at panahon nila sa ganitong larangan madalas eh namamatay nalang na hindi man lamang nakaranas ng magandang buhay; kumpara sa mga taong nagtatrabaho sa isang kumpanya na walang ginawa kundi ang bantayan ang takbo ng oras mula alas otso ng umaga hangang alas singko ng hapon.
Anyways, back to regular programming… tapos na ang tea moment… naubos ko na halos ang tatlong tasa ng tsaa. Maghuhubad na ba ako?
Ready ka na? tanong niya sa akin…
Saan tayo? Kunwari game ako na tanong ko pero parang gusto kong tumakbo palabas ng pinto promise!
“Dito na… ayusin ko lang itong mga kalat, maglalagay lang ako nang manila paper para matakpan yun pintura tapos ok na yan.” Super explain si kuya.
Eh yung ilaw? Hindi ba natin papatayin para mas maganda ang effect ng lighting? Kunwari artistic din ako, suggestion ko.
Syempre, papatayin natin ang ilaw! Ito na nga ang DIY lighting na ginawa ko. Pinakita niya sa akin ang dalawang maliliit na ilaw na nakakabit sa extension cord.
Ok, ok game… teka mag-aalis lang ako ng damit, sabay sugod ko sa CR (nakakaloka nag CR pa hindi nalang naghubad sa harapan nung lalaki pareho din naman yun!)
Lumabas ako ng CR… sabay tanong sa kanya… “walang pantapis?”
Nag-abot naman siya ng isang sarong na ginawa kong pantapis sabay pwesto na ako sa lugar kung saan ako dapat pumuwesto. Nakapatay na ang ilaw pero syempre maliwanag pa rin dahil sa DIY na ilaw na ginawa nya. Kitang kita pa rin ang mga dapat kong itago, ang mga flaws, ang stretch mark… pero deadma na kunwari.
Napansin ko namang seryoso at pinipilit na maging professional ng kasama ko, maya-maya lang nawala na lahat ng inhibitions at hiya ko sa katawan. Deadma na ang mga flaws, deadma na ang stretch marks at deadma na rin kung anong iniisip ng kasama ko sa mga makikita nya.
Pose dito pose dun ang ginawa ko, awkward dahil unang una hindi ako sanay at wala akong alam sa bagay na ganito. Bahala na kung anong kalalabasan ng photo session na ito, ang kumukuha rin naman ay hindi professional photographer at first time din niya daw sa ganitong experiment.
Sa wakas natapos na din ang photoshoot hindi ko alam kung paano natapos, basta na feel nalang siguro namin na nakakapagod din pala ang ganito. Siguro hindi na curious sa katawan ko ang kasama ko, at siguro ako naman nawala na ang nararamdamang hiya, as in totally nag evaporate, parang nagsawa na din ako na mag-pose ng mag- pose.
Tiningnan namin ang kinalabasan ng experiment, merong magandang kuha, may pangit pero more or less ang masasabi ko lang satisfied naman kami pareho sa kinalabasan.
So… whats next? Nagbihis ako…actually parang sanay na nga ako ng nakahubad kaya parang nawala sa isip ko na kailangan ko palang magbihis at takpan ang mga dapat takpan.
Inalok niya ulit ako ng tea, syempre pumayag naman ako … nakaupo kaming magkatabi sa living room nilang Japanese style, may carpet at mga unan na nakapalibot sa amin. Parang masarap mahiga… pero hindi ko ginawa baka isipin nya ready akong gumawa ng bagay na wala sa usapan namin ng oras na iyon.
Hhhhhmmmm alam kong may nararamdaman syang kakaiba…syempre lalaki pa rin naman sya kahit sabihin nating artist at professional, iba pa rin naman kapag may nakita kang hubad na katawan ng babae at katabi mo at kayong dalawa lang sa isang romantic ambiance na room.
Nagpa-alam na ako… hindi naman sa hindi ko siya type o sa hindi siya kalibog-libog para sa akin. Naisip ko lang ang sarap niyang maging kaibigan, hindi siya katulad ng ibang lalaki. Parang siya ang tipo ng taong pagkakatiwalaan mo at hindi ka iiwan kahit kailan. Ayokong masira ang ganitong relasyon namin ng dahil lang sa sex.
Naisip ko kasi kapag may nangyari sa amin, pag seselosan ako ng asawa niya, o baka mailang na siya sa akin o baka bukas hindi niya na ako pansinin kahit sa FB man lang.
Mas maganda sigurong ganito nalang muna kami… friends? Hmmmm pero paano ko kaya aaminin sa kanyang nagbaon ako ng condom?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
nsaan n n ung pic im excited to see it what it was!were!hehehe!
Mag-post ng isang Komento