Hulyo 5, 2008

Misadventures … sa Palawan ulit!

Katulad ng iba pang lugar dito sa Pilipinas, kung paano naging parang paraiso sa iilan lalo na sa mga dayuhan ang Palawan dahil sa magagandang beaches nito at magagandang tanawin. Minsan naman, dahil sa mga hindi magagandang karanasan at mga pangyayari sa nasabing lugar, ang paraiso ay nagiging mala-impyerno din.

Oo, inaamin ko talagang nag-enjoy ako ng husto sa ginawa kong pamamasyal y trabaho sa Palawan isang linggo na ang nakakaraan. Pero kung gaano naman kataas ang level ng kasiyahang naranasan ko, ganun din ang level ng pagkabuwisit at pagka-inis na naramdaman ko habang nasa nasabing lugar ako. Patawad pero talagang isinumpa ko ang pagpunta ko dun sa lugar with matching promise sa sarili na hindi na ulit ako babalik dun.

Siguro talagang malas lang ako o baka naman nagkataon lang talaga? Ewan ko hindi ko alam pero halos maloka to the maximum level ako sa mga misadvetures ko!

Unang una – hindi ko alam kong isa akong bayaning empleyada ha, dapat talaga bigyan ako ng award ng opisina naman sa mega effort at pagtitiis na ginawa ko dun ma-accomplished lamang ang assignment ko. Kasagsagan ng bagyong Frank, simula umaga hangang hapon grabe ang buhos ng ulan. Ang lola nyong adik ata, kasalukuyan ding bumibihaye sakay ng isang motorsiklo 80km sa isang maputik, lubak-lubak, delikadong daan sa gitna ng bundok para marating ang isang maliit na barangay sa bandang west coast ng Palawan!

Ang kalsadang dinaanan ko (DPWH) ano ang masasabi nyo?

Ang sakit ng pwet ko sa pagkaka-upo sa motor, feeling ko nga isinumpa na ako ng pwet ko dahil sa parusang binigay ko sa kanya. Ang likod ko halos gusto nang kumalas dahil sa pangangawit. Imagine basang-basa sa ulan (kahit naka raincoat ako) nanginginig na ako sa sobrang ginaw at parusa pa ang lubak na kalsada sa malayong biyaheng iyun.

At ang pagkakataon ewan kung masyado atang sadista, syempre dahil malakas ang ulan halos apat na tulay na dinaanan namin ang inabot ng tubig ilog. As in ang lola nyo mega tawid sa ilog! Takot nga ako baka tangayin ako ng agos at mapa-goodbye cruel world akong bigla!

Ayan naman ang tulay na naging ilog! kakaloka sana naman may bangka dito diba?

At isa pang nakaka-inis ha, ang driver ko…hindi man lamang cutie! Ok lang sana sa akin na maranasan ang mga ganung uri ng kalupitan ni mother nature kung meron naman akong knight in shining armor na type ko diba? Imagine wet look kayong pareho tapos mega travel adventure kayo sa isang isolated na lugar. Ohh diba? Parang napaka romantic ng dating! Kaso yun nga, nakakaloka na nga ang adventure ko hindi man lamang ako sulit sa kasama ko, bigla ko tuloy na miss ang aking fafa!

Anyways para lalo talaga kayong magtumbling with matching split sa nangyari sa akin ito nalang imagine ang hirap na dinanas ko papunta run sa lugar, yung 80 km na ganung kalsada… well dinaanan ko ulit dahil that same day kailangan kong bumalik ng Puerto Princesa! Sugod ulit sa ulan, tawid ulit sa apat na ilog (nagtataka ako kung bakit hindi na rin lang ako tinangay ng agos) sakay sa nakakangawit na motor, daan sa parusang kalsada kasama ang driver kong driver lang talaga period!

Paano ka naman tatawid dito?!

Pangalawa- Linggo, paalis na ang bagyong Frank. Dahil bad trip na ako sa tagal ko sa Palawan ibig sabihin tigang na lola nyo. Imagine walang sex sa loob ng halos mag-iisang linggo? Ewan ko ba kung bakit wala akong nakitang ka-igaigaya sa paningin ko dun o walang nakakita sa akin na ako'y kaiga-igaya? Alin man sa dalawa isa lang ang ibig sabihin, hindi ako lubusang nag-enjoy sa lakwatsa kong ito.

Dahil schedule na ng flight ko excited akong pumunta ng airport! Ang aga-aga ko dun promise! At nakaka-inis cancelled and flight ko pabalik ng Cebu? What??? Tama ba ang narinig ko? Ibig sabihin may isang gabi pang magtitiis ang lola nyo. Kayanin kaya ng powers ko ito?

Sa awa ng Diyos kinaya ko naman, naloka pa ako dahil tumawag ang boss ko mega concern naman kasi siya nag-alala, dahil baka kung mapaano na ako at mag-eextend nanaman ako ng isang araw. At nagtanong…wala bang nang-rape sayo dyan or something? Hello? Wish ko lang! ang sagot ng lola nyo unfortunately wala!

Pangatlo – Kinabukasan yes! Makaka-uwi na rin ako, nawindang naman ako dahil ang isang kaibigang taga Palawan biglang nagyayang mamasyal. Naku naman kung kelan pauwi na ako, pero dahil adik ang lola nyo sige go! Pasyal tayo sa mga tourist spot dito sa lugar. Tinawagan ko ulit ang driver at ang motor na inarkila ko nung isang araw. Salamat naman at pumayag siyang ma-rent ng per hour.

Sa loob ng tatlong oras dinayo namin ang mga lugar malapit sa City na pwedeng puntahan. Alas 4 ang flight ko alas tres medya na nasa pasyalan pa ako, naghahabol bigla ang lola nyo. Halos paliparin ang motor papuntang airport bumuhos ang malakas na ulan, basa ako pati gamit ko! Dumaan sa trapik dahil sa Baragatan Festival late na ako as in! Pero hindi ako papayag na hindi makasakay at maka-uwi. Deadma na kung sobrang basa na ako at ang gamit ko, tuloy sa airport. Trapik waahhh! syempre pagdating ko dun close na ang check in counter, on board na lahat ng pasahero maliban sa akin.

Reclaim the streets! ang dahilan ng traffic!

Nagdrama ang lola nyo (konti), mega madali buti nalang naawa ata sa akin ang staff ng PAL dahil sobrang basang-basa ako nang dumating sa airport pumayag na maisingit ako at makasakay. Ang kawawang driver ko nakalimutan kong bayaran sa sobrang pagmamadali. Sa wakas nakasakay din ako ng eroplano PAL express unang biyahe ata nila papuntang Cebu mula Palawan. Pag-akyat ko nakatingin lahat sa akin ang mga pasaherong puro foreigners daig ko pa ang basang sisiw, hagardnes, at hindi malaman kung na-rape ng sampung kalabaw.

Natuyo rin ang damit ko sa biyahe, sobrang ginaw nga lang. Pero isinumpa ko talagang hinding-hindi na ako babalik ng Palawan …kapag may BAGYO! Ang kawawa kong driver ayun, pinadala ko na lang ang bayad sa LBC kinabukasan. Kawawa naman, in fairness sobrang bait at gentleman sya yun nga lang sayang hindi ko siya type.

4 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Kung kaya kong iwanan ka
Di na sana lalapit pa

Pero para kang bawal na gamot
(Although i have not tried it)
na ang sabi nga ng mga nakasubok
eh once natikman eh mahirap ng iwanan pa, hahahaha

Husay mo talaga, just imagining
how it was eh nakaka thrill na,
lalo na siguro kung makasama ako
sa mga ad at mis adventures ng
tulad ng mga naranasan mo, eh
tiyak na sobrang adrenalin rush
talaga.

Daig pa ang mga ala angelina jolie
adventures, oh di bah!

Im sure na by today naman eh di ka
na tigang at muli eh sariwang sariwa na puno ng katas ng pagmamahal, wink.

Ang iyong orihinal at unang tagahanga, na although di nagpaparamdam eh tiyak kang nandito lang at nagmamatyag lagi.

William :-)

Unknown ayon kay ...

wow ang muling pagkabuhay! kumusta anong balita kuya? Buti naman nagparamdam ka ulit he,he.Bili ka ng book ko ha! ;-)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Paguwing paguwi ko

e book mo agad ang hahagilapin ko

at kapag nagkalakas ng loob ako

e baka hanapin kita for book signing, hehehehe

siyempre sikat ka na eh, kailangang
makakuha ako ng souvenir mula sa yo
kahit man lang signature mo

mapalad ako dahil nakita ko na ang mga pic mo noon dahil ngayon eh may drama ka nang remain ananimous.

Hahahahahahaha

Basta lagi lang akong nandito,
my eyes is on you, ika nga. :-)

William

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Alam mo di ko alam kong matatawa ako o magagalit sa isinulat mo. Pero napaka unfair namang isumpa mo ang Palawan sa mga nangyari sa iyo. Mababaw ang mga dahilan mo upang maiinis ka. Actually ang karamihan nga ng nangyari sa iyo ay bunga ng iyong katangahan. Pero, oo nga, isa ka lang na may karanasang ganyan at maraming tao na naging maganda ang karanasan dito. Pangit ka rin seguro kaya walang nagkainteres sa yo sexually.