Kumusta mga ate at kuya! Pasensya na po medyo natagalan ang bakasyon ng blog ko, sa totoo lang naglakwatsa nanaman kasi ang inyong lingkod kaya hindi kaagad nakapag-update. Anyways, im back! at syempre katulad ng dati mega chika nanaman ako dito, nakaka-inis nga ang dami ko pa naman sanang magagandang picture na ipopost dito! Kaso, dahil nga nag-inarte ako at nagfeeling anonymous daw... medyo konting picture nalang ang pwede kong ipost ngayon.
Parang nagdadalawang isip tuloy ako kung kaya kong panindigan ang hindi magpost ng picture sa blog o sa friendster eh adik pa naman ako sa mga picture taking na yan. Pero, titiisin ko... kaya sa ngayon itong mga larawan nalang muna ang makikita nyo dito.
Siyanga pala bago kayo mahilo sa pag-iisip sasabihin ko na kung saang lupalop nanaman ako ng Pilipinas napagawi. Well, bumalik lang naman ako ng Palawan Puerto Princesa at naku kaloka pati ang pinakasulok na ata na lugar ng palawan dinayo ko dahil sa isang trabaho.
Minsan gusto ko nang i-give up ang trabahong ito, feeling ko kasi tumatanda na ako. Madali nang mapagod, madali nang makaramdam ng takot o kaba, hindi katulad noong mga kabataan ko ehem... 27 pa lang naman po ako mas bata sa inyo ng di hamak okies. Hindi katulad nung medyo bata pa ako na talagang super excited ako kung saan man ako maitapon ng opisina kahit saang bundok at ilang dagat o ilog ang tawirin keri ko as in yakang-yaka! At kahit na gaano ka delikado ang assignment deadma lang at sugod pa rin ang lola nyo. Hays, alam kong nagtataka kayo sa trabahong sinasabi ko... pero secret ito as in secret! yun na! kaya dun sa mga gusto pang magtanong, huwag na po at hindi ko rin naman sasagutin.
Pero ok lang sulit pa rin naman sa mga libreng pasyal, katulad nga nitong pagkakapadpad ko ng Palawan last week. Nagkataon na BARAGATAN FESTIVAL sa kanila, parang SINULOG po ito kung sa Cebu. At dahil fiesta marami akong nakitang mga botique, mga tindahan at mga tiange na nagbebenta ng mga native products na halos lahat gawa ng mga locals dun. Halos gabi-gabi din ang mga libreng paconcert sa Capitol area nila. Kaya naman siksikan to the max nanaman sa dami ng mga tao at mga foreigners na nasa area.
Ayan ang larawan ng ilang mga kasali sa parade ng Baragatan Festival, bawat isang munisipyo ay may kanya-kanyang contingents.
Ilan din sa mga lugar na pinuntahan ng lola nyo para masulit ang pamamasyal sa Palawan ay ang Butterfly Garden,Crocodile Farm at ang Hills (nakalimutan ko ang pangalan tumatanda na ata ako) anyways, ayan ang mga larawan sa ibaba share ko lang.
View from the famous Hill na nakalimutan ko ang pangalan! Overlooking the City of Puerto Princesa.
Hayss, magkaroon lang ako ng ganito kagandang bahay bakasyunan masaya na ako! Yan nga pala ang friend kong si Jonet isang dakilang taga Luneta din he,he miss na ulit kita kuya! Siya po ang kasama ko sa pamamasyal taga Palawan po kasi siya.
Syempre dinayo ko rin ang butterfly garden! wow ang sarap tumira dito ang daming butterfly nakaka-inlove!
Nakakaingit naman ang mga paru-parong itoh! Hmmm... teka ano ba ginagawa nila?
Ang mga batang crocodiles! he,he papagawa sana akong slippers para orig na crocs talaga diba?
Ang kanilang ina! obvious ba?
Nagkaroon nga pala sila ng longest grill chuva as in gumawa sila ng mahabang ihawan sa sidewalk hindi ko alam kung ilang metro o kilometro pero ito ang mga iniluto nila sariwang isda at ilan pang seafoods at libre sa lahat! Pasensya na po hindi ko na nakuhanan ng picture! waaahhhh!
Oooppss! salamat nga pala sa ITOY's Coffee shop para sa libreng wifi access! sarap ng kape nila promise!
3 komento:
weeh... ganda talaga dyan sa palawan. astig jan! taga palawan din ako dati...
kindly give me update about your book, pls drop your message sa blog ko. umm... gusto ko magkaroon ng book mo. nasa national na kaya?
kindly give me update about your book, pls drop your message sa blog ko. umm... gusto ko magkaroon ng book mo. nasa national na kaya?
Mag-post ng isang Komento