Bata 1: “Maglaro tayo ng bahay-bahayan!”
Bata 2: “Sige ikaw ang Nanay at ako ang Tatay”
Bata 3: “ Ako naman daw ang anak ni Nanay sa ibang Lalaki!”
Huh?! Nagulat ako dun ah! Kitam! Sinong maysabing walang alam ang mga batang ito? Hindi ko alam kong matatawa ako o babatukan ko ang pangatlong bata dahil sa sinabi niya.
Pero bakit ko naman gagawin iyun? Anong masama kung ang isang batang limang taong gulang eh magsabi ng mga bagay na naoobserbahan niya lang naman mula sa pakikisalamuha sa mga matatanda?
Mga matatandang nagpupumilit kumilos ng wasto ayun sa inidikta ng lipunang kinalakihan niya. Pero madalas din naman na ang mga batas o panuntunan ng lipunang ito ay sinusuway o nilalabag niya upang mapagbigyan niya ang mga damdaming natural sa kanya bilang isang tao.
Nagpapatunay lamang ito na ang mga bata sa panahon natin ngayon ay mulat na sa realidad ng buhay.
Nanay : Walanghiya kang lalaki ka! Hudas! Nambabae ka nanaman!
Kasabay ng pagbato sa kung anong bagay na madampot, plato, kaldero, plato ulit, baso naman, kawali hangang sa wala nang madampot si nanay.
Tatay : Tumigil ka! Kung ayaw mong masaktan! Isa, dalawa, tatlo! Pok, pak, bog!
Ilag at salo ang gagawin ni tatay sa mga plato at baso, kapag minalas sapol ng kaldero, habang ginagawa namang punching bag si nanay kapag nalapitan.
Sa tuwing huhupa na ang ganitong eksena, malamang wala na si tatay sa bahay dala ang isang bag ng mga damit niya.
O kaya kasalukuyan nang sinusugod si nanay sa hospital ng mga kapitbahay.
Matitira naman kayong magkakapatid na nakatulala o kaya, kung sanay na sa mga ganitong eksena wala na kayong gagawain kundi ang imisin at pulutin ang mga basag na kagamitang dinaanan ng bagyong SELOS.
Magtatanong tayo, bakit ba nambababae ang mga lalaki at bakit ba nanlalalaki ang mga babae?
Sa murang edad natin sasabihin nating mas tama naman ang ganun, dahil ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae?
Pero bakit nagagalit si nanay kapag nambabae si tatay?
At bakit lalong hindi mailarawan ang galit ni tatay kapag nalaman niyang nanlalaki si nanay?
Siguro dapat mambabae na lamang si nanay at manlalaki si tatay?!
At dahil iyun ang naging tamang konklusyon para kay Totoy bunso natutong manlalaki at magmahal ng lalaki si bunso sa halip na umibig sa babae.
2 komento:
LOL
hehehe!!
nakakaawa ang mga batang nakakaranas ng ganyan.
Sa murang edad ay maaga sila namumulat sa mga bagay na dapat di pa nila masaksihan.
tsk! tsk!
padaan po :)
Mag-post ng isang Komento