Mayo 7, 2008

Close Your Eyes

(As usual dahil corny at medyo boring plus irrelevant ang entry na ito hindi pumasa sa editor, kaya dito babagsak sa blog ko. Pagtyagaan nyo nalang basahin mga ate at kuya)

Ooopss… mga bata takpan ang mga mata nyo! Isa, ikaw ang kulit mo ha sinabi nang takpan ang mga mata eh! Itatakip ko naman kaagad ang mga palad ko sa mga mata, dalawa pa yan ha! Para siguradong wala akong maaninag na kahit ano! Pero huwag ka! nag-iiwan ako ng konting siwang para naman makita ko rin kung ano ba itong ipinagkakait ng mga matatanda sa bata. Ayun… naman pala! dalawang nilalang lang naman na naghahalikan eh!

Magtakip ng mata! Ito ang madalas kong marinig sa mga nakatatanda sa akin habang nasa kasarapan kami sa panood ng pelikula. Bakit ba kapag limang taong gulang ka palang eh ipinagbabawal ng mga matatanda at mga ate o kuya ang makakita tayo ng mga maiinit na eksena sa pelikula?

Bawal daw kasi sa bata? Hmmm bakit naman? ano ang masama kung ang mga bata eh makakita ng mga eksenang naghahalikan o nagtatalik sa pelikula? Hindi ko naman sinasabing hayaan manood ang mga bata ng malalaswang pelikula, pero kung ang simpleng halikan lang ay ipagkakait natin sa kanila eh medyo hindi naman ata tama yun.

Eh bakit yung mga eksenang nagbabarilan, o eksenang nilalagare ang katawan ng mga character sa pelikula makikita mo pang nagtatalsikan ang dugo sa kung saan saan deadma lang ang mga matatanda na mapanood ito ng mga bata.

Yung mga pelikulang nagpapakita o nagbibigay ideya kung paano manloko ng kapwa eh hindi naman ipinagbabawal na mapanood ng mga bata?

Kaya tuloy, habang lumalaki ako parang naging malaking kahihiyan sa akin ang magpakita ng kalambingan sa mga taong malalapit sa akin.

Gusto kong maglambing, halimbawa yakapin o halikan si nanay o si tatay lalo kapag may mga okasyon, parang Happy New Year! Sabay kiss sa kanila. Kaso hindi eh, ni yumakap o umakbay nga hindi ko nagagawa kasi nga nahihiya ako.

Kasalanan ito ng mga taong malisyoso, sa pilipinas maraming mga taong malisyoso Makita ka lang nilang ka holding hands ang kaibigan mo bibigyan ng malisya at kung anu-ano na ang maglalaro sa mga kukote nila.

At dagdagan pa ang natural na pagiging pala-tukso natin sa iba “Uyyy magkasama sila! Kayo ha….!” Mga ganung salita na ewan ko ba kung bakit masyado naman tayong nagpapa-apekto sa mga ganung tuksuhan lalo na nung kabataan natin.

Kaya pati tuloy ako lumaking malisyoso! Minsan mapapansin kong bigla akong babawi ng tingin kapag may nakikita akong couple na maghahalikan.

Kahit simpleng halik lang sa pisnge nahihiya na ako sa sarili ko kapag napansin kong napatingin ako sa kanila. Parang sa mga oras na iyun gusto ko na agad tumakbo sa simbahan para mangumpisal. Ayokong magkasala at masunog ang kaluluwa sa impyerno!

Father patawarin nyo po ako!

Bakit kasi napatingin pa ko sa mga naghahalikan eh! At bakit ba naman kasi may mga taong naghahalikan sa harapan ng ibang tao? Alam ko namang walang masama sa pagpapakita ng affection in public o yung tinatawag nilang PDA hindi po yan Philippine Dental Associaton, although kailangan din natin magpasuri sa mga doctor na ito para siguradong fresh breath tayo kapag hahalik kay special someone.

Ang ibig sabihin po ng PDA ay Public Display of Assumption! Oo! dahil assuming ang mga couples na ito na mahal sila ng kapareha kaya’t mega display ng ka-sweetan sa isat-sa ang mga ito.

“Ooopsss! Sinabi nang takpan mo ang mga mata mo eh! Teka bakit ba eh hindi na ako bata?! “

“Gaga! May sorpresa ako sa iyo!”

“Tsup! Muahhh” isang malutong at malagkit na halik?! Yuck PDA!!!


Walang komento: