Map of Olango Island, Mactan
The breathtaking view!
The bridge going to the birds viewing area
Matapos ang aking pakikipagsapalaran sa Camotes Island (pa as if talaga, lakwatsa lang naman) kinabukasan tumuloy naman kaming dalawa ng aking partner sa Olango Island, isa pang isla na sakop ng Mactan. Aabot sa halos kalahating oras lamang ang biyahe mula sa port ng Punta Engano, sa gilid ng Hilton Spa Resort Hotel. Ang pamasahe sapung piso bawat isang tao at pisong terminal fee, makakatawid ka na sa Isla.
Ang Olango Island ay isa sa pinakasikat na isla ng Cebu na dinadayo ng mga turista, dito kasi matatagpuan ang malaking ektarya ng protective marine eco park at bird sanctuary sa buong Pilipinas (pasensya na hindi ko masyado nakuha ang figure, nakalimutan kong mag note taking habang ginagawa ko ang chika interview sa isa sa mga volunteer sa park).
Ayon nga sa na interview kong si kuya (nakalimutan ko din pangalan) maraming ibon daw galing sa Japan, China at Siberia ang dumadayo sa isla ng Olango tuwing buwan ng July hangang November ang tawag daw dito ay Southward Migration mula sa malayong paglalakbay ang mga ibon na ito ay magpapahinga muna sa Isla ng Olango bago tumungo sa mga bansa ng Australia at New Zealand. Sa buwan naman ng February at May dagsa rin ang mga ibon sa isla dahil naman sa tinatawag nilang Northward Migration, kung saan ang mga ibong namasyal at lumipad sa mga buwan ng July at November ay bumabalik naman sa mga bansang pinaggalingan nila. (kalokang mga ibon ito!)
Anyways bago kayo ma bored sa kuwento ko, itutuloy ko na ang chika kung paano naman kami nakarating sa isla ng Olango, hindi katulad ng mga ibon na napagawi roon para magpahinga at maghanap ng makakain, ang lola nyo ang pumunta roon para magtrabaho at the same time katulad ng dapat asahan magmaganda at maglakwatsa.
Syempre trabaho muna, matapos magawa ang assignment ko sa lugar, buti nalang hindi ako masyadong nairita dahil ang kanilang munisipyo (extenson office pala ng lapu-lapu City Hall) ay walang laman as in parang dinaanan ng bagyo walang laman ang opisina, may mga tao ngang empleyado ata dun wala naman silang maipakitang files na hinahanap ko. Imagine wala silang municipal profile? tama ba yun? kaya ang ginawa ng lola mega interview nalang sa mga staff, na hindi rin naman sigurado sa mga sagot na binibigay sa akin.
Bumawi sila dahil true naman na maganda ang isla nila! So go na kami ng partner ko sa pinagmamalaki nilang Bird Sanctuary. Wow! true naman talagang dapat ipagmalaki ang lugar, napakaganda may magrove na nakapalibot sa park, ang tubig sobrang linaw, sobrang babaw nga lang nung time na bumisita kami dahil hapon na. Pero sabi naman ng mga taga roon masarap daw magswimming dun sa lugar kapag umaga o tanghali kung saan high-tide.
Naku, tingnan nyo nalang ang mga picture na kuha ko dun sa lugar, para naman maniwala kayong maganda nga dun.
Ayan sa likod ko naman ang mga mangrove trees na nakapalibot sa buong lugar, ganda nila by the way white sand nga pala dyan.
Tingnan ang view!!!! ang ganda mga ate at kuya! pasyal kayo dito ha!
Sa pathway (bridge) palang mag-eenjoy ka na sa pagtawid ang linaw ng mababaw na tubig at makikita mo ang ibat-ibang uri ng isda, shells at mga crabs na walang takot (as in) na lumalangoy o naglalakad sa area (walang takot dahil bawal po silang galawin dahil protective nga ang lugar, kapag nangisda ka daw dun sa lugar kulong at multa ang aabutin mo.
Super linaw ng tubig mga kapatid! Pwedeng magpose at magsalamin he,he
Ito naman ang kuha ko sa partner ko habang naglalakad sa bridge pabalik dahil hapon na po. He,he
3 komento:
Mga ibon ba kamo mula sa ibang bansa? Obserbahan mo ang iyong sarili.Kung may ubo,lagnat at sipon,delikado yan.
hi Than salamat pero saan ang venue? nasa cebu kasi ako pero sana wish ko lang maka attend ako.
:-)
fwen, mas malapit ba itong olango island kesa sa camotes? mas sulit b puntahan ang camotes?
slamat .. pasensya na sa mga katanungan!
Mag-post ng isang Komento