The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Abril 20, 2008
Camotes Island...the experience
Ito nanaman ako, magkukuwento ng mga karanasan sa buhay, kung hindi tungkol sa paglalakwatsa ano pa nga ba kundi pagmamaganda. Sarap buhay ng lola nyo mga kapatid, dahil naisasabay ang business at pleasure! pero madalas mas maraming pleasure keysa sa business!
Katulad nanaman ngayon, nagkaroon kami ng biglaang project sa mga area ng camotes Island, Olango Island at Bantayan Island at ilan pang ports sa Isla ng Cebu. At dahil kilala ang Cebu sa pagkakaroon ng mga magagandang beaches, diving site, marine eco park at kung anu-ano pang magagandang tanawin at lugar na dinadayo ng mga turista, syempre hindi nagpahuli ang lola nyo. Minsan nga sa dami ng mga turista sa Cebu, iniisip ko kung ako ba ay nasa Pilipinas o sa Amerika o sa Korea, lalo na sa tuwing mapapagawi ka sa pier o sa airport kung san makikita mo halos ang ibat-ibang lahi na paroo't parito.
Dahil nagmamaganda ako isiniksik ko talaga ang sarili ko sa grupong pupunta sa Camotes at Olango island para gawin ang project, bale tatlo kaming tumawid ng isla ang partner ko at isang pang kasamahan sa opisina. Ayos! para kaming magbabakasyon lang sa lugar, dala ng partner (BF) ko ang malaking back pack namin, dala ko naman ang laptop at ilan pang anik-anik.
Inabot ng halos isat-kalahating oras ang biyahe namin sa fast craft papuntang Camotes island na isang isla sa dulo ng southeast part ng Cebu. Mas maraming koreano, Japanese o kano ang nakasabay namin sa biyahe, tamang tama kasing week end ang alis namin, kaya dagsa rin ang mga turista at iba pang lokal na pupunta dun para magswimming o mag-outing.
Pagdating sa port ginawa na muna namin ang trabaho, nagpicture taking nag-interview at kumuha ng mga kailangang detalye. Pagkatapos dumiretso na kami sa isa sa pinakasikat na resort sa isla ang Santiago Beach Resort na nasa bandang dulo ng karugtong na isla ng San Francisco, Camotes. 25 Km daw! na habal-habal ride (motorbike) ang titiisin namin para makarating ang resort. Ayos lang, maganda naman ang lugar, kasama sa adventure ang biyahe ng habal-habal makakapag site seeing ng husto, at maiikot namin ang halos kalahating parte ng buong isla.
Syempre kahit mainit ang sikat ng araw, deadma lang kasi sobrang lamig namin ng ihip ng hangin dun sa island. At ang gaganda pa ng mga views na madadanan namin papunta sa resort, maganda rin ang lumang simbahan nila at mababait ang mga lokals, sanay na rin kasi sila sa mga taong galing kung saan na napapadayo sa lugar nila.
After 30 minutes, wow sa wakas narating din namin ang Santiago Bay Resort! Masasabi kong pangatlo sa pinakamagandang beach na napuntahan ko Boracay, Malapascua Island at ito na ang kasunod Santiago Bay Resort sa Camotes Island! Hanep, ang ganda ng lugar sobrang puti ng buhangin, maganda ang tanawin at higit sa lahat hindi pa siya gaanong napapagsamantalahan ng maraming turista, virgin pa ng konti he,he. Pero huwag mag-alala dahil kahit malayo ang lugar, may maganda silang restaurant with matching white sand effect pa! so kahit nakatsinelas ka keri lang, mura ang food lalo na ang seafoods na sariwang sariwa, at ang rate ng mga rooms solve na rin meron silang non-aircon room na 500 good for 2-4 at aircon na 1th good for 2-4 person din.
Syempre magpapahuli ba naman ako?! Ilabas na agad ang camera! kaso Camera lang ng Cellphone ko ang dala ko bukod sa isang JVC handy cam. Kaya medyo pasensya na sa mga kuha na hindi masyadong kagandahan mga kapatid.
........
Ito, ang tawag ko dito mangrove lane patawid munisipyo ng San Francisco galing sa Poro kung saan dun naman dumadaung ang mga barko. May maliit na tulay na nagdudugtong sa dalawang isla na ito.
The Famous Sto. Nino Church ng Poro, Camotes Island...lumang luma na daw yan, obvious ba?
Ito ang napakaganda nilang restaurant, may view ng dagat with white sand pa talaga na flooring, kaloka!
Ganda ng resort!
See diba ang ganda?! Kulit ko talaga!
Ayan pa! sarap maligo! at mag snorkling or mag scuva diving dyan!
abangan nyo naman ang aking pakikipagsapalaran sa Olango Island!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
4 (na) komento:
waaaah ganda. gusto ko makarating dyan!!!!
hahha, korak inggit ka noh! balik ka kasi ulit dito sa cebu tapos punta tayo dito mura lang at mag eenjoy ka talaga!
fwen, sobrang ganda! mura rin b jan? gus2 ko magpunta jan... tips nmn po! hehehe
Wow! This is an awesome island. I never knew that Camotes Island could be so beautiful. Thank you for this blog, now I am decided in where to have a vacation.
Mag-post ng isang Komento