Abril 27, 2008

Soul Mate?


Kahapon, as usual katulad ng mga typical na mag-jowa nainis nanaman ako sa partner ko, hindi ko kasi mahagilap nang bandang hapon at may kailangan pa naman ako sa kanya. Ako pa naman masyado akong demanding, as in... gusto ko kapag kailangan ko ang isang bagay o tao nandyan agad ayoko ng naghihintay ng matagal, ayoko nang nagsasayang ng oras. Hindi ko alam pero parang lagi akong nagmamadali, parang may humahabol sa akin palagi.

Minsan naman sa gabi madalas akong magpuyat marami pa kasi akong mga bagay na ginagawa sa halip na magpahinga at matulog... madalas madaling araw na ako natutulog dahil nga nanghihinayang ako sa oras. Ewan ko ba feeling ko kasi kapag natulog ako may mamimiss akong napaka importanteng bagay na mangyayari (ang weird noh?) kahit noong bata ako ayoko ng natutulog sa tanghali gusto ko gising ako lagi, alive and kicking at laging handa!

Madalas naman kapag umaalis ako, ang laki palagi ng bag ko, parang bitbit ko ang buong bahay o opisina as in kumpleto sa gamit may extrang damit at undies, dala ang laptop, dala ang kung anong anik anik. Parusa ata sa sarili ginagawa ko pero yun ang nakasanayan ko ayokong umaalis ng hindi ko dala ang mga bagay na maari kong kailanganin kaya tuloy lalo akong pumapayat sa pagbitbit ng bag araw-araw.

Parang partner ko ganun din siya, malaki ang bag at kumpleto ang dalang gamit kahit saan magpunta, kahit hindi gagamitin dala niya!

Pero bago tayo lumayo sa topic isa lang naman ang sasabihin ko, kaya pala hindi mahagilap ang partner ko kahapon dahil napadaan daw siya sa isang bookstore... naintindihan ko kapag bookstore umaabot siya ng isang araw sa pagtambay dun. At ang sorpresa binili niya ako ng CARD! as in sweet nothing card hehehe. Wala namang okasyon, sa totoo lang kami lang siguro ang magkarelasyon na hindi dumaan sa mga kaeklatan katulad ng MONTHSARY, ANNIVERSARY at WEEKSARY na yan.

Dahil sa totoo lang hindi rin namin alam kung kelan niya ako niligawan kung kelan ko siya sinagot at kung kelan naging kami. Parang automatic ang nangyari isang umaga narealise nalang namin na lagi na kaming magkasama at naisipan naming magka-anak ganun! Sa awa ng Diyos ito hangang ngayon going strong pa rin naman kami.

Speaking of going strong ito ang card na binili ng partner ko para sa akin... na touched naman ako as in how sweet! (kilig) with matching tears pa nga ako habang nagbabasa true!


Ang Nakasulat sa card:

To the one person i consider to be my SOUL MATE...

i am so glad that you are a part of my life. it is a privelege- to know you, to share my life with you, and to walk together on the paths that take us in so many beautiful directions.

i had heard of soulmates before, but i never know such a person could exist- until i met you...

somehow, out of all the twist and turns our lives could have taken, and out of all the chances we might have missed, it is almost seems like we were given a meant-to-be moment to meet, to get to know one another, and to set the stage for a special togetherness.

when i am with you, i know that i am in the presence of someone who makes my life more complete than i ever dreamed it could be. i turn to you for trust, and you give it openly. i look to you for inspration, for answers, and for encouragement, and - not only do you never let me down - you lift my spirits up and take my thoughts to places where my troubles seem so much farther away and my joys feel like they're going to stay in my life forever.

i hope you'll stay forever, too. i feel like you're my soul mate. and i want you to know that my world is reassured by you, my tomorrows need to have you near, so many of my smiles depend on you, and my heart is so thankful that you're here.

-carey martin

Naniniwala ba kayo sa soulmate?

1 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

hindi ko alam...wala kasi akong kaluluwa weheheh